My kind of Christmas
Meiko's POV
"Manong ito po ang bayad ko," Sabi ko sa driver ng tricycle at inabot ang bayad sa kaniya. Bumaba na ako dito at parang gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
Nandito ako sa bahay ng mahal ko.
Nandito ako sa bahay ng ama ng magiging anak namin.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ng magulang ko at ni kuya dahil bigla nila akong pinabalik ng pinas. Well temporary lang naman dahil final na ang kailangan kong pagtatapos ng pag-aaral doon. Hindi na lang nila sabihin na ayaw talaga nila akong makasama ngayong pasko dahil sa sitwasyon ko ngayon. Chos.
Kahit naman nalaman nilang buntis talaga ako, hindi pa din nagbago ang pakikisama namin sa isa't-isa. Oo may disappointment kay inay at itay pero wala na din naman daw silang magagawa dahil andiyan na e, nangyari na. Ganun din naman ako.
At ngayon hindi ko alam ang gagawin ko at una kong sasabihin once na makapasok ako sa bahay na kaharap ko ngayon. Wala na akong pakialam kung nandiyan ba si Mieko sa loob at si Yoana basta ang nasa isip ko lang, kailangan kong sabihin kay Yohan ang totoo.
Nagsimula na akong maglakad palapit nang palapit sa nakasaradong pinto. Sigurado akong nandito sila sa loob dahil bukas ang mga ilaw. Nanginginig man ay nagawa ko pa ding kumatok pero nagtaka ako dahil walang nagbubukas at mas nagtaka ako dahil nang buksan ko ito ay hindi man lang naka-lock.
Sa pagbukas ko ng pinto para akong na-paralyzed sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko.
Si Yohan at Lauren, naghahalikan.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tumakbo na palayo sa lugar na iyon. Gulong-gulo ang isip ko habang tumutulo ang mga luha ko dahil sa nangyayari. Hindi ba't si Mieko ang dapat na makita kong kasama niya? Pero bakit iba ang nakita ko? Pinagpalit niya na ba si Mieko para kay, Lauren?
Mali.
Pinagpalit niya na ba ako para kay, Lauren?
Nakatalikod man si Lauren mula sa gawi ko kanina, sigurado akong siya 'yun dahil naging kaklase ko siya, madalas ko siyang makita kaya kahit nakatalikod ay kilalang-kilala ko siya.
Sa pagkakaalam ko ayaw sa kaniya ni Yohan pero anong nangyari? Bakit naging mabilis ang pagbabago ng isip niya at mabilis nakuha ni Lauren ang loob niya?
Nag-away ba sila ni, Mieko?
At baka kapag nagtuloy-tuloy pa ako sa bahay ay madagdagan pa ang galit sa akin ni, Yohan. Iniwan ko na nga siya noong huli naming pagkikita ng walang paalam tapos ang lakas ng loob kong magpakita na lang basta-basta?
Wala akong alam na ibang gawin kundi hanapin ang number ni Dylan at tawagan ito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayokong pumunta sa bahay namin dahil pakiramdam ko mas makakasama sa akin ang mag-isa ngayong mga oras na 'to dahil baka maisip ko pang tapusin na lang ang buhay ko. Kailangan ko ng kasama at hindi ko alam kung bakit siya agad ang naisip kong tawagan. Hindi nagtagal ang pagri-ring at sinagot niya agad ang tawag.
Alam kong hindi pa kami okay pero siya talaga ang gusto kong makita ngayon.
"D-Dylan..."
Pagbanggit ko sa pangalan niya at hindi ko mapigilan ang pagka-utal dahil sa pag-iyak at dahil na din siguro sa ngayon lang kami ulit nag-usap ulit.
"Are you crying?" Tanong niya at hindi ako nakasagot agad. "Why did you call me?"
"N-Nasa pinas ako. C-Can you come here?"
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fiksi Penggemar❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...