J is my fiancé
Maui's POV
"Are you insane?! You texted him na?! He'll come later?!---ouch!"
Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong ibato sa kaniya ang unan na katabi ko. Ang lakas lakas ng boses samantalang ang lapit ko lang naman sa kaniya, grr!
"Yes. I already told him to come pero hindi niya alam ang rason. I'm going to introduce him to our family as my boyfriend especially in front of mom and dad." I said confidently at nagulat ako nang bigla niyang ibato pabalik sa akin 'yung unan pero mas malakas 'yun kaysa sa pagbato ko.
"Do you like him?" I nodded. "Then huwag mong ituloy ang plano mo. Do you think that would help to stop the wedding? Kilala mo ang magulang mo, Maui. Gagawin nila ang lahat para lang mangyari ang gusto nila."
"I don't care! Kaya ko siyang ipaglaban!" I shouted kaya bigla niyang nilagay ang hintuturo niya sa nguso niya.
"Lower down your voice baka may makarinig." Madiin niyang sabi kaya napapikit ako't napasabunot ng sarili.
Wala na akong ibang paraan. Siya na lang ang alam kong lapitan para mahinto ang kasal. I'm so done with this family. I already hate my parents but I hated them more matapos kong malamang umuwi sila dito sa pinas para lang i-arrange marriage ako sa isang lalaking hindi ko man lang kilala just for the sake of our company.
Akala ko matatakasan ko sila dahil sa hindi ko pagsama sa kanilang tumira sa ibang bansa pero hindi. They still chased me here noong hindi talaga nila ako mapilit maisama matapos kong mag-aral. Hindi talaga nila ako titigilan hanggat hindi ko nasusunod ang gusto nila.
And this is the reason kung bakit ilang taon ko nang tinatago ang nararamdaman ko para kay, Jin.
Dahil I'm doubting na baka mangyari 'to. Na baka ikasal nga ako sa iba at hindi sa kaniya.
"If you really like that man then don't put him in trouble. Pero kung susundin mo pa rin ang gusto mo, bahala kang magsisi sa huli." Ate Key said--one of my cousins before coming out of my room.
Pagkasara niya pa lang ng pinto ay hindi ko na agad napigilan pa ang sarili kong humagulgol. Ilang beses kong naramdamang nag-vibrate ang cellphone ko pero hindi ko man lang ito nilingon ni minsan dahil sa panghihina.
Tonight is my engagement party at walang idea si Jin tungkol doon. Basta ang sinabi ko lang kasi sa kaniya ay may party ang family namin and I will introduce him to them.
Hindi ako manhid. Alam kong gusto rin ako ni, Jin. I could see it in his eyes when we're together. Pati ang pagbabago niya alam kong para sa akin 'yun. One time, I noticed that he's trying to confess his feelings for me pero pinigilan ko dahil sa pwedeng mangyari. Ayokong saktan siya someday.
Pero sa tingin ko, tama ang pinsan ko.
Kung itutuloy ko ang plano ko masasaktan ko lang din si Jin ngayon at pagsisisihan ko lang ito sa huli.
Argh! I'm so torn! I don't know what to do! Bakit ba nagkaroon ako ng ganitong klaseng magulang? Bakit pa ba kasi ako naging solong anak?
I wiped my tears and took my cellphone beside me. Nanlaki ang mga mata ko noong makitang ang daming missed calls at texts sa akin ni, Jin. Hindi na ako nag-abala pang mag-reply sa kaniya at nagmadali nang lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Sa Bahay ni Kuya
Fanfiction❝ANO?! TITIRA AKO SA BAHAY NI KUYA?!❞ -Meiko Arianne Kim, ang babaeng ni minsan ay hindi pa naranasang magmahal ngunit nang makilala niya ang isang lalaki sa pagtira niya sa bahay ng Kuya niya ay nagbago ang buhay niya. Paano nga ba nila maglalagpa...