"Hindi ho kayo pwedeng lumabas, bilin ni sir Arro." Napatingin ako sa katulong na nakaharang sa pintuan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone na nasa kamay ko.
"Pero po, may kailangan lang naman akong kuhanin sa labas," saad ko rito. Pero umiling lang ang katulong sa akin.
"Eh kung ganoon po ay ako na lang ang kukuha. Maghintay na lang po kayo rito." Mabilis akong umiling.
"Pero may kailangan din kasi akong pasalamatan. Nasa labas kasi iyong nagbigay ng regalo sa mga anak ko. Saglit lang naman ako." Dumating na kasi yung bike na pina-deliver ni Macarlon at balak ko na itong kunin. Pero mukhang tinotoo nga ni Arro ang banta niyang hindi ako maaaring makalabas ng bahay nang walang pasabi sa kanya.
"Hala, ma'am, baka pagalitan ako ni Sir pag pinayagan ko kayo. Mahigpit pa naman ang bilin niya sa amin." Huminga ako ng malalim. Nakakahiya kasi kay Macarlon kung hindi ako magpapasalamat sa kanya. Nasa labas pa naman ngayon ang lalaki at inaantay ako. Kung alam ko lang na may balak pumunta iyon dito ay dapat pinigilan ko na. Baka magkaabutan na naman sila ni Arro at baka kung ano pang isipin ng lalaking iyon.
Bigla namang nag-ring ang cellphone ko.
"Cecilia, 'wag ka nang lumabas. Uuwi na ako. Ikamusta mo na lang ako kay Cupid," sabi ni Macarlon sa kabilang linya.
"Ha? Hindi, palabas na rin naman ako. Nakakahiya sa'yo," natatarantang sabi ko. Kahit naman kaibigan ko ang lalaking iyan ay tinatamaan pa rin ako ng kahihiyan. Makita ko pa lang ang truck na nasa labas na halatadong para sa mga anak ko ay nakakahiya talaga, lalo na kung hindi ako makapagpasalamat.
"No need to worry. Baka sa susunod niyan ay kahit sa labas ng bahay n'yo ay bawal na ako." Tapos ay humalakhak ito, hanggang sa namatay na lang ang kabilang linya.
Nagtaka ako sa sinabi ni Macarlon, kaya kahit hindi ako nagpaalam sa may-ari ng bahay na ito ay pinilit kong makalabas. Sa gate pa lang ay nakita ko na ang bike na may training wheels. Tapos may mga naka-blue polo shirt ang nagbaba sa truck ng iba pang laruan.
"Macarlon!" sigaw ko sa lalaking papasakay na sa kanyang sasakyan.
"Ma'am, bawal ho kayo lumabas," hinarang ako ng isa sa mga guard.
"Kuya, pakitawag na lang po iyong lalaki na iyon at siya na lang kamo ang pumasok rito sa loob." Napakamot naman sa ulo ang kawawang guard.
"Eh ma'am, hindi ho pwedeng pumasok sa bahay iyang lalaki. Bilin po ni Sir Arro." Ano bang problema ng lalaking iyon. Diyos ko!
"Hala, kuya! Kaibigan ko po kasi ang isang iyon. Magpapasalamat lang ho ako sa kanya." Wala nang nagawa ang pobreng guard kaya tinawag na lang niya si Macarlon.
"Ma'am, mag-usap na lang po kayo. Pero bawal po talaga siyang pumasok. Baka malintikan po ako kay Sir." Nakita ko ang paglapit ni Macarlon at ang ngisi na makikita sa mukha niya.
"Mukhang galit ang boss mo sa akin ah?" Nakatungaw kami sa grills ng gate. Napakamot naman ako ng ulo.
"Pasensya ka na. Baguhan lang kasi ako rito tapos ay ginabi pa ako ng uwi kagabi."
"Kung nahihirapan ka na diyan, sabihin mo lang sa akin. I'll help you." Alanganin akong ngumiti. Kung alam mo lang.
"Oo naman. Pero pasensya na talaga. May saltik ata ang boss ko. Nadamay ka pa tuloy. Maraming salamat pala rito. Akala ko ba mga bisikleta lang ang bibilhin mo, pero napakarami namang mga laruan ang narito." Tiningnan ko ang mga laruan. Yung iba nga'y nasa kahon pa.
"No, it's okay for me. Para naman sa mga bata iyan."
"Salamat talaga—" Tila natulos ako sa aking kinatatayuan nang maramdaman ko ang isang braso na pumulupot sa aking beywang. Maski si Macarlon ay nagulat.
BINABASA MO ANG
AZANO: Abductus
Fiksi UmumI am Arro Azano. And no one can stop me from doing anything.. especially.. Abducting her The first series of AZANO
