eight

381 32 8
                                    

Hotdog

"Meiko hindi pa ba sapat ang itlog ko?" Bungad sa akin ni Timothy habang hawak ang itlog niya—literal na itlog kasi!! 

May dala nanaman kasi siyang isang plastik ng itlog. -_-

"Anong kagaguhan ito?!" Agad naman akong napaalis sa ibabaw ni Yohan noong sumigaw na si Kuya. 

Owemji?! 

Galit ba talaga siya? Eh syempre! Sino nga ba naman ang hindi magagalit kung aabutan niyang ganun ang posisyon namin ni Yohan 'di ba?

"Kuya mali ang iniisip niyo! Wala kaming ginagawang masama ni Yohan!" Pagdepensa ko sa kanila pero si kuya masamang tingin pa din ang isinagot sa akin.

"Eh ano palang ginagawa niyo?" Tanong naman sa amin ni Jin habang nagpapaypay siya gamit ang pink niyang pamaypay. 

Teka bakit pink? 

"Ah ano... Naglalaro kami ng...wrestling!! Hehehe iyon nga wrestling astig 'di ba?" Nakita ko naman na nagpigil ng tawa si Yohan kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin. 

Ang bobo naman kasi ng dahilan ko 'di ba? Okay ako na bobo kasalanan ni Yohan 'to eh!

"Talaga? Masaya ba 'yon? Tara nga hyung gawin natin!" Masayang sabi ni Timothy kay Jam at iyon nagwrestling nga ang mga gunggong at dahil nakita 'yon ni Hans inaya niya din si Kuya na magwrestling.

"Veence! Veence! naiinggit ako tara tayo din!" Pangungulit niya kay kuya pero inambaan lang siya nito.

"Ayoko!!" 

"Sige naaaa!!"

"Ayoko sabi eh!!" 

"Sige naaaa!!"

"Isa na lang bubugbugin na kita!"

"Sige n---"

Hindi natapos ni Hans ang sasabihin niya nang sapakin siya ni Kuya at iyon nag wrestling na din sila. 

"Nathan gusto mo mag wrestling din tayo? Ibang wrestling nga lang ang gagawin natin hihihi!" Maharot na sabi ni Jin at pinalupot pa ang mga kamay niya sa braso ni Nathan.

Napangiwi na lang ako dahil doon at bago pa ulit madamay sa kanila ay nagmadali na akong pumanik papasok sa kwarto ko dahil hindi ko na kaya ang mga ginagawa ng mga ulupong na'to. 

'Di ko na kinakaya ang katangahan nila jusmiyo!

Nilock ko agad 'yong kwarto ko at humilata sa kama ko. Napakamalas ko talaga ngayon araw na'to! Grrr! 

Napaangat ako ng ulo dahil biglang tumunog ng malakas ang cellphone kong iPhone na dual sim--char basta ang mahalaga may cellphone ako at iyon nga nakita kong tumatawag si inay sa akin kaya nagningning ang mga mata ko at hindi nagdalawang isip na sagutin ito.

"Inaaaaay!! Uuwi ka na ba dito? Kukunin mo na ba ako ulit? Waaaah I'm so happy to know that—"

[Gaga! Hindi pa ako uuwi diyan! Anong sinasabi mo?] Aish! Akala ko pa naman!

"Eh bakit ka pala napatawag?" 

[Kakamustahin lang kita, bakit masama?] 

"Huwag na nay hindi ako okay." Nakairap na sabi ko kahit hindi naman niya ako nakikita.

[Bakit? May ginawa bang nasa sa'yo ang kuya mo?] Tanong naman niya.

"Hindi siya inay! 'Yong labanos na impokritong nakalunok ng isang bachang gluta ang problema ko!" Narinig ko namang napahagikgik si inay sa kabilang linya. 

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon