Secret relationship
Meiko's POV
"Meiko dito sagutin mo ako ulit dali." Pilit niya sa'kin at hinila-hila pa 'yung braso ko.
"Ano ba Yohan kanina pa tayo paulit-ulit sa ganiyang scene hindi ka ba napapagod kakalakad?" Tanong ko sa kaniya at napakamot na lang siya atsaka ako inakbayan.
"Ang sarap kasi pakinggan ng oo mo." Sabi niya kaya naramdaman kong uminit ang pisngi ko.
"Corny mo."
"Kinilig ka lang."
"Heh!"Magkahawak lang ang kamay namin habang naglalakad kami pauwi. Ewan ko ba kay labanos at naisipan niyang maglakad na lang daw kami tutal malapit lang naman daw 'yung bahay. Pero ang purpose niya lang naman pala talaga ay 'yung kada may madadaanan kaming magandang lugar, luluhod nanaman siya at magtatanong kung pwede na niya ba akong maging girlfriend. Siguro apat na beses na namin 'yun ginawa.
Nakakapagod maglakad oo pero sa tuwing naaalala kong si Yohan nga pala ang kasabay ko parang nawawala na lang ng kusa 'yung pagod ko at ginaganahan pa ako lalo. Hays. Pati ba naman sa paglalakad Meiko?
"Anong idadahilan natin kay kuya?" Tanong ko sa kaniya dahil naalala kong pinatay niya nga pala ang cellphone ko at paniguradong puno na ang inbox ko nito at madami nanamang missed calls.
Halata namang napaisip siya.
Malapit na din kasi kami sa bahay.
"Ganito na lang, Ikaw ang unang pumasok sa bahay tapos magpapalipas muna ako ng oras atsaka ako susunod."
Nagpasya kami ni labanos na ganun na lang ang gawin namin hanggang sa nasa tapat na talaga kami ng bahay. Baka nasa sala lang si Kuya kaya minabuti muna namin na magtago sa isang puno dahil baka makita kami.
"Matulog ka na maya-maya hmm? Hahatid na lang kita bukas sa school kasi baka hindi kita masundo. Baka mahalata na tayo, eh." Hindi ako sumagot sa kaniya at kinunutan ko lang siya. "Bakit?"
"Yohan bakit ba natin 'to kailangan itago? Hindi ba natin pwedeng ipakita sa lahat 'yung relasyon natin?" Hindi ko na napigilan at nagtanong na ako sa kaniya. Napatigil naman siya pero maya-maya lang din ay hinawakan niya 'yung dalawang kamay ko.
"Para sa ikabubuti natin 'to. Balang araw maiintindihan mo din ako. Hindi naman natin 'to itatago habang buhay, eh. Kung pwede ko nga lang ipagsigawan ngayon na akin ka na bakit hindi? Pero hindi talaga pwede. Sundin mo na lang ako't magtiwala ka sa'kin."
Napabagsak na lang ako ng balikat at napayuko.
Bakit ba kasi hindi pwede?
Kapag ba nalaman ng lahat kung ano ang meron sa'min makukulong kami?
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...