Dalawamput-anim

885 19 1
                                        

Amoy ng sigarilyo at alak ang bumungad sa aking ilong pagmulat ko ng mata. Panandaliang nag-alinlangan ako—nasaan ba ako? Ngunit isang baritono at malalim na boses ang sumalubong sa akin, parang dumampi sa balat ko, nagpapatingkad ng takot at kaba.


"Finally, you're awake."

Agad namang dako ng aking mga mata sa nagsalita. Hawak ang basong may laman na alak, swabeng-swabe itong naglakad papunta sa akin. Wala itong pang-itaas, kaya't malaya akong masilayan ang napakagandang katawan. Magulo ang buhok, matalim na mga mata, at agaw-pansin ang tattoo sa braso—lahat ay tila nakalaan para guluhin ang isip ko.

Kung naiba lang ang sitwasyon, hahanga na ako sa kakisigan at kagwapuhan nito. Ngunit ito si Arro Azano—ang taong hindi ko kailanman hinangad na makita pa.

"Stop staring at me. I hate it."

Kumunot ang noo ko sa kanyang pahayag. Matapang kong sinalubong ang nagngangalit niyang mga mata, subalit may bahid ng kaba na pumailalim sa aking dibdib.

"Sa tingin mo ba'y masaya rin akong makita ka?" tanong ko nang walang pag-iwas.

Tumawa siya ng bahagya—tawa na pamilyar, ngunit nakakakilabot. Parang hangin na dumampi sa balat na may kasamang pagbabanta.

"You didn't change." Umiling-iling siya habang nakangisi. Hindi ko maiwasang mahiya habang nililibot ng kanyang mga mata ang aking katawan. "Oh! You changed, my dear. You changed a lot."

Mas tumalim ang pagtitig niya sa akin. Parang may apoy na tumutulo sa aking balat, sa bawat sandali na nakatitig siya. Tila may nabuhay na isang parte sa katawan ko. Pero bago pa ako matalo ng damdamin, hinarap ko ang apoy sa mga mata ni Arro.

"Ano na naman ang kalokohan na ito, Arro? Wala ka bang magawa sa buhay mo at pati ang taong matagal na nanahimik ay guguluhin mo?!"

Naalala ko ang sakit, ang panghihina, at ang takot na iniwan niya sa akin noon. Tila gusto kong ilublob ang mukha sa napakalamig na tubig at gisingin ang sarili ko mula sa bangungot na ito. Ayoko na. Sawa na ako, at ayoko nang maulit ang mga pagkakamali ko noon. May anak na ako. At ayoko nang madamay ang mga bata sa sitwasyong ito.

Tumawa siya ng malakas, tila nanguuyam.

"You call this bullshit, Cecilia?" Napaigtad ako nang bigla niyang ihagis sa pader ang basong hawak niya. Tumalsik ang ilang bubog, nagkalat sa sahig.

"Kalokohan, Cecilia? Putangina!" Nagbabaga ang mga tingin ni Arro sa akin. "Putangina lang, Cecilia! You want to have a peaceful life? Just wow." Nilamukos niya ang buhok gamit ang palad bago ibalik ang tingin sa akin.

Napaatras ako sa aking kinahihigaan, nanginginig. Alam ko kung ano ang maaaring gawin niya. B-baka sa susunod ay hindi ko na makapiling ang mga anak ko. Kailangan kong makaalis, kailangan kong makita sila.

"A-Arro, itigil mo na ito. Paalisin mo na ako... Maawa ka... Gusto ko ng mabuhay ng tahimik." Mabuhay ng tahimik kasama ang ANAK KO. Hindi ko hahayaan na isantabi ang kapakanan nila.

"You want to have a peaceful life, huh?! How about me? Kailan mo patatahimikin ang buhay ko?!"

Hawak niya ang balikat ko, madiin, masakit, na halos sapitin ang aking dibdib. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak.

"A-ano b-ba ang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan, Arro."

Nakatingin lang siya sa akin ng matindi, walang alinlangan. Ang bawat pagtulak ko sa kanya ay walang bisa. Isa lang ang nakikita ko: galit.

At natatakot ako. Natatakot hindi lang sa kung ano ang kaya niyang gawin, kundi sa kaalaman niyang may ideya na siya sa anak ko.

Mas naramdaman ko ang sakit ng pagkakahawak niya sa akin, pero hindi ko iyon ininda. Mas masakit isipin na lahat ng sakripisyo at paghihirap ko'y mauuwi lang sa wala.

AZANO: AbductusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon