ten

336 36 17
                                    

Tutoring

Meiko's POV


"Hindi ka pa sasabay?" Tanong sa akin ni Kuya na ikinailing ko.


"Nope. I'm waiting for someone." Sagot ko sabay hair flip pa.


"You is waiting, me is goes home." Sabi niya na dahilan ng pagsakit nanaman ng ilong ko kaya pwersahan ko na siyang tinulak papasok ng kotse niya.


"May dadalhin akong classmate sa bahay! Maghanda ka ng pagkain at kung pwedeng umalis muna kayo ni labanos please lang."


"K." Iyon na lang ang huling sinagot niya at pinaharurot na yung kotse niya paalis at talagang pinausukan pa ako ng gago. pwe!


Habang inuubo-ubo ako dahil sa ginawa sakin ni Kuya at patiwarik siyang pinapatay sa isip ko, may biglang nagpark na motor sa harapan ko at muntik pa akong masagi dahil doon.


"Hoy! Punyeta ang laki-laki kong tae—tao dito hindi mo man lang ba ako nakita?!" Inis na tanong ko sa kaniya pero nilingon niya lang ang ulo niya sa akin at dahil nga nakasuot pa ang helmet niya, hindi ko makita ang mukha niya.


"Sakay." Boses pa lang niya alam na alam ko na kaya napalunok ako bigla at napakamot ng batok.


"Ayy akala ko pa naman kung sino na."


"Sasakay ka ba o hindi?" Bigla niyang inalis yung helmet niya kaya tuluyan ko na nakita yung mukha niya at tama nga ang hinala ko, si Dylan.


"Syempre sasakay." Sumakay naman ako agad sa likuran niya.


"Kumapit ka." Tumango na lang ako sa kaniya at kumapit. Habang nagdadrive siya, kulang na lang lumitaw na ang lahat ng ngipin ko dahil sa hangin na sumasalubong sa akin dahilan ng pagpapatakbo niya ng mabilis.


Jusko! Mamamatay pala ako agad dito sa lalaking to!


"Uwaaah!D-dahan-dahan naman!" Bigla naman niyang hininto yung motor sa isang tabi.


"I-Im sorry. Hindi lang ako sanay magdrive ng mabagal." Napatameme naman ako. Marunong pala siyang magsorry?


Hindi na din niya hinintay na sumagot pa ako dahil nagpaandar na siya ulit but this time, hindi na kagaya ng kanina na mabilis.


Mukhang alam naman niya kung saan ang pupuntahan.


Napapatahimik na lang ako habang nakakapit pa din sa kaniya. Ang bango ng pabango na gamit niya kaya medyo nilalapit ko pa ang ilong ni Timo—ilong ko sa likod niya.


Hanggang makarating yata kami sa bahay ganoon lang ang posisyon ko.


"Wala kang balak bumaba?" Napalayo naman ako sa kaniya atsaka ako agad na bumaba.


Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon