Lauren's POV
Naglalakad ako ngayon pauwi na galing school at dahil sobrang ganda ko, pinagtitinginan nanaman ako ng mga boys everywhere.
Hihihi.
Sorry pero hindi ko kayo type--
"Miss bukas butones mo." Biglang bulong nung isang lalaki na tumabi sakin at umalis din agad. Nakita ko naman 'yung butones ko at bukas nga.
Omg!
My cleavage!
Akala ko pa naman kagandahan ko na tinitignan leche!
Pero okay lang maganda din naman ang cleavage ko.
Sinara ko na lang yung butones ko at nagdire-diretso na sa gate pero masyadong madami ang tao dahil sabay-sabay na lumabas ang mga estudyante. Kung hindi ko lang kailangan magmamadali para sa bitchfriends ko hindi ako makikipagsabayan sa mga amoy isdang 'to!
Pero habang nakikipagsiksikan bigla ako nakaamoy ng mabango sa dalawang lalaki na nasa harapan ko. Sa sobrang bango nila lumapit pa ako sa kanila at hindi inaasahang marinig ko ang pinaguusapan nila.
"Hindi pa din ako makapaniwalang nabuntis siya ni Yohan..." Nagulat naman ako dahil sa narinig ko. Nagbubulungan lang naman talaga sila pero masyado akong malapit kaya narinig ko pa din.
Ihaharap ko sana sila sakin kaso tuluyan na kaming nakalabas ng gate kaya nawala na sila sa paningin ko. Ang bilis naman kasi nila maglakad. Pero tama ba ang narinig ko? Nakabuntis si Yohan?
Omg hindi naman ako buntis ah?
Pero sino pa nga ba ang ibang posibleng mabubuntis niya bukod sa'kin?
Si Meiko lang naman...
Argh impakta siya!
**
"Will you stop crying bitch? Nakakarindi ka!" Gusto ko na siyang subuan ng isang buong tinapay sa bunganga para lang matahimik siya. Nakaka-stress! Ako dapat ang umiiyak ngayon dahil sa nalaman ko eh! Pero dahil hindi pa naman sure 'yun, sige ipapaubaya ko muna sa bitchfriend ko ang momentum.
"H-Hindi siya naniniwalang buntis ako. A-Ang kapal ng mukha niyang hindi paniwalaan na may anak kami!" Hikbi nanaman niya. Psh! Sino ba kasi nagsabing magpabuntis siya dun? Alam niya namang wala siyang mapapala.
My ghad nakaka-haggard 'to ah. Bakit puro pagbubuntis ang nababalitaan ko? My ghad talaga.
Pero wait.
Bigla ko tuloy naalala ang usapan nung dalawa kanina. Boses pa lang alam kong si Jinleroy na ang isa sa kanila. Hindi talaga ako sure kung si Meiko ba ang nabuntis dahil si Yohan lang naman ang nabanggit ni Jin kanina pero iniisip ko pa nga lang na si Meiko talaga 'yun inis na inis na ako!
Napahinto ako sa pag-iisip noong sumagot si Abby kay Sab.
"Mukha ka daw kasing lier. Uy Lauren 'yung Oven Toastir tignan mo baka luto na 'yung tinapay!" Utos niya pa kaya binato ko siya ng unan.
"What?! Inuutusan mo ba ako? Atsaka you're so bobo talaga. It's not Oben Toastir it's Oben Tooster so bobo! Ako na nga." Tumayo na lang ako para dahil lalo akong na-ba-badtrip dito.
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...