Tinignan ko ang pamato kong cellphone. Napabuntung-hininga ako. Sa wakas ay makakauwi na rin! Alas-diyes na ng gabi at pagod na pagod na ako. Mahirap pala ang maging all-around kasambahay. Nakakapagod at talagang nakakaubos ng enerhiya.
Nagbihis lang ako ng isang puting T-shirt at pantalon, ipinares ko ito sa aking lumang Chuck Taylor na sapatos. Pagkatapos ay kinuha ko ang bag kong Jansport na nabili ko pa sa ukay-ukay. Inayos ko lang ang pagkakatali ng kulot kong buhok, pagkatapos ay nagpulbos ginhawa naman ang pakiramdam ko.
Hindi na kasi ako naligo; mamaya na lang siguro pag nasa bahay na ako. Atsaka pagod na talaga ako.
"Manang, alis na po ako."
Nagpasalamat pa ako sa kanya at tuluyan nang nilisan ang maid's quarters.
Paikot na ako sa pasilyo nang may mabangga ako. Maayos lang sana kung natumba na lang ako o kaya'y napaupo kaso namantsahan pa ang damit ko ng ulam. Pasalubong ko sana iyon kina Inay! Naka-plastic na garapon ito at saka ko inilagay sa plastic bag. Jusko! Karne at manok pa naman ito. Mahal ang mga ito ngayon sa palengke; alam kong hindi pa namin kayang paggastusan ang mga hilaw na sangkap na iyon!
"Oh! Sorry, Cecilia! 'Di ko sinasadya."
Tumango na lang ako kay Sir Aesir at binigyan siya ng isang ngiti. Pinulot ko na lang ang ibang garapon na nahulog. Buti na lang at hindi naman natapon ang iba. Sayang nga lang ang kaldereta—sumabog na sa sahig. Masarap pa naman iyon.
"Wait... tatawag lang ako ng ibang maid—"
Pinutol ko agad ang sasabihin niya.
"Naku, sir! Kaya ko naman po! Ito nga't pupunasan ko na lang ang sahig. Saglit lang po at kukuha ako ng panlinis."
Pipigilan pa sana niya ako pero inunahan ko na siya. Iniwan ko ang bag ko roon sa sahig at nagtungo sa bodega. Kumuha ako ng mop at naglagay ng tubig sa timba. Bitbit ko ito hanggang sa pasilyo.
Nang marating ko roon, nandoon si Sir Aesir at pinupulot ang basyo ng garapon.
"Naku, sir! Sabi ko po ako na! Baka po mamantika na ang kamay n'yo."
Tumayo naman siya at nagsimula na akong maglampaso. Kailangan ko itong pakintabin nang mabuti!
"You sure? You don't need any help?"
Tumango lang ako at tinuloy ang ginagawa ko.
Nang matapos ako, bibitbitin ko na sana ang mga gamit ngunit tumawag na lang siya ng ibang katulong para sila na ang magtuloy ng gagawin ko.
"Naku, sir! Thank you po! Sige na't magpahinga na po kayo roon mukhang pagod na rin kayo."
Kinuha ko ang bag at ang plastic na may lamang ulam.
"Wait, Cecilia. Yung damit mo, may mantsa."
Ay! Nakalimutan ko nga pala ang damit kong natapunan ng ulam. Jusko! Wala pa naman akong extrang dala.
"I have my extra shirt. You can use it. Come here."
Kinuha niya ang kamay ko. Pero bakit ganun? Pakiramdam ko may iba talaga kay Sir Aesir. Ngunit ipinilig ko ang nasa isip ko. Imposible naman ata ang iniisip ko!
"Sir! Nakakahiya po. Unting kuskos lang ito ng tubig, tanggal na po ito," sabi ko sabay takbo sa malapit na CR.
Narinig ko pa ang halakhak niya. Pero parang may iba talaga—para siyang... naku! Baliw na ata ako sa pag-iisip ng ganoon tungkol sa kanya!
Ilang beses kong nilamukos at kinuskos ang damit ko pero may mantsa pa rin ng kaldereta. Ok na 'yan. Wala namang problema kung may mantsa. Gabi na rin naman at wala na ring masyadong makakapansin. Maamoy? Oo. Pero may aamoy ba sa akin?
BINABASA MO ANG
AZANO: Abductus
General FictionI am Arro Azano. And no one can stop me from doing anything.. especially.. Abducting her The first series of AZANO
