Kid in love
Shin's POV
"Shin, pinapatawag ka na ng choreo niyo." Sabi sa'kin ni Gab kaya napabusangot ako.
Practice nanaman.
Intrams kasi namin next week kaya kailangan nanaman namin gumawa ng bagong sayaw para may i-perform.
"Oo na." Sabi ko at tumayo na palabas ng room para pumunta sa practice room.
Tamad na tamad talaga ako ngayong araw. Hindi pa kasi ako nakakasilay kay Veence. Nasaan ba kasi siya?
"Omg puta." Bulong ko sa sarili ko at napatakip ng bibig ko dahil napamura nanaman ako.
Ano ba yan!
Sinabing ayoko na magmura at baka ma-turn off siya sa'kin, eh!
Paano ba naman kasi, nakita ko si Veence na nakaupo sa ilalim ng puno!
Pogi shet! :(
Kailangan ko na ba talagang pumunta sa practice room? Huwag muna kaya? Parang mas maganda na mag stay na lang muna dito hehehe.
Umabot din ako ng limang minuto na nakatitig sa kaniya at buti na lang hindi niya ako nakikita. Pumwesto kasi ako sa hindi niya talaga ako makikita. Pero sa tingin ko kahit naman makita niya ako wala siyang pake. Ang layo-layo nga ng tingin niya, eh.
Hays.
Baka si Kamil nanaman 'yung iniisip niya.
Ewan ko pero noong maisip ko 'yun, bigla na lang ako napasimangot ulit at nawalan ng gana. Mukha siyang malungkot ngayon dahil siguro naiisip niya pa din na binasted siya nung Kamil na 'yun.
Pero kung gusto kong mapansin niya ako, dapat ko ba siyang lapitan at pasayahin para makalimutan niya si Kamil?
Kaso bata pa nga pala ako at baka hindi ko naman 'yun magawa.
Ano naman kung bata ako? Wala naman masama 'di ba?
Parang may bumubulong din sa'kin na lapitan ko daw siya kaya wala na din akong nagawa. Minsan lang naman 'to susulitin ko na.
Ang lakas ng tibok ng puso ko habang naglalakad ako palapit sa kaniya. Para bang gusto na lumabas ng puso ko sa rib cage ko.
Umupo ako sa tabi niya at para bang pinagpawisan ako bigla ng malamig. Kahit kasi kaibigan siya ng kuya ko, hindi pa din naman niya ako napapansin at hindi ko pa siya nakatabi ng ganito. Kung minsan kakausapin niya nga ako pero ang hinahanap niya naman si kuya. Kaya hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na'to.
"Alam mo ba kung bakit magkakahiwalay ang daliri natin?"
Sinubukan kong hindi mautal sa pagsasalita para hindi mahalata. Buti na lang at nakuha ko naman ang atensyon niya.
"Bakit?" Tanong niya naman kaya napangiti ako.
Pucha bakit pinansin mo ako Veence!! Gusto ko tuloy magwala!!
"Alangan namang magkakadikit ano ka itik?" Sabi ko at tumawa nang tumawa.
Sige lang Shin tawa ka lang at baka sakaling mapatawa mo din siya!
"HAHAHA!"
Napahinto ako sa pagtawa at napatingin sa kaniya dahil bigla na lang siyang tumawa ng malakas.
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfic❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...