Tatlumput-isa

738 13 2
                                        

Tuwing kaharap namin ang aming mga anak, tila isa kaming mag-asawang mahal na mahal ang isa't isa. Ayon, iyong susubuan niya ako o aakbayan habang nanonood kaming pamilya sa sala. May mga oras pa ngang kinikilabutan na ako sa mga pinagagawa niya.

Tanghali, kaya't pinatulog ko muna ang dalawang bata dahil pagod sila sa pag-swimming kanina kasama ang ama nila. Masaya naman ako na nakikitang masaya ang mga anak ko kasama ang tatay nila.

Yun nga lang, naiisip ko kung paano kapag dumating ang araw na magkaroon ng sariling pamilya si Arro? O mag-asawa? Paano kami ng mga anak ko? Ayokong masaktan sila, lalo na ngayong unti-unti nang pumapasok sa sistema ng mga anak ko si Arro.

"Ma'am, tawag ho kayo ni Sir Arro." Tumango lang ako at sinunod ito.

Naabutan ko itong may binabasang mga papeles. Naramdaman niya yatang pumasok ako kaya't napadako ang tingin nito sa akin.

"Pinapatawag mo raw ako?" Nakatayo lang ako sa harapan nito.

"Sign this paper." Ibinigay niya ang isang envelope. Kinuha ko ito at binasa.

"Arro, ano 'to? Bakit may ganito?" Nagtataka akong napatingin sa kanya.

"Just sign it, Cecilia, at huwag ka nang magtanong. We're doing this for the kids, so sign it." May iniabot naman ito sa aking pulang kahon. "And here, always wear it."

Nagtataka man, binuksan ko ang kahon at nagulat ako sa singsing na nakita ko.

"Don't worry, wala na akong sabit kaya huwag ka nang magreklamo. Just fucking sign the paper at iwan mo 'yan pagkatapos." Nagpatuloy lang ito sa ginagawa niya, tila wala lang sa kanya ang marriage contract na hawak ko.

"Paano kung ayaw kong pumirma? Wala sa usapan natin ang magpakasal, Arro!" Parang niloloko lang namin ang mga sarili namin kapag tinuloy namin ito.

Dumapo ang mata nito sa akin. "Sa ayaw at sa gusto mo, Cecilia, you need to sign that paper, kung ayaw mong pilitin pa kita sa paraang gusto ko."

"Hindi ba pwedeng pag-usapan muna natin ito?" Ayokong magpadalos-dalos sa desisyon, lalo na't mas malaking responsibilidad ito.

"Sign that paper, o aalis ka nang tuluyan sa bahay na ito at wala ni isa sa mga anak mo ang mapupunta sa 'yo. You know how powerful I am, Cecilia, so shut it."

Huminga ako nang malalim at sa nanginginig na kamay ay pinirmahan ko ito.

Wala na akong magawa nang iabot ko ito sa kanya. Isinuot ko rin sa harapan niya ang singsing na ibinigay niya.

"Ano, masaya ka na ba? Maaari na ba akong umalis?" gigil kong sambit rito. Tumawa naman ito nang pagak.

"Is that how you treat your husband?"

Inirapan ko na lang ito bago ko lisanin ang kwartong iyon.

Ayoko nang makipag-usap rito. Naiinis ako sa mga pinagagawa niya! Lahat na lang ng bagay ay pinilit niya sa akin. Tapos ipapanakot pa niya ang mga anak ko kapag humindi ako? Isa talaga siyang malaking gago!

Sa isang iglap ay kasal na ako. Akala ko pa naman kahit paano ay mararanasan ko iyong magsuot ng gown o kaya maikasal man lang sa simbahan.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hawak na niya ako sa leeg simula't sapul, at mas pinalala pa ngayong kasal na ako sa kanya.

"Ma'am, bawal ho talaga kayo rito!"

"Shut up! Where's Arro?!" Nagwawala ito at nahihirapan na ang mga katulong na pigilan siya. Lalapit na sana ako ngunit sa bilis nitong maglakad ay naunahan niya ako, at naramdaman ko na lang ang palad nito sa aking pisngi.

AZANO: AbductusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon