Sick
Meiko's POV
"If your fever stays down, I'll let you go home tomorrow." Huling sabi ni Dr.Hong bago siya lumabas.
Sus, as if namang makakalabas na siya bukas. E, hindi nga bumababa ang lagnat niya. Kung minsan bababa nga pero sandali lang naman at babalik lang ulit.
Bagot na bagot na daw kasi siya dito sa hospital kaya gusto na niyang umuwi habang ako naman, kahit na dire-diretso sa pagtulo ang sipon ko at ang sakit ng ulo ko, dito pa rin ako dumiretso after ng dismissal.
"Are you okay?" Tanong sa'kin ni Dylan noong mapansin niya yata ako na hinihilot ang sintido ko.
Tumango ako sa kaniya, "Oo ayos lang ako," Magtatanong pa sana siya dahil mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko pero hindi ko agad siya pinagsalita, "Oo nga pala, naibigay ko na 'yung sulat na ginawa mo kay Mrs.Reyes, nagpadala siya sa'kin ng prutas para sa'yo at pinapasabi niya na magpagaling ka."
Tinuro ko sa kaniya kung saan ko nilagay 'yung mga prutas na nasa lamesa na binili sa kaniya ni Mrs.Reyes.
Gumawa kasi ng letter si Dylan kanina dahil sa pag-absent niya at tungkol na din sa pagcu-cutting ko. Syempre si Dylan ang class president namin plus siya din ang presidente ng school kaya hindi niya daw pwedeng palagpasin 'to. Pinagalitan niya pa nga ako tungkol sa pagcucutting ko dahil bilang student council president daw, ayaw niya na may nagcucutting sa loob ng school.
E anong magagawa ko? 'Yun lang naman ang tanging paraan para mapuntahan ko siya.
Balak ko pa nga sanang ikwento sa kaniya kung paano ako umakyat sa pader para magcutting pero huwag na lang. Baka mamaya maihampas niya pa sa'kin itong hinihigaan niya ngayon.
"What about quizzes, activities or assignments?"
"Ah, nakapagtanong na ako dun. Wala naman daw as of now dahil kagagaling lang natin sa exam."
"Okay. Pakisabi kay Mrs.Reyes salamat."
Hindi na lang ako nakapagsalita ulit dahil bigla na lang akong nabahing.
Aish!
Kanina pa ako punas ng punas sa ilong ko kaya nakakaramdam na ako ng hapdi. Kagabi kasi bigla na lang akong sinipon at paggising ko bigla na lang itong lumalala at sa tingin ko mas malala na siya ngayon.
At syempre, alam ko ang dahilan kung bakit ako sinisipon ngayon.
"You don't seem okay. Umuwi ka kaya muna?" Umiling ako sa kaniya.
Hindi ko naman siya pwedeng iwan dito mag-isa. Nanghihina kaya siya ngayon tapos iiwan ko lang siya? Kung tutuusin nga habang kausap ko siya ngayon ang hina lang ng boses niya, e.
"Wala ba talagang balak na pumunta dito mga kamag-anak mo?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...