Promise?
Meiko's POV
"Dylan, bakit nakasulat yung pangalan ko sa notebook mo?" Tanong ko sa kaniya at halata namang nagulat siya dahil doon.
Nakita ko kasi na may naka-lettering na pangalan ko doon sa isang page at may naka-drawing pang kung ano-ano. Doodle yata ang tawag dun?
Ililipat ko pa sana yung page nung notebook dahil parang ang dami pang naka-drawing doon pero agad na yun kinuha ni Dylan sa akin.
"H-huh? I...I never wrote down your name here." Sabi niya at tinago niya agad yung notebook. Nahalata ko pa na nahihiya siya dahil namumula ang tenga niya.
Tignan mo to, nagkaila pa eh ang linaw-linaw ng pangalan ko doon.
"Kunwari ka pa! Crush mo ko no? Yieee lalaki na siyaaa!" Pang-iinis ko sa kaniya at tinusok-tusok pa yung tagiliran niya pero agad siyang umiwas.
"Hindi naman siguro bawal diba?"
Bumulong siya pero hindi ko naintindihan kung ano yung sinabi niya.
Ano daw? Bawal lang ang narinig ko.
"Ano? May sinasabi ka?" Tanong ko pero agad lang siyang umiling sakin.
"S-sabi ko ano...we should get going," pag-iiba ng topic ni Dylan at lumapit sa akin. "masakit pa ba ang paa mo?"
"Konti."
Tinignan pa ako ng matagal ni Dylan at hindi ko naman mabasa yung iniisip niya nang bigla siyang lumuhod sakin patalikod kaya yung likod na niya yung kaharap ko ngayon.
"U-uy umaano ka?" Gulat na tanong ko.
My ghad! Mag po-propose ba sakin si Dylan?!
Pero bakit naman nakatalikod?
Ganito na ba ang pagpo-propose ngayon?
"Obvious ba? Hinahanap ko yung alaga kong ipis."
Ay.
Nag-assume pa naman ako.
"Ahh. Akala ko pa naman kung ano. Saan mo ba siya huling iniwan?" Tanong ko at napaharap naman sakin si Dylan habang naka face palm.
"Are you serious? Mukha ba akong nag-aalaga ng ipis?" Tanong niya naman sakin.
Ay oo nga no? hehehe.
Pero malay natin diba?
Iba pa naman mga trip nito.
"Eh umaano ka pala?"
"I'll give you a piggy back ride."
"Ahh yun lang naman pala bakit di mo sinabi aga—ANO?" Tama ba yung narinig ko? Ipapasan niya ako?
"Ayaw mo? Okay, madali akong kausa—"
"Sino nagsabing ayaw ko?" Tatayo na sana siya pero agad na akong pumasan sa likod niya.
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...