Endearment?
Meiko's POV
"Dadating daw yung tropa dito at kayong dalawa, bumili kayo ng makakain ngayon na."
Utos samin ni kuya habang nakahilata ako sa sofa at nanonood ng TV. Si labanos naman nakaupo sa lamesa at hindi ko alam kung anong ginagawa niya.
Nanood ako ng sponge bob ngayon dahil paborito ko si sponge bob sa lahat ng cartoon character. Ewan ko ba pero natutuwa ako sa katangahan nila ni Patrick.
Pero mabalik tayo. Sunday ngayon at alas syete pa lang ng umaga. Ang aga kong nagising kasi hindi pa ako gaanong sanay na matulog dito atsaka namimiss ko kasi si inay kahit isang araw pa lang siya nawawala.
Sanay kasi ako na siya yung kasama ko kahit na kaming dalawa lang sa bahay. Dati naman halos kalahatiin ko na yung araw kapag walang pasok ng natutulog lang at tatalakan ako ni inay na kesyo anong oras na,tulungan ko siya maglinis ng bahay, at kung ano-ano pa pero ngayon hindi na, kusa na ako nagising ng maaga.
Leche kasing fries yan! Nang dahil sa kaniya napapayag ko na umalis si inay!
'Tong dalawa to? Kung maaga ang gising ko, mas maaga naman sila. Hindi ko lang alam kung ganun lang talaga sila gumising o ano.
"Ha? Eh bakit kasama pa ako? Kaya na ni Marianne yan malaki na siya." Ganun na lang ako napalingon kay Yohan matapos niyang sabihin 'yun. Hindi dahil sa sinabi niya ako napalingon kung hindi sa pangalan na binanggit niya.
"Sino si Marianne?" Sabay naming tanong ni kuya na may halong pagtataka at nagkatinginan pa kami. Hindi ko alam kung bangag si labanos ngayon o ano eh kasi wala naman kaming ibang kasamang babae dito bukod saki—OMG?!
Bigla naman nagsitaasan 'yung balahibo ko sa naisip ko atsaka ako napatayo sa sofa at madapa-dapa pa akong napakapit kay kuya.
"Omg kuya! Bakit hindi mo naman sinabi sakin agad?!" Gigil na bulong ko kay kuya pero tinignan niya lang ako habang nakakunot 'yung noo niya.
"Anong dapat kong sabihin?" Pagtataka niya pa. Naku po! Ang slow naman talaga ng kuya ko oo! Takot na takot na nga ako dito kay aga-aga.
"Na may iba pa pala kayong kasama dito sa bahay?" Napansin ko namang napakunot si Yohan sa sinabi ko na mukhang narinig niya iyon, jusko natatakot na ako ah—
"Ano bang sinasabi mo? Ikaw yung tinutukoy ko." Seryosong sabi ni Yohan sabay higop ng kape niya kaya napakunot ako ng noo ko.
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...