Date
Meiko's POV
"D-Date? Ha?" para akong nabingi dahil sa narinig ko.
Date? Gusto niyang mag-date kami? O gusto niya ng kalendaryo? Char!
"Please. Kahit ngayon lang. Gusto ko lang makalimot." Napatitig lang ako sa kaniya at napakunot.
Gusto kong pumayag pero parang may bumubulong sa'kin na huwag dahil parang may nakalimutan talaga ako eh.
Kanina pa 'tong nakalimutan ko ah? Bakit ba hindi ko maalala kung ano 'yun?
"Pwedeng mag-isip muna?"
"Huwag ka na mag-isip kung ayaw mong mas mahirap ang ipagawa ko sa'yo." Napalunok naman ako.
Anak ng utak na makakalimutin naman oh! Ano ba kasi 'yung nakalimutan ko? Sasama na ba ako kay labanos?
Hindi pa ako nakakapagsalita nang unahan niya ako, "Okay, tara na."
Napatayo ako nung hilahin niya din ako patayo at nagsimula siyang maglakad.
"Uy teka! Wala pa naman akong sinasabing sasama ako ah?" Tanong ko habang hawak niya ako sa braso.
"Wala din naman ako sinabi sayong hanapin mo ako ah? Pero hinanap mo pa rin naman ako 'di ba? Gumaganti lang ako." Sabi naman niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit parang ayaw mo pa na concern ako sa'yo?! Utang na loob mo na nga dapat sa'kin 'yun eh!" Napahinto naman siya sa paglalakad dahil sa sinabi ko.
Pakshit.
"Anong sabi mo? Concern ka sa'kin?" Nakangisi niyang tanong sa'kin.
Konti na lang talaga ang pasensya ko sa bibig ko at idudukdok ko na 'to!
"H-hindi ah! S-sabi ko ano...p-payag na ako sa gusto mo." Nauutal kong sagot at nagmadaling maglakad pababa para malagpasan ko siya.
Argh! Ano bang klaseng bibig 'to?
Napapayag niya tuloy ako!
Anak ng!
**
"Doon ako madalas pumunta kapag naaalala ko siya tapos, isisigaw ko doon lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya." Paliwanag niya sa'kin habang naglalakad kami.
Tinanong ko kasi sa kaniya kung bakit ko siya narinig na sumisigaw doon sa rooftop kanina pero parang nasaktan lang ako dahil sa sinabi niya.
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Nasasaktan ba ako para sa kaniya o nasasaktan ako para sa sarili ko?
W-wait...bakit naman ako masasaktan para sa sarili ko? Ano ako hibang?!
"Ahh." 'Yun na lang 'yung tanging nasagot ko sa kaniya.
"Huling tanong mo na 'yan."
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...