Labing-apat

1K 21 2
                                        

Tahimik lang ako habang nasa biyahe. Ni hindi rin nagsasalita si Arro. Sa totoo lang, naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin? At paano niya ako naging pag-aari? Dahil ba sa kinulong niya ako at naging sunod-sunuran ako sa kanya? Sa pagkakaalam ko, walang sinuman ang may-ari sa akin.

"We're here..."

Nagulat ako nang si Arro mismo ang magtanggal ng seatbelt ko. Napaatras ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya—halos maamoy ko na ang mabango niyang hininga. Nang makalas na niya ito, bigla siyang nagsalita.

"And don't fvcking try to escape from me, Cecilia. Dahil kahit saan ka man magtago, mahahanap pa rin kita. Remember that."

Nauna na siyang bumaba. Bubuksan ko sana ang pinto ng sasakyan, ngunit naunahan niya ako. Inayos ko ang sombrero at shades bago tuluyang bumaba.

"Salamat."

Umiwas ako ng tingin dahil sa pagngisi niya. Hinapit niya nang mahigpit ang aking bewang bago kami pumasok sa isang ospital. Napakunot ang aking noo.

"A-Ano ang ginagawa natin dito? May sakit ka ba?"

Nag-angat ako ng tingin dahil sa tangkad niya, ngunit wala akong nakuhang sagot.

Malawak ang ospital at maraming tao. Kung sisigaw ako at sasabihing kidnapper ang kasama ko, baka pagtawanan lang ako at pagkamalang baliw. Sa itsura ni Arro, napakalayo niya sa imahe ng isang kidnapper. Sa suot niyang gray V-neck shirt at black pants, mukha siyang modelo ng mamahaling damit. Aminin ko man o hindi—gwapo si Arro. Kaya't sino ang mag-aakalang ang lalaking ito ang nagpapahirap at nagpapasakit sa buhay ko? Ang lalaking nanakit at nagkulong sa akin?

Kaya't ang tanging paraan na naiisip ko ay ang tumakbo at makalayo sa kanya. Hahanap ako ng tamang oras. Ngunit hindi ko alam ang lugar na ito—malayo ito sa amin. Hindi ito Ilocos, sigurado ako.

Ngunit bakit kami narito? May sakit ba siya? Mamamatay na ba siya?

Mabilis talaga ang karma. Kung ganoon, dapat ay matuwa ako—dahil may pag-asa akong makatakas. Ngunit may bahagi ng sarili ko na nalulungkot para sa kanya. Dahil ni wala man lang siyang naiambag na mabuti sa mundo, hindi ba?

Tahimik kaming naglakad sa pasilyo. Walang nagsasalita. Halos lahat ng madaanan namin ay nakatingin—o mas tamang sabihing, kay Arro lang. Sino nga ba ang hindi mapapansin ang tulad niya? Para siyang artista.

Huminto kami sa isang puting pinto. Iginaya niya ako paloob. Nakahinga ako nang maluwag.

Napakahigpit kasi ng hawak niya—halos hindi na ako makahinga. Dagdag pa ang jacket na suot ko. Kaya't halos magpasalamat ako sa Diyos nang bitawan niya ang aking bewang.

"Yes, I'm not using any protection," sagot ni Arro sa matandang doktora.

"Even the natural way?"

"The withdrawal? No. Not also."

Tumango-tango ang doktora habang may sinusulat.

"And she's not taking any contraceptives?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

Ngumiti na lang ako nang mapait. Tila sasabog ako sa kahihiyan. Bumaling uli siya kay Arro.

"So when did you start doing that?"

Saglit na nag-isip si Arro, seryoso, para bang business ang pinag-uusapan.

"More than one week, I think."

Tumango muli ang doktora at may isinulat pa, saka kumuha ng ilang gamot mula sa drawer at iniabot kay Arro.

"You sure this is effective? Or is there any chance she'll get pregnant?"

AZANO: AbductusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon