"San mo ako dadalhin?"
Napasubsob ako nang ihagis niya ako sa loob ng kotse. Wala akong magawa kundi ang humagulgol dahil sa sakit na natatamo ko at sa matinding takot.
"Maawa ka, Sir Arro... pakawalan mo na ako."
Kinalampag ko ang bintana ng kotse at sinubukang buksan ang pintuan. Madilim ang mukha nito at nakakunot ang kilay.
Hinaklit niya ang braso ko kaya't napasubsob ako sa isang matigas na bagay. Tila umikot ang mundo ko dahil dito.
"You want to escape, eh?"
Madilim pa rin ang mukha nito habang inaalis ang sinturon sa kanyang pantalon. Sinubukan kong depensahan ang sarili ko at kalmutin siya sa mukha, pero mukhang wala itong talab sa kanya.
"Wag!"
Pigil ko rito nang simulan niyang itali ang aking mga pulso gamit ang sinturon.
"S-sir... Sir, ano po bang kasalanan ko? Sir, maawa po kayo sa akin... K-kung gusto niyo'y aalis na lang ako sa mansyon at hindi na magpapakita pa..."
Ngunit tila isa itong bingi at walang naririnig. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakatali sa akin. Pakiramdam ko'y naiipit na ang dugo sa aking mga pulso.
Pagkatapos ay kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa at ginamit iyon upang busalan ang aking bibig.
Wala na talaga akong magawa. Ang katawan ko na mismo ang sumuko. Pagod na ako kakaiyak at wala na talaga akong lakas para lumaban. Tahimik akong umiyak at nagdasal na lang sa Panginoon. Siya na lang ang natitira kong lakas.
Andaming imaheng pumasok sa isip ko—si Inay, Carlo, at Cathy. Paano na sila? Paano ang mga taong nagmamahal sa akin kung mawawala ako? Paano na sila?
Hindi ko alam at wala akong maisip na dahilan kung bakit ganito si Arro. Kung bakit galit siya sa akin. At wala akong nararamdaman para sa kanya kundi galit, suklam, at muhi. Sinong matinong tao ang gagawa sa akin nito?!
"You think you can escape with me? Not ever, Cecilia. Dahil ikaw ay akin lang."
Sabay ang pagharurot ng kotse nito.
NASILAW ako nang imulat ko ang aking mga mata. Ngunit nagulat ako nang malaman kong nakahiga ako sa kama habang ang aking mga paa at kamay ay nakagapos sa gilid nito. Naka-pantalon ako ngunit wala akong pang-itaas na damit. Tanging bra lamang ang suot ko.
Inikot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Kulay puti ito na may halong itim—katulad ng kama na aking hinihigaan. Puro itim ito, tanging mga unan lang ang puti.
Kinabahan ako nang malamang si Arro ang kasama ko. Kaya't sinubukan kong ialpas ang aking kamay mula sa kadenang nakatali sa akin. Ngunit anong laban ko sa metal?
Nagsimulang manginig ang aking mga labi dahil sa takot. Paano ako makakaalis dito?
Tiningnan ko ang pwesto ng kama. Nasa sentro ito ng buong silid. Silid ito ngunit halos walang laman—tanging kama at isang mesa lamang. Wala rin itong bintana.
Pinilit kong iangat ang aking ulo mula sa pagkakahiga upang tingnan kung may paraan pa akong makatakas.
Ngunit isang itim na itim na mata at labing nakangisi ang bumungad sa akin.
Nagitla ako. Pinagmamasdan niya nang maigi ang bawat kilos ko. Nasa pintuan siya at nakasandal doon. Muling rumagasa ang tibok ng aking puso.
"Pa-pakawalan mo ako rito!" sigaw ko sa lalaki.
Napakawalang-hiya niya! Wala akong kasalanan ngunit bakit niya nagawa ito sa akin? Ang sama niya! Walang matinong tao ang gagawa ng ganito! Isa siyang demonyo!
"Sabi ko, pakawalan mo ako!!"
Pinilit kong tanggalin ang kadena, ngunit tuwang-tuwa siya habang pinagmamasdan akong hindi makawala. Napaiyak na lang ako. Wala na... wala na akong pag-asa.
"You think papakawalan kita?"
Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama. Nagitla ako nang dumausdos ang kanyang daliri sa pagitan ng aking dibdib.
"Napaka-hayop mo!!"
Iniiwas ko ang sarili ko ngunit imposible—nakagapos ako.
"Really?"
Humalakhak siya, saka biglang nagseryoso.
"Baliw ka, Arro! Isa kang baliw!"
Napahagulgol ulit ako.
"Ano bang kasalanan ko at ginaganito mo ako? Maawa ka't pakawalan mo na lang ako. Maawa ka, Arro..."
"At bakit naman kita papakawalan?"
Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking pisngi habang pinapadaan ang kanyang daliri sa aking labi.
"D-dahil wala akong kasalanan sa'yo. At ni isang tao ay wala akong inagrabyado," hagulgol ko.
"Kaya nakikiusap ako... kailangan ako ng pamilya ko. Kailangan nila ako... kaya maawa ka... Arro."
Ako na lang ang bumubuhay sa pamilya ko. Hindi ko pa napagtatapos ang mga kapatid ko. Hindi ko pa sila nabibigyan ng maginhawang buhay. Siguro kapag nagawa ko na ang lahat ng iyon, saka na lang ako maaaring mamatay—basta huwag lang ngayon. Huwag ngayon.
"Sshhh... huwag ka mag-alala. Ako na ang bahala sa pamilya mo."
Tumayo siya at tila aalis na.
"Hindi!! Hindi, Arro!! Pakawalan mo ako!"
"Kung ano man ang kasalanan ko, babayaran ko. Luluhod ako sa paa mo kung kinakailangan. Nakikiusap ako... ibalik mo lang ako sa pamilya ko. Kailangan nila ako. At kailangan ko sila sa buhay ko!"
Humagulgol ako nang sobra—baka dahil ramdam kong hindi na niya ako pakakawalan.
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Halo-halong emosyon ang nakita ko sa kanyang mga mata—lungkot, galit, at tapang.
"Hindî ko kailangan ng pera o ng paghingi mo ng kapatawaran... ikaw ang kailangan ko."
Huminto siya sandali. Kita ko ang pagbabago ng kanyang emosyon—nakakatakot at napakalalim.
"Ako ang kailangan mo. At ako ay dapat mong kailanganin. Dahil ikaw ay akin na. At ang sa akin... ay akin lang."
Sabay talikod niya.
BINABASA MO ANG
AZANO: Abductus
General FictionI am Arro Azano. And no one can stop me from doing anything.. especially.. Abducting her The first series of AZANO
