fifty

125 14 46
                                    

Farewell

Meiko's POV

"So sinasabi mo din na layuan ko si Yohan? Weh uwi ka na sa bahay niyo di ka na love ng nanay mo ulol," Sabi ko sa kaniya at sinako siya para ihagis sa bermuda triangle.

Pero joke lang.

Kailangan kong sumagot ng matino dahil baka mamaya ako ang maihagis doon pero hindi pa man ako nakakasagot, nagsalita nanaman siya.

"Gusto ko na mabuo ang pamilya namin. Ayoko lang naman na habang magkasama kami may iniisip siyang iba. Minahal na niya ako noon at maaaring bumalik pa 'yun sa'kin. Sisiguraduhin kong kapag nilayuan mo siya makakalimutan ka din niya," Dagdag niya. Hindi ako makasagot sa kaniya at para lang ako nag-mistulang statue sa kinauupuan ko.

Ayoko.

Ayokong layuan si Yohan.

Pero ayoko din na makigulo.

"Pwede bang pag-isipan ko muna?" Tanong ko sa kaniya. Finally nakapagsalita na din ako.

Hindi ko nagustuhan ang pag-iling niya.

"No. You need to answer me now. Kailangan mo na pag-isipan ngayon 'to," Sagot niya. Sa tono niya parang kahit sabihin kong ayoko hindi naman siya papayag.

Pero ano nga bang dapat kong isagot?

Bakit ba kasi siya nagmamadali?

May taxi, teh?

Wala ako nagawa kundi sumagot na lang sa kaniya. Sinagot ko kung ano ang tama at makakabuti para sa kanila at para sa'kin. Umalis din agad siya dito matapos makuha ang sagot ko.

Hindi man lang siya nagbigay ng chocolates galing L.A.

Joke.

Pumasok ako ng bahay at naabutan ko si Kuya na kumakain. Noong makita niya ako tinanong niya sa'kin kung nasaan na 'yung pinsan namin pero sinabi ko lang na umalis na agad dahil baka hanapin daw siya ni Yoana. Tinanong din niya kung nagbigay daw ba ng chocolates pero wala talaga, eh.

"Ano ba 'yan pinaghain ko pa naman siya akala ko may pasalubong."

Napa-face palm na lang ako kay Kuya.

Hindi ako kumain ng tanghalian kakaisip. Tama ba ang naging desisyon ko? Pero kahit na sabihin kong mali hindi ko na din naman mababawi dahil nasabi ko na.

"Alam na nila itay at inay 'yung tungkol kay Yoana. Wala din pala silang ideya tungkol doon dahil wala naman daw naikekwento si Mieko at si tita. Parang tinago talaga nila 'yung bata sa'tin," Tss. Para namang ibebenta namin sa sindikato ang anak niya once na malaman namin.

Gusto niya ngayon ko gawin, eh.

De joke.

"Alam na nila 'yung relasyon namin ni Yohan?" Tanong ko at nagulat ako noong tumango siya.

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon