twenty nine

228 24 79
                                    

Stay with me

Meiko's POV

To: Unicorn <3456969

Uy sorry, mukhang hindi yata ako makakabalik ngayon, emergency lang. Sorry talaga.

Message sent!

Pagkatapos kong maitext si Dylan, tinago ko na lang ulit ang cellphone ko. Sinusubukan ko siyang tawagan pero mukhang nagpapahinga siya ngayon at hindi niya sinasagot kaya nag-text na lang ako sa kaniya.

Nandito pa rin ako sa kwarto ni Yohan and yes, siya 'yung pinili kong bantayan at alagaan dahil mas kailangan niya ako.

Nagtext kasi sa'kin si kuya at male-late daw siya ng uwi dahil gumagawa sila ng project ng mga ka-grupo niya kaya pala wala siya ngayon dito sa bahay. At dahil nga mag-isa lang si labanos, hindi ko naman siya pwedeng iwanan lalo na't mataas ang lagnat niya.

Napalingon ako kay Yohan noong marinig kong may nabagsak na kung ano at pagharap ko sa kaniya, nakita ko siyang nagsusuka.

Agad akong lumapit sa kaniya at hinagod-hagod 'yung likuran niya. Mabuti na lang talaga at naglagay ako ng palanggana sa tabi niya in case na magsuka siya.

Noong matapos siyang magsuka, pinunasan ko agad 'yung bibig niya ng basang bimpo at pinahiga siya pero napansin ko na pati 'yung damit niya, nalagyan ng suka.

"A-ah ano...k-kaya mo bang magpalit?" nauutal na tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot, "K-kasi ano, baka bumaho."

"Ikaw na lang." Mahina niyang sabi at pinilit na umupo kaya nanlaki 'yung mata ko.

Jusko!

Seryoso?!

Ako magaalis ng damit niya?!

"Bakit nakatulala ka pa? Tanggalin mo na." Sabi niya ulit.

Walangya talaga! Akala niya ba madali lang sa'kin 'yung pinapagawa niya?! Pero ano pa nga bang magagawa ko?

Dahan-dahan na lang akong tumango at hinawakan na 'yung laylayan ng damit niya at siya naman tinaas na 'yung kamay niya para tuluyan kong matanggal 'yung damit niya.

Takte!

Bakit ganun? Pakiramdam ko nilalagnat din ako dahil ang init ng pakiramdam ko? Para akong nasu-suffocate! Ano nanaman bang nangyayari sa'kin?

Hindi ko maiwasang mailang habang tinatanggal ko 'yung damit niya. Eh, paano ba naman kase! Nakatitig lang siya sa'kin kaya sino ba namang hindi maiilang doon?

Noong tuluyan ko na matanggal 'yung t-shirt niya, hindi ko maiwasan na mapatingin sa katawan niya at juicecolored! Akala ko 'yung mukha lang ni labanos ang pinagkalooban ng libreng gluta pero mas maputi pa pala ang katawan niya at in all fairness, may abs siya kahit papaano howem!

"Bakit parang mas maputla ka pa sa'kin? Eh nakita mo naman na 'to noong sinilipan mo ako." Sabi ni Yohan kaya muntik ko na masampal ang sarili ko dahil sa gulat.

Hinawakan ko naman 'yung mukha ko, "h-ha? Sinilipan kita?"

Tumango lang siya sa'kin at bigla naman nag-flashback sa utak ko 'yung nangyari noong unang pagkikita namin. Gusto kong magprotesta noong maalala ko 'yun dahil hindi ko naman talaga intensyon ang iniisip niya pero hindi naman ako makapagsalita at napatulala na lang ako sa kaniya.

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon