twenty six

226 22 70
                                    

Ela's POV

"Aish! Nakalimutan ko nga pala 'yung wallet ko sa bahay!" Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa katangahan na naalala ko.

Recess ngayon at saktong gutom na gutom ako kaya papunta ako ng canteen pero naalala kong nakalimutan ko nga pala 'yung wallet ko.

Ang galing 'di ba?

Palakpakan niyo naman ako.

Kasalanan 'to ni kuya eh. Kung hindi niya sana ako pinagmadali kanina edi hindi ko 'yun makakalimutan! Siya tuloy 'yung nagbayad ng pamasahe ko at nagkautang pa ako sa kaniya. Hindi din tuloy ako nakapag-almusal. Bwisit.

Maaga daw kasi ang pasok nila ngayon kaya sabay kaming pumasok at dahil nga late na kami nagising, nagmadali kami.

Balak ko na lang sana bumalik sa room pero bigla ko nakita si Hansel na naglalakad pero nung nakita niya ako, nanlaki 'yung mata niya at tumalikod atsaka mabilis na naglakad palayo.

"Hoy lalake!"

Hinabol ko naman siya at hindi ko alam kung bakit ang bilis niyang maglakad at parang 'yung isang hakbang niya, tatlong hakbang ko na.

Kabayo talaga.

Tumakbo na lang ako ng mabilis para maabutan siya. Buti na lang at nahabol ko siya.

"H-hi Ela. Anong tawag sa binibigay ng doctor kapag may sakit ang ibon?" Biglang sabi niya pagkaharap niya pa lang kaya muntik na akong maiyak.

Muntik na akong mag-iyak dahil magj-joke siya.

"Ano nanaman ba Hans?"

"Edi TWEETMENT! HAHAHAHAHAHA!" Sabi niya at biglang humagalpak sa tawa.

Okay.

Wait.

Wallet ko lang ba ang naiwan ko o pati 'yung pake ko?

"Oh teka saan ka pupunta? Hindi pa 'yon tapos!" Hinila niya naman ako pabalik noong aalis sana ako.

JUSKO MAY KASUNOD PA

HOMAYGHAD HANS

CAN YOU NOT

"Uuwi sa bahay hahanapin 'yung pake ko." Sabi ko naman kaya napasimangot siya.

"Sige na nga hindi na ako magjo-joke. Pero bakit mo ba kasi ako hinahabol? Crush mo ko no?" Bigla naman akong kinilabutan dahil sa sinabi niya.

"ANONG CRUSH?! EH KUNG IDUKDOK KAYA KITANG ANIMAL KA?!" Pagbabanta ko sa kaniya at tinuro ko pa si Meiko---este 'yung pader doon. Hehe.

"Nagbibiro lang ako! Bakit akala mo crush din kita?! Urur 'yung otor nito crush ko hehe." Pag-amin naman niya kaya lumabas ako ng istorya at si otor 'yung dinukdok ko dahil epal siya sa POV ko.

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon