Dalawamput-dalawa

748 11 0
                                        

Father...

Halos umurong ang aking dila nang marinig ko ang sinabi niya.

Pinatay ni Itay ang asawa niya? Paano? Bakit?

Hindi ko maintindihan ang halo-halong emosyon na dumadaloy sa aking katawan. Halos magkabuhol-buhol ang aking utak sa bigat ng nalaman. Hindi ko alam kung saan ako dapat magulat—sa sinabi niyang pinatay ni Itay ang asawa niya, o sa kaalamang may asawa pala siya.

Gulong-gulo na ako.

"B-bawiin mo ang sinabi mo!" Halos hindi ko na makilala ang boses ko, paos at puno ng pamamalat.

"Why would I, Cecilia? Maayos lang sana kung nakikipagbiruan ako sa'yo. But to tell you the truth? Yes. Your roguish father killed my beloved wife!" Dumagundong ang napakalakas na boses ni Arro sa buong kwarto. Halos pigil ang aking hininga, kasabay ng tuloy-tuloy na pag-agos ng luha.

Akala ko mas magaan kung malaman ko ang katotohanan sa likod ng lahat ng sakit na ginawa ni Arro sa akin. Akala ko mas magiging panatag ang loob ko. Pero nagkamali ako. Ang nalaman ko ay tila higit pa sa sugat, higit pa sa dignidad na nawala sa akin.

"Hindi mamatay-tao ang Itay ko!!" Halos ibuhos ko ang lahat ng natitirang lakas sa pagsuntok sa dibdib ni Arro. Hindi ganoon si Itay! Alam kong hindi niya magagawa iyon.

Pinigilan ni Arro ang aking mga pulso, matalim ang titig na ibinaon sa akin.

"No, Cecilia. Your father is a murderer!" Natigilan ako. Halos magpintig ang tenga ko sa sinabi niya. Ni hindi man lang niya ginalang ang alaala ng aking ama.

"Napaka-hayop mo, Arro! Hindi mo ba alam na patay na ang ama ko? Kaya't paano ka nakakasiguro na pinatay niya ang... a-asawa mo!!" Puno ng emosyon ang mga mata ni Arro. Hirap ko itong basahin, ngunit dama ko ang sakit na nararamdaman niya.

"Paano ko nasabi? Dahil siya lang naman ang dahilan kung bakit bumulusok ang kotse na minamaneho ng asawa ko!" Tumitig siya sa akin, puno ng galit. "Alam mo ang mas nakakainis? Iniwasan lang naman ng asawa ko ang tricycle na minamaneho ng ama mo!"

Halos manginig ako sa bawat pahayag na kanyang binubunyag. Sana mali ang aking hinala. Sana mali ang iniisip ko.

"K-kailan namatay ang asawa mo?" tanong ko, halos hindi makapaniwala.

"October 31, 2016."

Ang araw kung kailan namatay si Itay.

"H-hindi..." Umiiling-iling ako habang dumadaloy ang luha. Wala na sa tamang wisyo ang aking isip.

Namatay ang asawa ni Arro sa parehong araw ng pagkamatay ni Itay. Imposibleng isang pagkakataon lang. Namatay si Itay dahil sa aksidente. Hindi man naging malinaw ang findings ng mga pulis, pero sigurado akong banggaan ang nangyari. Isa nga sa mga sangkot ay kotse. Pero hindi si Itay ang suspek—siya ang biktima. Ang sinasabi ni Arro ay hindi kapani-paniwala.

"Hindi... Imposible... Si Itay ang mas naging malala ang kalagayan! Kung naroon ka, Arro, makikita mo! Makikita mo na siya ang mas napinsala! Kung tama nga ang sinabi mo na iniwasan ng asawa mo ang tricycle ni Itay, hindi ganoon ang aabutin niya!"

"It doesn't change a thing, Cecilia! Pinatay pa rin ng ama mo ang asawa ko!"

Alam kong hirap makuha ang hustisya para kay Itay. Halos walang lead ang mga pulis kung sino ang may sala. At sigurado ako—hindi si Itay ang may gawa.

Siguro kaya ganito kahirap makuha ang hustisya, dahil isang Azano ang kalaban namin. Isang makapangyarihang angkan. Hirap lang siguro tanggapin ni Arro ang nangyari, kaya't sinisisi niya si Itay.

"Dahil ba ginawa mo ito sa akin, Arro? Dahil akala mo talaga na si Itay ang may kasalanan ng lahat!?" Wala na akong pakialam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. Hindi ko hahayaan na apihin at saktan ako ni Arro. Hanggat kaya kong lumaban, lalaban ako.

"Dahil siya naman talaga! At oo! Nandito ka dahil ikaw ang magbabayad sa lahat ng ginawa ng ama mo!" Napaigik ako nang marahas niyang hawakan ang aking panga. "I'll make you suffer, Cecilia. At kulang na kulang pa ang lahat ng sakit na dinadanas mo! Because you know what, Cecilia? Mas masakit mawalan ng taong mahal na mahal mo."

Binitawan niya ang aking panga nang walang habas. Napaupo ako, halos manghina. Narinig ko na lang ang paglalakad niya, kasabay ng pagsarado ng pinto. Sa tingin ko, umalis na siya.

Unti-unting nanghina ang katawan ko. Ang isip at puso ko. Ganito pala kahirap magmahal ng maling tao. Ganito pala maglaro ang tadhana.

Pagod na ako. Pagod na sa lahat. Pero parang kulang pa, dahil hindi pa tapos si Arro. Sisingilin niya pa ako.

Sabi nila, love though it hurts. Pero hindi ako naniniwala. Naniniwala ako na masarap at masaya ang umibig, at hindi ito nananakit. Hindi masakit magmahal. Ang tunay na nananakit ay ang taong minahal natin. Sila ang may kakayahang manloko at paglaruan tayo. Sila ang may mali—hindi ang pag-ibig.

Katulad ngayon. Lugmok na ako sa pagkawala ni Itay, sa paglayo sa aking pamilya. Pero mas nalugmok pa ako sa katotohanang ang taong minahal ko ng lubusan ay may asawa pala. At ang mas masakit—ang pag-amin niyang ginamit at pinaglaruan niya ako, para pagbayarin sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

Ginamit ako ng taong mahal ko, para sa hustisya ng taong mahal niya.

Nahahapong humiga ako sa kama. Ano na ang gagawin ko? Hahayaan ko bang saktan na naman ako ni Arro? Para saan? Para sa asawa niya? Anong gusto niyang mangyari? Na makita na lang ako ng pamilya ko na wala nang buhay, dahil sa mga sakit na dinadanas ko ngayon?

Nasaan na nga ba ang Cecilia na matapang? Ang Cecilia na may prinsipyo? Ang Cecilia na hindi nagpa-bulag sa pag-ibig? Ang Cecilia na gagawin ang lahat para sa pamilya niya?

Huminga ako nang malalim. Ibinalik sa isip ang mapapait na kahapon—mga dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

At sa pangalawang pagkakataon...

Bumuo ulit ako ng plano upang takasan si Arro.

At sana, sa pagkakataong ito, magtagumpay ako.

AZANO: AbductusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon