Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Dalawamput-siyam

973 13 5
                                        

Kinapos ako ng hininga sa ginawa niya. "Arro! Ano ka ba nam—"

Hinala ako ni Arro at dinala sa ibang kwarto. Pagkatapos noon ay nakapamulsa itong tumingin sa akin.

"Explain."

Pinutol niya ang sasabihin ko at kinunutan ko siya ng noo. Anong ipapaliwanag ko rito? Wala naman akong ginawang masama. O baka galit siya dahil sa pakikipag-usap ko sa girlfriend niya. Ang kapal naman ng mukha nito! Pagkatapos niya akong angkinin ng paulit-ulit, may babae pala siya?! Kahit na wala akong karapatan ay nasasaktan ako. Hindi dahil sa damdamin ko, kundi sa respeto at dignidad ko bilang babae. Hindi man ako nagtapos ng pag-aaral, alam ko naman na masama ang makiapid sa taong may relasyon na.

Pero ano nga bang magagawa ko kung nasaktan man ako? Sa simula pa lang, alam kong nawala na ang respeto ko sa sarili. Tanging anak ko lang ang nagpapaayos sa sira kong pagkatao. Napabuntong-hininga ako. Kailangan ko siyang sundin, dahil baka pati anak ko'y mawala rin sa akin. Kahit masakit, kailangan kong magpakumbaba.

"Ano ang nais mong malaman? Na kung paano kami nagkita ni Ma'am? Hindi ko naman sinasadya eh. Malay ko bang kilala mo siya? Hayaan mo't lalayuan ko kayo at di ko kayo guguluhin. Anak lang naman nat—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang putulin niya ako. Napahilamos siya sa kanyang buhok.

"Fuck! I don't care how the hell you two meet each other! But dinugo? What the hell, Cecilia! You are risking my child's life!? Kung hindi ka lang tumakas at lumayo sa akin ay hindi sana kayo magkakaganyan!"

Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya. Ano ang nais niyang ipahayag? Na aayos ang buhay namin kung kasama namin siya? At hindi maayos ang buhay ng anak ko nung ako ang kasama nila?!

"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin iyan sa akin! Alam mo ba ang hirap na dinanas ko, ha?! Alam mo ba?!"

Nailing-iling siya sa akin.

"So it's my fault kaya ka naghirap? Kung hindi ka lang tumakas, sa tingin mo maghihirap kayo? Do you think na mas naging ligtas kayo ng wala ako? Are you out of your mind?! Nagtatrabaho ka kahit alam mong buntis ka? What if something bad happened?" Nakita ko ang labis na galit nito sa akin, at ang talim ng bawat titig niya. "Oh, anong silbi ng lalaki mo at hindi ka kayang buhayin? Bakit? Did he leave you when he found out that you are carrying the baby of another man?"

Hindi na kinaya ng sarili ko at nasampal ko siya.

"Why? Am I right? Na pagiging katulong lang ang naialok niya sa'yo kahit binigay mo na ang lahat sa kanya?" Tumawa pa siya at mas lalo akong nainis.

Hindi pa ba niya nararamdaman na siya lang at wala nang iba? Anong tingin niya sa akin? Ibebenta ko ang katawan ko para mabuhay ang anak ko? Ganoon ba karumi ang tingin niya sa akin?

Natigmak ang aking luha. Naiinis ako at naiiyak. Masakit... Parang nabibiyak ang aking puso sa bawat salitang binibitawan niya.

"Ang tanga mo! Sa lahat ng lalaki ikaw ang pinaka-tanga! Sa tingin mo ba ganoon akong tao, ha?! Sa tingin mo ba kung kani-kanino ako pumapatol at nakikipagrelasyon?! Putangina, Arro! Ikaw lang... Ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng lahat... Ikaw lang ang naging lalaki ko sa tanang buhay ko..."

Naiinis ako. Ang tanga niya. Ang manhid niya.

"Sabagay, ano pa ba ang maaasahan ko sa iyo? Eh katawan ko lang naman ang nais mo, diba? At hindi porket pumatol ako sa'yo eh papatol na rin ako sa iba! Hindi ako kagaya mo!" Inalis ko ang luha sa aking mata. "Hindi ko itataya ang buhay ng anak ko kung may tao naman palang handang tumulong sa akin... Mas mabuti nang ako ang mawala kaysa sa kanila... Mas mabuti nang hindi ko maabot ang pangarap ko kung kailangan kong sumugal para lang sa kaligtasan nila."

AZANO: AbductusMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon