Tatlumput-dalawa

1.6K 34 11
                                        

Halos mabitawan ko ang sandok na aking hawak nang maramdaman ko ang hininga ni Arro sa aking batok. Pinulupot pa nito ang kanyang mga braso sa magkabila kong beywang.

Pinigil ko ang aking hininga at damdamin upang huwag magpaapekto sa kanyang ginagawa.

"Good morning, my dear... hmm." Sininghot-singhot pa nito ang aking batok. Ramdam ko ang pagsisitayuan ng aking mga balahibo, pero pinagsawalang-bahala ko iyon at itinuloy ang aking pagluluto.

Kalma, Cecilia. Huwag masyadong marupok.

Inalis ko ang kanyang braso sa aking beywang. "Arro, sa lamesa ka na lang maghintay. Nagluluto pa ako," ungot ko rito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito bago padabog na umalis. Hindi ko na lang ito pinansin dahil ilang linggo na rin namang ganito ang aming sitwasyon.

Susuyuin niya ako. Pero kapag hindi ko pinansin, siya pa ang maiinis at parang siya pa ang galit. Tapos ilang minuto lang, babalik na naman siya at susuyuin ako.

Araw-araw ay ganoon si Arro. Matapos niyang pigilan akong umalis, nag-iba na ang pakikitungo niya sa akin. Mabait na siya at malambing.

Matapos kong maihanda sa lamesa ang aming almusal, pumanaog ako sa silid ng aking kambal. Ngunit nang makababa na kaming lahat, wala pa rin si Arro sa lamesa. Madalas kasi ay nagbabasa na iyon ng diyaryo sa ganitong oras, o kaya'y naroon na bago pa maihain ang pagkain.

Napabuntong-hininga ako. Eto na naman ang kinatatakutan ko. Mas okay sa akin ang Arro ngayon—iyong malambing at pinaparamdam sa akin na kahit papaano ay may pakialam siya sa akin.

"Angel at Cupid, pagkatapos n'yo ay saka kayo sasamahan ni Ate Mylyn mag-swimming, ah."

"Opo!" / "Yes po!" sabay na sagot ng dalawa.

Nginitian ko ang kambal. Kita ko ang kasiyahan sa mga anak ko, kaya't masaya na rin ako kahit papaano.

Napalingon ako sa aking gilid nang maamoy ko ang pabango ni Arro. Bihis na bihis ito at tila may pupuntahang lakad. Hinalikan niya sa ulo ang aming mga anak bago umupo sa aking harapan.

Ni hindi man lang niya ako nagawang ngitian. Siguro'y napagod na siya sa aking pag-iinarte kaya't bumalik na naman siya sa dati.

Naiiyak ako at halos hindi ko malunok ang pagkain sa aking bibig. Gusto ko lang naman ang pagsuyo niya dahil bago iyon sa aking pakiramdam. Pero mukhang napagod na siya—at hindi ko siya masisisi.

Kung pagod na siya, bahala na siya sa buhay niya. Pero umasa kasi ako, at iyon ang mahirap. Kung hindi niya ako papansinin, mas lalo akong magpapakiyeme sa kanya para quits!

"Mylyn," tawag niya sa tagapag-alaga ng kambal. May ibinulong siya rito na hindi ko maintindihan.

Napaiwas ako ng tingin nang mapadako ang mata ni Arro sa akin at itinuloy ang aking pagkain.

Kalansing lang at tawa ng kambal ang maririnig sa hapag. Wala sana akong balak magsalita, pero alam kong kailangan kong magpaalam sa lalaki na aalis ako mamaya.

Tumikhim muna ako para makuha ang atensyon niya. Pero sa kaloob-looban ko'y sana ay payagan niya ako.

Nang tumingin siya sa akin, kinuha ko na iyong senyales upang magsalita.

"Uhmm... magpapaalam lang sana ako na aalis ako mamaya. Hindi naman ako magtatagal."

Sumalubong lang ang dalawang kilay niya, tila kinakalkula ang aking sinabi.

"Okay."

Yun lang ang naging sagot niya bago sumubo ng pagkain.

Dapat lang na payagan niya ako. Siya nga iyong bigla na lang umaalis kahit buong linggo siyang halos abala sa trabaho. Dati-rati'y nagpapaalam pa siya.

AZANO: AbductusMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon