Meiko's POV
Habang tumatakbo ako napapansin kong nagsisipasukan na 'yung mga estudyante sa kaniya-kaniya nilang classroom dahil malapit na ngang mag-time pero ako, palabas naman ng school.
Sinusubukan kong makalabas ng gate pero, "Miss, hindi ka pwedeng lumabas." Sita sa'kin nung guard.
"Tupang ina! Kuya palabasin mo na ako kailangan ko lang talagang siputin 'yung kaibigan ko!" Pilit ko sa gwardiya pero umiling siya sa'kin.
"Miss, hindi talaga pwede dahil ako ang mapapagalitan sa gusto mo."
"Dali na wala naman makaalam e!"
"Nakikita mo ba 'to?" Turo naman niya sa cctv na nakatutok mismo sa'min.
"Oo naman! Anong tingin mo sa'kin bulag?" Mataray na tanong ko.
"Nakikita mo naman pala e. Malamang may makakaalam nito pag pinayagan kitang makalabas!" Inis na sabi niya kaya binuhat ko siya at pinagbabalibag ko siya sa gate atsaka ako tumakbo palabas.
Joke lang.
Tawa kayo dali.
"Alam mo miss, nagring na 'yung bell oh kaya kailangan mo na pumasok sa klase mo kung ayaw mong dalhin kita sa guidance office dahil cutting 'yang ginagawa mo." Sabi niya.
Napapakamot na lang ako at aalis na sana pero bumalik ako at hinawakan siya sa braso.
Pa-cute hehe.
"Kuya sige na oh! 50-50 na kaibigan ko e! May sinok kasi siya stage 4 at bago daw siya mawala, gusto niya muna daw makita 'yung maganda niyang kaibigan. Dali na please." Pagmamakaawa ko at nag-pout pa.
Napa-poker face lang naman si kuya sa'kin.
"'Wag ako, miss. Walang sinok na stage 4 at lalong hindi ka maganda. Bumalik ka na nga sa klase mo." Iritableng sabi niya at inalis 'yung pagkakahawak ko sa braso niya.
"Grabe siya oh!" 'Yun na lang ang nasabi ko at inirapan siya bago ako tuluyang naglakad pabalik sa building namin.
Bakit ba kasi ang higpit ng school na 'to at kailangan pang maglagay ng cctv sa gate kahit may guard naman?
At bakit ang savage nung guard?
Kainis talaga!
Hindi pwedeng hindi ko mapuntahan si Dylan ngayon dahil hindi na kaya ng konsensya ko na paghintayin pa siya dahil 3 hours pa bago matapos ang morning class ko.
Takte! paano ba ako makakalabas dito ng walang nakakakita?
"Meiko!"
Napatungo ako sa boses ng lalaki na tumawag sa'kin at nakita ko si Kyle na may hawak na mga papel habang nakatingin sa'kin sa 'di kalayuan.
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...