Labanos
Meiko's POV
Maputi.
May kasingkitan ang mga mata.
Mapupula ang labi.
Walang ekspresyon ang mukha .
At higit sa lahat...WALANG SAPLOT NI ISA!!
My ghad! my ghad! my ghad!
"JUSKO KUNG SINO KA MANG NILALANG KA UMALIS KA DITO SA CR NGAYON DIN!!!" Natatarantang sabi ko habang nanghihinang nakatakip yung mga kamay ko sa birhen at inosente kong mga mata.
No please. Wala akong nakita na kahit ano diba? Okay lang yan Meiko, joke lang to nananaginip ka lang.
"Ahh shit!Bakit ba kasi dere-deretso ka dito?!" Nagpapanic din na sabi niya pero ako nakatakip pa rin yung mata ko at hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o ano.
Kasi naman, sobrang nanghihina yung tuhod ko at hindi ako makatakbo palabas punyeta!
"E-eh bakit kasi hindi k-ka naglolock ng pinto!!" Tanong ko pero hindi ko siya narinig sumagot.
Hindi ko alam pero mga ilang minutong ganun yung sitwasyon ko kasi natatakot ako alisin yung mga kamay ko dahil baka makita ko nanaman.
"Hello! Still there?!" Kinakabahan na tanong ko pero walang sumagot.
Hanggang sa sinubukan ko na ito alisin.
Ay wow! So kaya pala dahil ako na lang mag-isa dito sa banyo?
Glad to know at siya na yung gumawa ng move para makalabas dito kasi sobrang nanghihina talaga yung tuhod ko sa nakita ko huhuhu! Tell me goise, bakit may naliligo dito? Bakit may kasama si kuya sa bahay? O baka maling bahay tong napasukan namin?
Bigla tuloy umatras yung tae ko dahil sa nangyari.
NAKITA KO LANG NAMAN HO ANG HINDI KO DAPAT MAKITA!!!
Dahan-dahan akong lumabas ng banyo kasi nga biglang umatras yung tae ko kaya ano pang silbi ng pagpasok ko dito diba?
Kung kanina pa sana siya umatras edi sana hindi to nangyari!
Okay kalma Meiko magpanggap kang walang nakita hindi naman siya sigurado kung may nakita ka ba o wala diba? Oo tama tama.. Chill ka lang kalimutan ang nangyari.
Gusto ko sanang sabihing panaginip lang to pero ilang beses ko na sinampal at kinurot yung sarili ko at masakeyt bes! ang sakeyt so totoo to.
Grabe. Ako na yata talaga ang pinakaswerte sa buong universe.
Umupo ako doon sa nakita kong sofa atsaka ko pinikit yung mata ko.
I really hate this day! Unang araw ko pa lang sa bahay ni kuya ganito na agad experience ko? Nakakagago hindi ba? Ngayon nagsisisi na ako kung bakit pinatuloy ko pang umalis si inay kanina nang dahil sa fries.
Simula ngayon hate ko na ang fries hindi na ako kakain nun never as in never na ako kakain nun—OKAY FINE SABI KO NGA HINDI KO KAYA!!
Wag nga kayong ano diyan. Nang-aano kayo eh.
Isusumpa ko na lang yung lalaki na mukhang nakalunok ng ilang batiyang gluta na sana mangitim siya hanggang sa kaloob looban ng katawan niya ngayon di—
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
أدب الهواة❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...