Labing-anim

973 15 5
                                        

Dahan-dahan akong tumayo mula sa malambot na aking hinihigaan upang maibsan ang hapdi na dumadaloy sa aking katawan. Halos manginig at maiyak ako dahil sa sakit nito.

Tinignan ko ang puting kumot na bumabalot sa hubad kong katawan. Napupuno ito ng nanigas na dugo na nagmula sa aking likuran. Napaiyak ako nang tuluyan.

Ano ang nangyari sa akin?

Ang bawat hataw ng latigo na naging sanhi ng mahahaba at malalalim na sugat ay magiging marka ng aking kasawian—isang masamang alaala.

Napatingin ako nang bumukas ang pinto. Nandoon ang lalaking mag-iiwan ng mga alaalang hindi ko kailanman malilimutan, mga alaalang paulit-ulit na magpapaalala ng aking paghihirap.

Si Arro.

Kahit nasasaktan ako dahil sa di maipaliwanag na sakit, pinilit ko ang aking sarili na isiksik ang katawan ko sa sulok ng kama.

Malungkot ang mga mata ni Arro, tila naaawa sa aking kalagayan. Inilapag niya ang isang tray ng pagkain sa mesa bago humakbang palapit sa akin. Napaatras pa ako lalo kaya't napasigaw ako nang tumama ang sugatan kong likod sa kahoy na ulunan ng kama.

"Aghh!"

Napapikit si Arro sa aking pagsigaw. Maya-maya'y binuksan niya ang kanyang mga mata at pinasadahan ng tingin ang puting kumot na nababalutan ng dugo at ang mga sugat na umabot sa aking leeg.

Nagbaba siya ng tingin at kita ko ang pagtagis ng kanyang mga panga. Umatras ako lalo nang umamba siyang hahawakan ako.

"C-Cecilia..." Malumanay ang boses nito at ramdam ko ang hinanakit sa kanyang pananalita.

Hindi ako nagsalita. Sa halip, mas siniksik ko pa ang aking sarili—takot na baka saktan na naman niya ako.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Arro. Napaiyak ako lalo dahil sa pag-aakalang sasaktan niya na naman ako.

"I will not hurt you, Cecilia..." Lumapit siya at dahan-dahang hinaplos ang aking sugatang leeg. Tinitigan niya ito nang maigi at bumakat sa kanyang mukha ang sakit at pagsisisi.

Hahablutin sana niya ang kumot ngunit mahigpit ko iyong hinawakan.

"I... I just want to see—"

"A-ano ang gusto mong makita, Arro?" nanginginig kong sabi. "'Yung mga sugat na ikaw mismo ang may kagagawan? Hindi ka pa ba kuntento at gusto mo pa akong saktan?"

Nanginig ang aking boses—hindi dahil sa pag-iyak kundi sa galit na nararamdaman ko para sa kanya.

"I didn't mean to do that. I—I'm just..." Pinikit niya ang kanyang mga mata bago muling nagsalita. "I'm sorry."

Nagbaba siya ng tingin at muling tumitig sa aking mga mata.

"Ang paghingi mo ng tawad ay hindi sapat. At hinding-hindi kailanman magiging sapat."

Napabuntong-hininga siya at malungkot na tumingin sa akin.

"I know, Cecilia. Alam kong hindi madaling patawarin ako. But give me one more chance to take care of you." Puno ng pagsusumamo ang kanyang boses. Hinawakan niya ang aking mga kamay at dahan-dahang dinampian ng mumunting halik.

"Pagkakataon, Arro? Para saan? Para saktan mo na naman ako?" Tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking mga luha—halo-halong emosyon: sakit, galit, awa, at pangungulila.

"No. I will not do that again. I promise you."

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking mga kamay, na para bang nais iparamdam na ligtas ako sa piling niya—na hindi niya ako pababayaan kailanman.

AZANO: AbductusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon