She's here
Meiko's POV
"You left, you right, you go on hehe." Halos mautot ako kakapigil ng tawa dahil kay Kuya. Nag-cr lang naman ako pero pagbalik ko may kausap na agad siya at mukhang may tinatanong ito sa kaniya.
"Thank you." Sabi nung babaeng nagtanong at nagbigay ito ng awkward na ngiti bago umalis.
Napapailing akong lumapit kay Kuya na ngayon ay nagpupunas ng pawis kahit malamig naman.
"Dalawang buwan na tayo dito pero hindi ka pa din nag-iimprove." Natatawa kong sabi at binigyan siya ng thumbs down. Pinitik niya naman ang noo ko at sinamaan ako ng tingin.
"Ang dami kasing pwedeng pagtanungan ako talaga? Nakakainis." Iritableng sabi niya at ako naman hinimas-himas na lang ang noo ko.
Buti na lang talaga may mga pinoy din kaming naging kaibigan sa school dahil kung hindi, siguradong magiging lonely siya. At saka hindi pa naman huli ang lahat para sa kaniya dahil hindi pa naman ganun katagal ang dalawang buwan na pag-i-stay namin dito.
Yes it's been two months since we left Philippines. At naging okay naman ang bagong buhay namin dito. Nakapasok na kami ulit sa bago naming school at Christmas break ngayon dahil syempre malapit na ang Christmas. Namamasyal kami ni Kuya ngayon kasi wala lang. Gusto lang namin i-enjoy ang Los Angeles California. Mwehehehe.
"Tara na." Aya ko sa kaniya.
"Saan tayo pupunta?"
"Sushi Gennn!"
"Doon nanaman?! Kakakain lang natin doon nung isang araw, ah! Hindi naman gaanong luto ang pagkain do'n!"
"Malamang! Saan ka ba nakakita ng sushi na tustado?"
"Ayoko dun."
Dahil sa sinabi niya bigla nalang naging emotional ang pakiramdam ko. Para bang gusto kong umiyak at kahit gusto kong pigilan, bigla na lang itong bumagsak sa mga mata ko.
"Uy bakit ka umiiyak? Gagang 'to." Gulat na sabi niya at nag-pout lang ako.
"G-Gusto ko ng sushi." Humihikbi kong sabi kaya napasapo siya ng noo.
"Nakakainis ka para kang bata. Tara na nga!"
Bigla akong napapahid ng luha at hinila na siya.
Ayos!
**
"Dahan-dahan naman pwede? Ang kalat mo kumain." Sermon niya at bumalik sa pagcecellphone. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.
Bakit sa pinas hindi ko naisipang kainin 'to? Dito lang talaga.
"Bakit hindi ka kumakain? Ayaw mo ba dito? Ganda nga dito daming chix, oh." Pagbibiro ko at tinuro 'yung paligid pero hindi man lang siya nag-abalang tignan ito at nakatutok lang sa cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...