Masakit para sa akin ang lahat ng ito. Masakit malaman na sa isang iglap ay naglaho ang lahat, na nasira ang lahat ng pangako at pangarap. Na kung sino pa ang taong minahal ko't tinanggap ng lubusan ay siya pa ang puputol at sisira sa lahat.
Masakit dahil ang lahat ng kahibangang ito'y kailangan nang wakasan. Dahil kahit pagtagpi-tagpiin ang lahat, wala nang pag-asa pang mabuo ang tiwalang nabasag at ang pagmamahal na nagsimula sa isang kamalian.
Ilang araw akong halos wala sa sarili kong kaluluwa. Lutang ang isip habang ang puso'y naghihinagpis. Dahil kahit anong gawin ko, halos hindi pa rin maglaho-laho ang mga agam-agam sa aking isipan—ang katotohanang saka ko lang nalaman:
Ang aksidenteng nangyari kay itay. Ang pagkakaroon ng asawa ni Arro at ang pagkamatay nito. At ang katotohanang ginamit lang ako ni Arro.
Tumayo ako mula sa malambot na sofa ni Arro at dumiretso sa malaking salamin. Tiningnan ko ang sarili ko—isang kulay itim na roba at sa loob nito'y pulang bra at panty. Inangat ko ang pang-itaas upang mas lalong maipakita ang aking dib-dib, at dahan-dahang ibinuka ang itim na roba. Iniladlad ko ang medyong kulot kong buhok.
Masasabi kong ibang-iba ang itsura ko ngayon. Para ngang isang magandang, kaakit-akit na babae ang nakikita ko sa salamin. Hindi naman sa nagmamayabang ako, ngunit may tamang hugis ang katawan ko. Bagay na bagay ang itim at pulang kombinasyon sa balat kong medyo kakinisan. Malayo ito sa simpleng Cecilia na dati kong kilala.
Ngayon, isang Cecilia ang nakikita ko—isang Cecilia na kaakit-akit, determinado, handang gawin ang lahat para sa kalayaang naudlot. Ngunit sa pagkakataong ito, pinapangako ko sa sarili: hindi na ako muling magpapakabulag sa pagmamahal na ibinigay sa akin ni Arro.
Huminga ako ng malalim bago huling sinulyapan ang sarili ko sa salamin. Pagkatapos, pumanhik ako sa kwarto upang simulan ang aking plano.
Pagkaupo sa kama, ipinalibot ko ang aking mata sa silid. Ngumiti ako ng mapait. Alam kong ito na ang huling pagkakataon na masisilayan ko ang kwartong ito—ang kwarto kung saan naramdaman ko ang lahat ng pighati't kasiyahan. Dito ko naramdaman ang sakit, ngunit dito rin ko naamin ang panandaliang kasiyahan kapiling ang taong minahal ko. Dito nagsimula at dito rin magtatapos ang lahat.
Isang saglit pa'y narinig ko ang pag-ikot ng seradura ng pinto. Inayos ko ang sarili bago humiga sa kama at nagsimulang magtulug-tulugan, sinindian ang kumot upang mas masilayan ang aking makinis na binti.
Nakarinig ako ng kalansing bago naramdaman ang paglapit ng katawan sa aking kinahihigaan. Pinilit kong maging normal upang maisagawa nang matagumpay ang plano ko. Kunwari'y humarap ako ng patagilid kay Arro upang masilayan niya ang aking dib-dib at ang isa kong binti ay napunta kuno sa kanyang gilid. Ngunit nakapikit parin ang aking mga mata.
Naramdaman ko ang malalim na paghinga ni Arro at dahan-dahang paglapit niya. Ngumiti ako sa isip, alam kong naaayon ang lahat sa plano ko. Alam kong apektado siya sa sitwasyon. Alam kong lalaki siya, at alam ko ang matinding pagkahayok niya sa ganitong pagkakataon. Ilang araw na ang nakalipas nang walang nangyari sa amin mula nang malaman ko ang katotohanan. Tatlo? Apat? Lima? Alam kong pinipigilan lang niya ang sarili.
Naramdaman ko ang pagkuha niya sa aking kamay na nakapatong sa kanyang hita, inilagay niya ito sa nakabukol niyang pantalon. Mali sa kanyang hubad na katauhan. Ni hindi ko namalayan na hubad na pala siya.
Halos tumambol ang puso ko sa kaba—baka may alam na siya sa aking binabalak. Baka masira na naman ang plano ko.
Ngunit mas nagulat ako nang magsimulang mag-taas-baba ang galaw ni Arro. Pasimple kong tiningnan ang ginagawa niya, at nakita ko ang masuyong pagpikit ng kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
AZANO: Abductus
General FictionI am Arro Azano. And no one can stop me from doing anything.. especially.. Abducting her The first series of AZANO
