Mutual
*PEEEEP*
"HOY MAGPAPAKAMATAY KA BA?! ETO LUBID OH IDADAMAY MO PA AKO!"
Nanginginig na inalis ko ang kamay na nakatakip sa mga mata ko noong marinig ko ulit na bumusina 'yung driver at magsisigaw. Akala ko pag-alis ng mga kamay ko makikita ko siya na nakahandusay na sa daan pero nakahinga ako ng maluwag noong makita ko na may maliit pang agwat bago siya tumama dun sa truck. Kahit na nakita kong ligtas siya, hindi pa rin tumitigil sa pagbilis ng tibok ang puso ko dahil sa pagkabigla. Hinanap ko si Kyle pero nagtataka ko at wala na din siya sa paligid. Siya ba 'yung tumulak sa'kin?!
"Sayo na 'yang lubid mo gago!" Sigaw pabalik sa kaniya ni Yohan atsaka niya kinuha 'yung lubid at nilagay sa leeg nung driver atsaka sinabit sa puno.
Charot.
Noong makaalis 'yung driver, nagulat ako noong lapitan ako ni Yohan at hawakan niya 'yung pisngi ko atsaka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa.
"Ayos ka lang?" Tanong niya sa'kin, bakas ang pag-aalala sa mga mata.
Dahan-dahan lang akong tumango sa kaniya at bigla naman nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Sinamaan niya pa ako ng tingin. "Hindi ba sabi ko layuan mo siya? Pero anong ginawa mo? Hindi mo ako sinunod! Paano kung wala ako ngayon dito? Paano kung hindi ko kayo sinundan? Ano na lang mangyayari sa'yo ha?"
Napakunot ako habang sinisigawan niya ako. Paano niya nalaman na mangyayari 'to? May kinalaman ba siya dito?
"Alam mo?" Gulat na tanong ko.
"Sasabihin ko ba 'yun kung hindi ko alam?"
"Pero bakit hindi mo sinabi sa'kin agad?"
"Kasi alam kong hindi mo ako papaniwalaan!"
Natahimik ako. Tama siya hindi ko nga siya papaniwalaan. Bakit ko naman papaniwalaan 'yung taong kinaiinisan ko?
"Kaya mo ba ako laging sinusundan?" Tanong ko sa kaniya. Napahinto siya saglit at maya-maya'y dahan-dahan ding tumango.
Kaya pala.
Kaya pala kahit anong iwas ang gawin ko, pilit pa din siyang lumalapit sa'kin.
"Pero bakit? Pwede mo naman hayaan na lang na mangyari 'to, ah?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.
Bakit nga ba kailangan niya pa din akong iligtas? Paano kung siya 'yung napahamak kanina? Siguradong hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari 'yun! At saka hindi naman siya ganito sa'kin dati 'di ba? Dati naman hindi niya ako ganito itrato. Kulang na nga lang ilagay na niya ako sa sako at itapon sa ilog, eh. Kung pwede nga lang sanang naging masungit na lang siya sa'kin. Mas mabuti pa palang iniinis na lang niya ako sa tuwing nakikita niya ako. Baka doon hindi pa ako nahulog sa kaniya!
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...