fifty one

114 16 32
                                    

Too late

Yohan's POV

"Meiko please, huwag mo akong iwan. Mahal na mahal kita hindi ko kayang mawala ka sa'kin..."

"Sorry."

"H-ha?"

"Kailangan ko nang umalis."

Nagising ako dahil sa masamang panaginip.

Sa sobrang sama ng panaginip ko naikuyom ko ang kamao ko.

Hindi.

Hindi magagawa 'yun sa'kin ni, Meiko. Mahal namin ang isa't-isa at pinangako ko sa kaniyang kahit anong mangyari ipaglalaban ko siya.

Tumayo ako sa damuhan na kinahihigaan ko. Sa sobrang pagod ko dito na pala ako nakatulog. Inalala ko ang mga nangyari kagabi bago ako makatulog dito at ang natatandaan ko, kasama ko ang mahal ko pero paano nangyaring mag-isa na lang ako ngayon dito?

Totoo ba ang panaginip ko?

Pero hindi niya ako kayang iwan. Sinabi niya sa akin noon na hindi niya kayang malayo sa'kin. Nangako kami. Hindi ko 'yun makakalimutan.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at kahit na ang dami nang texts and missed calls sakin ni Mieko hindi ko iyon pinansin at dinial lang ang number ni Meiko. Nakailang tawag ako sa kaniya pero hindi siya sumasagot kaya nagpasya akong pumunta na lang sa bahay nila.

Wala na akong pakialam kahit na makita pa ako ni Veence. Wala na akong pakialam kung suntukin niya pa ako ng ilang beses. Wala na akong pakialam kung paanong pananakit pa ang gawin niya sa'kin.

Ang mahalaga makita ko si Meiko, na makita ko ang pinakamamahal kong babae na hindi ko kayang mawala sa'kin.

Kailangan ko siyang ipaglaban sa Kuya niya. 'Yung ilang linggo nga na wala akong ginawa para sa kaniya sising-sisi na ako kaya hindi lalo ko nang hindi mapapatawad ang sarili ko kung wala pa akong gagawin ngayon para sa kaniya.

Pagdating doon napalukot ang noo ko noong makitang naka-lock ang gate. Tinignan ko ang oras at lagpas 10am na pala. Ganun ba ako katagal nakatulog doon? Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil sa pagod kong mag-alaga ng bata lalo na't madalas siyang umiyak. Pero kahit na anong tingin ko sa batang 'yon, sabihan ko na din ang sarili kong napakasama kong tao pero kahit na saang anggulo hindi ko pa din makitang anak ko siya. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa pagmamahal ko kay Meiko kaya hindi ko matanggap pero malaki ang posibilidad na iyon nga. Ano pa nga bang magagawa ko? Nandiyan na eh pero kahit na. Pwede naman 'yung bata lang ang panagutan ko at si Meiko pa din ang mamahalin ko, wala nang iba pa maliban sa kaniya.

Tinawagan ko na lang si Shin pero hindi siya sumasagot ganun din si Ela at pati ang iba. Siguro nasa klase sila. At ako? Ito hindi makapasok dahil kay Yoana. Hays. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Oh, kuya Yohan anong ginagawa mo diyan? Kanina pa sila umalis, ah?" Muntik na akong mapatalon sa gulat noong may magsalita sa likod ko. Ito 'yung nagbebenta ng ulam na madalas namin pagbilhan, ah? Pero anong sabi niya?

"Ah oo pumasok na nga pala sila. Sige sa school na lang ako pupunta." Magmamadali na sana akong umalis pero hinawakan niya ako sa braso at noong pagharap ko sa kaniya nakakunot lang ang noo niya sa'kin.

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon