Dalawaput-pito

835 12 3
                                        

Napahigpit ang hawak ko sa aking damit habang papaakyat kami ni Arro patungo sa ikalawang palapag. Rinig ko ang kalansing ng kadenang hawak niya, bawat tunog ay tila kumakabog sa aking dibdib. Mas lalo akong kinakabahan sa gagawin niya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Eto na naman ako sa sitwasyong wala akong kawala laban sa kanya. Tipong sunud-sunuran ako dahil alam kong kailangan ko siya, at kailangan kong magpaubaya na naman.

Nais kong magalit! Sino ba siya para gawin ang lahat ng ito? Wala siyang karapatan. Noong una, ginamit niya ako para maghiganti sa asawa niyang namatay. At ngayon? Ano na naman ang dahilan? Para saktan ako? Para ipamukha na nagbunga ang lahat ng ginawa niya sa akin?

Dumating siya para ilayo ang mga anak ko. Dumating siya para pahirapan ang isang katulad ko.

Nangingilid na naman ang luha sa aking mga mata. Alam kong may kasalanan ako, pero sana huwag ganito kahirap. Hindi ko na alam kung kakayanin pa ng puso ko ang bigat ng nararamdaman ko.

"Asan na ang mga anak ko, Arro? Nais ko na silang makita..." mahina kong anas habang akma niyang bubuksan ang pinto.

Tumawa siya ng pagak bago sumagot. "Who says na anak mo sila? Let me remind you, my dear. Anak ko sila, hindi sa'yo."

Lumapit siya, idinikit ako sa pintuan. Ang kamay niya'y nasa gilid ng aking bewang, ang katawan niya'y dikit na dikit sa akin, tila ikinukulong ako ng hugis ng kanyang katawan.

Napigil ang salita ko. Halos magsitayuan ang balahibo ko nang idikit niya ang labi sa aking leeg, papunta sa aking tenga. "You want to say something, huh?" Itinukod niya ang siko sa aking ulunan, at nadama ko ang lamig ng bakal na hawak niya.

"Ahm... Uh... Ano bang ginagawa mo, Arro?!" asik ko, habang nagsimulang maglibot ang makulit niyang daliri sa aking katawan.

Ngumisi siya. "I just don't want to hear your complaints, my dear. It's better if I hear you moaning and shouting my name... reaching your peak while I kiss you like a hungry animal, making you feel like you're the most beautiful person in this world..."

Lumunok ako ng malalim. Ang bawat salita niya'y bastos, ngunit tila nakakahipnotismo.

"Did I arouse you?" mahina niyang halakhak, sabay tingin na nang-aasar. "Ilang lalaki na ba?"

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Anong lalaki?"

"Don't play innocent, dear. I'm asking you—ilang lalaki na ba ang nagpakasasa sa katawan mo? O baka naman kaya hindi mo sinabi na may anak na tayo ay dahil may pinalit ka na sa akin?"

Sinampal ko siya, halos maiyak. Ganito ba kababa ang tingin niya sa akin? Isa ba akong puta sa paningin niya?

"Wag kang mag-alala, Arro. Mas lamang ka sa kanila. Alam mo kung bakit? Dahil sa lahat ng naging lalaki sa buhay ko, ikaw ang pinaka walang kwenta!"

Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya.

"Sila, pinasaya nila ako. Pero ikaw, sinaktan mo ako. Kaya ikaw ang pinaka walang kwenta na lalaki na dumaan sa buhay ko."

Nagngitngit siya. "Ah, so all along kung sino-sinong lalaki ang dumating sa buhay mo? Wala ka palang kwentang ina sa anak ko. Imagine, flirting with different guys knowing my children are with you."

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko, habang patuloy ang kalansing ng kadena sa kanyang kamay.

"You have a wonderful tongue, huh? But it will be more wonderful if your tongue will serve me. I'm sure you do that often."

Nanatili akong tahimik. Pinilit kong makawala, ngunit hawak na naman niya ako sa leeg.

"Arro, ano ba?! Pakawalan mo ako! Mga anak ko ang kailangan ko, hindi ikaw!"

AZANO: AbductusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon