Labing-pito

952 18 0
                                        

Napahiyaw ako dahil sa sakit na aking nararamdaman—tila ilang libong karayom ang tumutusok sa aking likuran. Pawis na pawis na rin ako at halos hindi na makahinga.

Pilit akong tumayo upang abutin ang gamot na nasa lamesita. Sinubukan kong humakbang para kunin ito, ngunit dahil sa aking pagmamadali ay nahulog ang gamot pati ang isang babasaging baso ng tubig. Isang malakas na tunog ang nilikha nito. Pinilit kong pulutin ang mga bubog, ngunit nanginginig ang aking mga kamay sa hindi ko maipaliwanag na dahilan kaya't nahiwa ang aking palad.

Hinayaan ko ang pagdanak ng sariwang dugo sa aking kamay habang tuloy-tuloy na naglandas ang mga luha sa aking mga mata. Napasubsob na lamang ako sa sahig at napaakap sa aking mga tuhod.

Kahinaan...

Ganito na ba ako kahina? Kaya't pati ang sarili ko ay hindi ko maprotektahan? Kaya't madali na lang akong nakuha ni Arro dahil sa katangahan at kahinaan ko? Kaya't hinahayaan ko siyang saktan at pahirapan ako dahil wala akong magawa para sa sarili kong kaligtasan? Kaya't wala akong kaide-ideya kung bakit niya ako ginanito?

Ganito na ba ako kahina dahil halos puro dugo ko na lang ang lagi kong nakikita? At puro sakit na lang ang palagi kong nararamdaman?

Kaagapay ng kadiliman, iniyak ko ang lahat ng aking nararamdaman.

Pero ano ang mangyayari sa isang katulad kong mahina? Hahayaan ko na lang bang tuluyang mawasak ang buong pagkatao ko? Tatanggapin ko na lang ba ang ideya na habambuhay ko siyang makakasama? At hahayaan ko na lang bang masaksihan ang lahat ng paghihirap na aking mararanasan?

Siguro nga... isa akong mahina.

Napaangat ako ng tingin, bahagya akong nasilaw sa liwanag na nagmula sa pagbukas ng ilaw.

"Oh God! Cecilia, what happened?!" Dali-daling lumapit si Arro sa aking tabi at agad hinawakan ang aking palad. Marahil ay napansin niya ang pagdurugo nito. Pinanood ko ang kanyang mga kilos—ang pagkunot ng noo, ang pagtagis ng kanyang mga panga, at ang pagkiskis ng kanyang mga ngipin. Maya-maya'y tumingin siya sa akin, ngunit iniwas ko ang aking paningin.

"What the hell happened, Cecilia? Look at you?!" Galit siyang tumayo at dali-daling pumunta sa isang cabinet upang kumuha ng maliit na kahon.

Bumalik siya ngunit nanatili akong tahimik. Hindi ko rin hinayaang magsalubong ang aming mga mata kahit pilit niya itong hinahanap.

Sinimulan niyang gamutin ang aking palad. Hindi ako nagsalita o umangal kahit masakit—kinagat ko na lamang ang aking mga labi upang pigilan ang sigaw.

"I told you, Cecilia, just tell me what you need." Seryoso ang tono niya, ngunit ang mga mata niya'y nakatuon pa rin sa pag-aasikaso ng aking sugat.

Bigla kong kinabig ang aking kamay mula sa kanya, dahilan upang tumapon ang betadine at iba pang gamot.

Gulat siyang napatingin sa akin ngunit hindi nagsalita.

"Maaari ka nang lumabas, Arro. Hindi kita kailangan. Kaya ko ang sarili ko." Pilit kong inabot ang bulak, ngunit napapiksi ang aking paghinga sa sakit.

"No, you didn't, Cecilia." Kalmado niyang tugon. Pinulot niya ang mga natapong gamot at iniabot muli sa akin. Tinabig ko ulit iyon.

"Sabi kong hindi kita kailangan!" Nagsimulang mangilid ang aking mga luha. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya—na sa sandaling ito, kailangan ko siya. Ngunit hindi ko iyon matanggap. Paano ko siya magiging sandalan kung siya mismo ang dahilan ng lahat ng ito?

At ano ang gagawin niya sa akin? Sasaktan niya na naman ba ako dahil alam niyang mahina ako?

"No, Cecilia. You need me. Just accept it." Umiling ako, at doon nagsalubong ang aming mga mata.

Kita ko ang pagod sa kanyang mga mata—halatang hindi siya natulog. Lumitaw ang maitim na eyebags at bahagyang tumutubo ang bigote sa kanyang mukha. Ngunit hindi ko iyon pinansin; sa halip ay pinatigas ko ang aking mukha.

