Special Chapter 2

155 14 25
                                    

Destined

Ela's POV

"Kanina pa masama ang tingin mo. Maging masaya ka naman para sa'min ni, Veence!" Sabi ni Shin matapos ako siku-sikuhin.

"Wala akong pake kung monthsary niyo ngayon at may date kayo mamaya." Sagot ko sa kaniya at tumawa naman siya.

"Luh, wala daw pake pero alam na alam. Wala naman ako natatandaang nagsabi ako sa'yo about sa date namin, ah?"

"Syempre alam ko na 'yon monthsary niyo, eh."

"Ay sus. Kaya mainit ang ulo mo ngayon dahil kay Hans no?"

Bigla akong natahimik at pinandilatan siya ng mata dahil sa sinabi niya. Bakit ba nandito pa siya sa kwarto ko? Anong oras ba ang date nila ni, Veence? Argh!

"At bakit ko naman magiging dahilan ang lalaking 'yun aber?" Tanong ko sa kaniya.

"In denial ka pa. Halata namang gusto niyo ang isa't-isa mga mulala lang kayo."

Muntik ko na maibato sa kaniya 'yung remote ng tv. Maka-mulala ang isang 'to! Akala ko pa naman maaayos na ni Veence ang bunganga niya at pagsasabi ng bad words.

"Ayaw mo sa mulala? Edi sige torpe na lang para hindi masakit sa ainga."

Tss masakit pa din sa tainga alinman sa dalawa.

"Bakit ako magiging torpe gusto ko ba siya?" Tanong ko sa kaniya at hindi naman siya nagdalawang isip na tumango.

"Oo naman! Tignan mo nga ilang years na nakakalipas wala ka pa din boyfriend! Paano laging na kay Hans lang ang atensyon mo kaya hindi mo na napapansin 'yung ibang lalaking nakapaligid sa'yo. 'Di ba nga dami mo na na-basted? Haay Angela mas kilala pa pala kita kaysa sa sarili mo."

Inirapan ko lang siya.

Like duh gaano siya ka-sure na kay Hans lagi ang atensyon ko kaya hindi ko mapansin ang ibang lalaki? Hindi ba pwedeng gusto ko lang muna magtapos ng pag-aaral?

"Makipag-date ka na nga lang! Huwag ka na pupunta dito ha kung ganiyan lang naman ang sasabihin mo!" Inis kong sabi pero bumelat lang siya.

"Nagpapalipas lang ako ng oras para pag alis ko saktong date na namin ng babybabe ko! At saka sinabi ko na sa kaniya dito ako sunduin. Ayaw mo na ba akong kasama?"

Ang landi.

Ang landi landi.

Pero sige. Bagay naman sila.

Sa Bahay ni KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon