twelve

286 32 61
                                    

Loe hehehehehehe. Sorry late 😅 birthday ni Marianne ngayon batiin niyo 😂 👉 XieaneGrey solomot sa cover bbq 😘

Weird

Meiko

"Talaga kilala mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yeah." Sagot niya lang sakin.

"Paano?"

Napansin kong parang nairita siya. Nakakailang tanong pa lang naman ako di ba? Ayoko lang naman kasi na dalhin pa yung curiosity ko hanggang sa pangungulangot ko eh.

Mahirap na baka di din ako makapag concentrate maipasok ko pa sa bibig ko daliri ko.

"Its just...I know him and nothing's wrong with that."

Napairap naman ako. Para kasing di ako satisfied sa sagot niya.

"We? Paano nga?"

"Aish. Okay fine. I'll tell you soon. Huwag ka na lang makulit." Sabi niya. Napanguso na lang ako.

Ganun ba talaga siya kahirap magtiwala sa'kin? Atsaka ano ba kasing meron sa kanila ni labanos? Bakit ayaw niyang sabihin sa'kin?

Eh kung itanong ko kaya kay Yohan?

Sus! As if namang sasagutin din ako nun!

Pero bakit ba kasi ako nacucurious? Eh kasi malay mo naman may tinatago pala silang dalawa diba?

Eh kung makikita niyo reaksyon nila mukhang gulat na gulat nung magkita, eh.

Hindi kaya bakla si Yohan at Dylan? Tapos mag ex silang dalawa? O kaya magkapatid silang dalawa? Ay pak! di malabo, kutis pa lang wala ng duda----okay sabi ko nga yung height eh.

Pero minsan din ba naiisip niyo kung anong kulay ng singit nilang dalawa? Yung utong nila? Atsaka yung ano...yung ano...hehehe.

"Eh bakit ka na lang pala nagmamadali nun kahit hindi pa naman tayo tapos?" Nagpakawala muna siya ng malalim na paghinga bago siya sumagot.

"Actually, I want to apologize about that. Nagkaroon lang kasi ng emergency. Kailangan ko lang talaga puntahan yung bata."

Napakunot ako ng noo.

"Bata? May kapatid ka?" Napangiti lang siya ng tipid sakin.

"Parang ganun na nga.."

Oh? May mas bata pa sa kaniya? Parang gusto ko tuloy makilala. Titignan ko lang kung maputi din hihi :'>

"Kasing puti mo ba? Pinaglihi din ba sa gluta?" Natawa naman siya sa tinanong ko at tumango na lang. "Owemjiii? Ano bang sabon niyo ha?"

"Bibigyan kita next time."

Nanlaki pa yung mata ko tapos bigla akong napatingin sa kutis niya tsaka sa kutis ko.

Omayghateu!

May pag-asa pa kaya to?

Charot! Di naman talaga ako maitim na pang Barack Obama. Sadyang nangingitim lang talaga ako dahil nga si Dylan at Yohan ang palaging nakikita ko. Sad :<

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon