At dahil madami na nagpaparamdam saken...
maguupdate na akoooo HAHAHAHAHA!! kalma lang kayo buhay pa naman ako mukha lang patay.
Yohan's POV
"Yohan, talk to me please..."
"Ano ba? Bitiwan mo nga ako wala tayong dapat pag-usapan!"
Pwersahan kong binawi ang braso ko sa kaniya kaya muntik na siyang masubsob sa sahig dahil sa lakas nun.
Tsk.
Sayang 'di pa natuluyan.
"Ano ba kasing problema? Okay naman tayo hon, 'di ba?" Mangiyak-ngiyak na tanong niya sa'kin at pilit ulit na hinahawakan ako pero umiiwas lang ako sa kaniya.
"Anong okay? Ulol ka ba? Tantanan mo ako Lauren ha tapos na ako sa'yo." Sabi ko at tumalikod na. Nasasayang lang oras ko dito.
"Why are you doing this to me?!"
Pangit mo kasi gago.
Akala niya ba ganun-ganun na lang 'yun? Pasalamat nga siya at hindi ko pa sinabi kay Meiko na pakana niya 'yung nangyari eh.
"Is it because of Meiko?! Is it because of that bitch kaya ka nakikipag-break sa'kin?!"
Alam niyo okay na sana.
Hindi ko na sana siya papansinin pero dahil sa sinabi niya napahinto ako sa paglalakad at hindi napigilang mapakuyom.
Bukod kasi sa sinabi niyang makikipag-break, binanggit niya pa si Meiko.
"Whats did you sayin--Anong sinabi mo?!" Tanong ko sa mahina pero galit na tono at dahan-dahang humarap sa kaniya.
Sayang susubukan ko sana siyang englishin kaso tinamad ako.
Atsaka anong break-break ulol tayo ba? Ibreak ko kaya mukha mo.
"Ang sabi ko dahil ba sa malanding 'yon?! Okay fine! Hintayin lang ng malanding yon! Papatayin ko siy--AHH!!"
Naitakip niya ang mga braso niya sa mukha niya noong pagbubuhatan ko na sana siya ng kamay pero buti na lang napigilan ko ang sarili ko kaya hindi dumapo sa mukha niya 'yung palad ko.
Napakagat na lang ako sa ilalim ng labi ko at napapikit ng madiin habang unti-uting binababa ang kamay ko.
Tangina.
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...