First day
Meiko's POV
Tahimik lang kami nitong kasama ko na si Dylan pala ang pangalan sa elevator ngayon. Pagkatapos ko kasi tanungin ang pangalan niya hindi na ako nagtanong ulit dahil kung magtanong pa ako baka mapagkamalan na niya akong chismosa.
Kahit chismosa naman talaga ako hehehe keme.
Hanggang sa magbukas na ang elevator ng sosyal na paaralan na 'to at syempre, si Dylan ang unang lumabas ng elevator at sumunod na lang akong lumabas sa kaniya.
"Why are you following me?" He asked me habang gamit nanaman ang malamig niyang boses.
Napansin yata niya na sinusundan ko siya dahil siya pa lang naman ang kilala ko sa mga kaklase ko, siya na lang ang sinusundan ko dahil hindi ko din naman alam kung saan ako dapat pumunta ngayon.
"Ayaw mo nun? Follow back mo na lang ako senpaii para f4f na tayo omg!"
"Psh." Narinig ko pa siyang nagsmirk at hindi na lang ako pinansin atsaka na siya nagpatuloy sa paglalakad.
Meanwhile habang naglalakad pa din kami—oo bes hanggang ngayon punyemas ang laki naman kasi ng school na ito at sa sobrang lawak niya ang haba ng lalakarin mo patungo sa...sa...teka? Saan nga ba ako pupunta? Basta sinusundan ko lang itong si Dylan na masungit nang may makita kaming estudyante na nagtapon ng kalat sa kung saan.
Nagulat na lang ako nang tawagin yun ni Dylan at sinamaan niya ito ng tingin. Bigla naman akong natakot sa kaniya dahil sa tingin niya ganun na din yung babae.
"S-sorry po." napakunot ang precious forehead ko na dinaig pa ang school na'to sa sobrang lapad dahil sa sinabi nung babae. Bakit naman siya nagsosorry? Ano niya ba si Dylan?
"Don't you dare to throw trashes anywhere within our school again because the next time I caught you doing that, I would not hesitate to feed that crumpled paper to you." Seryosong sabi niya doon sa estudyante na tingin ko ay natakot naman kaya agad niyang tinapon yung papel sa bag niya atsaka siya nagsorry at tumakbo na.
"Wow ha sino ka ba para takutin ng ganoon 'yung babae at gusto mo pang ipakain yung papel sa kaniya na tinapon niya? Ganun naman talaga yung mga estudyante ah? Napakaano neto baka mamaya ma-trauma 'yun nang dahil sa'yo, mukhang takot na takot pa naman." Sabi ko sa kaniya.
Pero mukhang wrong move yun nang mapabaling siya ng tingin sa akin. Siguro kung nakakamatay lang ang masamang tingin kanina pa ako nawala sa mundo at mawawalan na ng bida ang istoryang 'to. Mukhang ako yata ang mat-trauma sa lalaki na'to ah. Ako yung natakot eh.
"Again, My name is Dylan Park, the student council president of this school that's why I have the right to prohibit the students who violate the rules of the school so could you please keep your nose out of my business?" Napatahimik ako dahil sa sinabi niya at dinugtungan niya pa ito. "And stop following me will you? Its embarrassing."
Napahawak ako sa ilong ko at chineck ito kung may tumulo bang dugo pero glad to know at wala naman. Grabe ha? Kanina ko pa napapansin itong masungit na'to na palaging nage-english? Nahihiya na yung ilong ko sa kaniya ah.
"Oh my goodness!! Bleeding my nose is!" Pagbibiro ko at tinakpan pa ilong ko pero siya hindi na ako pinansin at umalis na sa harap ko, hindi ko naman na siya sinundan dahil ayoko pang mawala sa mundo.
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...