"Diyan ka nagkakamali, Arro. Dahil ang tunay na kailangan ko ay hindi mo kayang ibigay."
Ang aking kalayaan.

"That's why I'm here, Cecilia. I'm here to fill your needs." Lumapit siya at hinawakan ang aking bewang. Magkatapat na ang aming mga mukha.

Tinulak ko ang kanyang dibdib bago nagsalita. "Punan ang kailangan ko? Paano, Arro? Sa pamamagitan ng pananakit at pagkulong sa akin? O pagtatali gamit ang bakal na kadena? Ganun ba?" Napatawa ako nang mapait. "Maraming salamat na lang kung gano'n."

"I don't understand you, Cecilia."

"Talagang hindi mo ako maiintindihan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko. Hindi ikaw ang nasasaktan." Tinalikuran ko siya, ngunit pinigilan niya ako.

"Don't turn your back on me." Lumingon ako at nakita ang nagtatagis niyang bagang. Inalis ko ang kamay niya sa akin—kitang-kita ang galit sa kanyang mukha.

"Paano kung ayoko, Arro? Sasaktan mo na naman ba ako? Hindi ba't iyon lang naman ang kaya mong gawin—ang saktan at pahirapan ako?" Nanguuyam kong sabi.

"Lagi na lang ba tayong ganito, Cecilia?" Napahilamos siya sa kanyang buhok, tila hindi malaman ang gagawin. Tumingin siya sa akin, diretso sa aking mga mata. "Always arguing about that? Are you not satisfied that I apologized?" Huminga siya nang malalim. "And I'm here, begging you to need me?"

Natigilan ako. Nanginig ang aking mga tuhod at bumilis ang tibok ng aking puso. Halos hindi ako makahinga sa klase ng pagtitig niya. Hindi ko alam kung bakit, ngunit may kung anong gumulo sa aking damdamin.

"And please, Cecilia... let me."

Wala na. Gumuho ang mga pader na aking itinayo. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, ngunit nakita ko ang sarili kong tumango.

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi—katulad ng dati, hindi umabot sa kanyang mga mata. Lumapit siya at bumulong sa aking tenga, dahilan upang tumindig ang aking balahibo.

"Thank you, Cecilia."

Hindi ako tumugon. Pinanatili ko ang tapang sa aking mukha upang itago ang tunay kong nararamdaman.

Dahan-dahan niya akong pinaupo sa kama. Ngumiti siya bago linisin ang mga kalat. Pagkatapos, lumabas siya sandali at bumalik na may bagong baso ng tubig, saka iniabot sa akin ang gamot.

Nang magdikit ang aming mga kamay, tila may kuryenteng dumaloy sa aking katawan—hindi ko maipaliwanag, ngunit kakaiba at mainit sa pakiramdam.

"S-salamat." Mabilis kong iniwas ang aking tingin habang iniinom ang gamot at tubig, sinigurong hindi na muling magdikit ang aming balat.

"Feeling better?"

Tumango na lamang ako at hinila ang kumot upang matulog.

"Are you hungry?"

Umiling ako. "Inaantok na ako. Pwede ka nang lumabas—"

"Tell me when you need me."

"Ayos na ako—"

"C-can I sleep here?" Napalingon ako sa kanya—tila isang batang nahihiya. Nais kong matawa ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

"Hindi, Arro," diretso kong sagot bago nagtalukbong ng kumot.

May sasabihin pa sana siya, ngunit hindi na itinuloy. Narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto at ang pagpatay ng ilaw.

Ngunit kahit ilang oras nang wala si Arro, hindi pa rin ako makatulog. May kung anong kulang—isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Hindi rin ako makagalaw nang maayos dahil sa aking mga sugat.

Maya-maya, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Magsasalita sana ako ngunit bigla kong naramdaman ang isang braso na pumalibot sa aking bewang. Handa ko na sana itong alisin, ngunit nagsalita siya kaya't nagkunwari na lamang akong tulog.

"So che ti farò del male... e spero che ancora mi accetta nel tuo cuore..." bulong ni Arro.

Naramdaman ko ang pagbigat ng kanyang braso at ang mahinang paghinga niya. Sa tingin ko'y tulog na siya. Dahan-dahan kong inangat ang kanyang braso upang makita ang payapa niyang mukha at isiniksik ko ang aking ulo sa gilid ng kanyang leeg.

Ngunit hindi pa rin ako nakatulog.

Dahil paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang kanyang sinabi.

Ano ang nais niyang ipabatid?

AZANO: AbductusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon