Exam
Meiko
"Anyone caught cheating will get a zero for this paper." The invigilator warned us strictly. Sinimulan na rin niyang ipasa ang mga test papers sa amin.
Habang nagsasagot kami hindi ko maiwasang mapatingin kay Dylan na seryoso lang din na nagsasagot sa papel niya. Parang minamani niya nga lang ang pagsasagot samantalang ako eh nangangamote.
Hindi din kasi ako makapag concentrate dahil hindi pa din maalis sa isip ko yung sinabi ni Yohan kahapon.
"Friends mo?" Tanong niya at tinuro yung dalawang nakaupo pa din kung saan ko sila iniwan. Tinanguan ko lang siya.
Kaya pala... Kaya pala niya tinanong sakin kung kaibigan ko ba sila Timo.
Hindi kaya...
Bet niya yung mga tropa ko?!
Grabe.
Naiiyak ako. ╥﹏╥
Kaya pala hindi ko siya maakit, mga tropa ko pala yung gusto niya hindi ako.
Pangit ba ako?
Kapalit-palit ba ako?
Then why?! :'<
Napapailing na lang ako habang naiisip yung mga yun. Bakit ba kasi ngayon ko pa nalaman kung kailan exam? Hindi tuloy ako makapag concentrate!
Science ang una naming itetest kaya naman hindi ko alam kung paano nagagawa ni Dylan na maging kalmado lang sa mga oras na'to.
Sabagay nasabi rin naman niya sakin 'I love science but sadly, science don't give a shit and still giving me a hard time.'
At dahil naghihimala ang isang Meiko Kim ngayon, nasasagot niya ang mga tanong sa test paper.
Naalala ko kasi na kailangan ko nga din pala na makakuha ng mataas na scores sa mga subjects dahil may deal kami ni Dylan. Syempre basta sa mga ganung usapan handa kong kalimutan yung sinabi sakin ni Yohan hehe.
At syempre dahil nga exam ngayon, nandito si Angela. Hindi ko nga lang siya kalapit dahil may seating arrangement.
Sa kalagitnaan ng katahimikan at pagsasagot namin biglang sumigaw yung katabi kong si bambam, "Ma'am si Yugyeom naniniko!"
"Yugyeom! Alam mo ba na masakit ang maniko?!" Galit na tanong nung nagbabantay sa amin.
"Ma'am? Pake ko po sa mani niyo?" Nagtatakang tanong ni yugyeom kaya nagtawanan kaming lahat.
Mukha kasing kinokopyahan nitong yugyeom si bambam kaya niya sinisiko para makahingi ng sagot.
Kaya iyon, pagkatapos na pagkatapos daw ng exam diretso office tong dalawang gunggung. Nakakaloka nga eh, pinapagitnaan kasi nila ako. Ang ingay tuloy.
(At dahil nga tinatamad na magtype si otor na walang kasing cute sa buong mundo at sa buong universe. Fast forward na lang daw)
Hanggang sa nakailang subjects na kami. Konti na nga lang yata sasabog na yung utak ko. Bukod kasi sa nangangamote ako, nagugutom din ako. Hindi na kasi ako nakapag recess dahil nga nagreview pa ako sa mga next subjects. Oha, puriin niyo naman ang kasipagan ko.
"Tapos ka na?" Gulat na tanong ko kay Yugyeom. Kabibigay pa lang kasi ng papel pinasa na niya.
"Hindi pa." Napakunot naman ako.
"Eh bakit pinasa mo na? Kabibigay pa lang ah?" Tanong ko.
"Wala trip ko lang." Sabi niya at tumayo ulit para kunin yung papel niya.
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...