forty one

159 26 19
                                    

beshies

Meiko's POV

"I am so disappointed with you, Mr.Park. You are the student council president but--"

"Just shut up and give me my detention slip."

Lahat kami natahimik dahil sa inasta ni Dylan. Padabog siyang lumabas ng pinto pagkatapos makuha ang detention slip niya. Ilang araw na siyang ganiyan at hindi ko alam kung tama ang hinala ko o assuming lang ako kung bakit siya nagkakaganiyan.

Simula noong huli naming pag-uusap na umamin siya sa'kin, kinabukasan nagbago na lang siya bigla. Palagi na lang siyang nakikipag-away, madami siyang pinapaiyak na babae, sumasagot na sa mga teacher, madalas mag-absent, cutting din, pumapasok ng lasing at marami pang iba kaya labas pasok na siya sa detention room. Madami na nga din naninibago sa kaniya pati 'yung mga teachers dahil sa ugali niya. Pero may mga nasanay na din dahil naging ganiyan na din daw siya dati. Hindi ko naman din siya makausap dahil halatang nilalayuan niya ako. Hindi na nga din siya tumatabi sa'kin kahit na seatmates kami kaya si Ela ang katabi ko ngayon.

"Baka nasaktan mo talaga si Mr.president kaya ganiyan nanaman siya." Sabi ni Ela sa'kin.

Kaya ko siya katabi dahil pinayagan na kami umupo kahit saan dahil patapos na din naman ang third quarter at magbabago na ulit ng seating arrangement. Bakante din naman ang katabi kong silya dahil hindi na umuupo si Dylan diyan.

"Hindi naman kasi pwedeng i-entertain ko pa siya dahil halleeeer! May boyfriend na ako no."

Alam na din kasi ni Ela 'yung about sa amin ni labanos dahil nakahalata na daw siya nung minsan.

Tama nga si Maui na obvious kami.

Pero pwede naman sigurong hindi din ako ang dahilan. Baka may iba pang problema si Dylan dahil nakikita ko naman siya noon na pumapasok sa school minsan na mukhang problemado. Pero kung iiwasan niya nga ako nang iiwasan, baka nga isa ako sa dahilan kung bakit siya nagkakaganiyan.

Hays.

Hindi pa nga alam ni Yohan 'yung nangyari sa'min.

"Edi ikaw na mahaba ang hair." Sabi niya at nagfocus na sa teacher naming stress na stress kay Dylan kaya hindi na ako sumagot.

Baka mamaya mabanggit ko pa sa kaniya si Hans magsalubong nanaman ang kilay ng babaeng 'to.

Lunch break kaya pumunta na kami ni Ela sa cafeteria. Palagi na din namin silang kasabay ni Shin dahil alam niyo naman si Shin, dakilang hokagirl din 'yan. Pagdating namin doon kumpleto na sila at may mga pagkain na din pero si hokagirl wala pa.

"Nasaan si Shin?" Tanong ko kay Kuya. Sa kaniya ko talaga tinanong dahil pinaglalapit ko sila hihi.

"Pinatawag yata nung choreo nila." Chill na sagot ni Kuya at napatango na lang ako.

"Kaya nag back-out ako diyan, eh." Naka-smirk na sabi ni Ela. Palagi nga naman kasing pinapatawag 'yung mga members ng dance troupe. Minsan kasi nilalaban sila sa ibang school.

"Walang nagtanong." Maarteng sabi ni Jinleroy at nagpaypay nanaman.

Bakit ba lagi siyang naiinitan? Ang lamig naman dito ah?

"I hate you." Sabi ni Ela at inirapan siya.

"Okay lang mahal naman ako ni Nathan." Sabi ulit ni Jin at kumapit sa braso ni Nathan.

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon