Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.
Hindi ko na halos mabilang kung ilang ulit niya akong inangkin—ilang ulit niya akong pinagsamantalahan at pinilit.
Kapwa kami nanghihina matapos ang aming pagniniig. Katulad ng dati, pumunta siya sa aking paanan upang ikadena ang dalawa kong paa.
Ganito lagi ang nangyayari. Uuwi siya rito kapag kailangan niya ako, at aalis kapag nakaraos na siya.
Ayan na naman ang pesteng luha ko. Tuloy-tuloy ang agos nito na tila isang talon. Sabagay, sino ba naman ang hindi mahahabag sa aking kalagayan? Binaboy ako. Binaboy ako ng isang tao. At masakit ito. Masakit dahil sa tuwing ginagawa namin iyon ay lagi niyang pinapaalala ang magiging kalagayan ng aking pamilya. At kahit anong gawin ko upang tumanggi ay hindi ko magawa.
Masakit... dahil alam kong hawak ako ni Arro sa aking leeg.
Masakit... dahil kahit alam mong wala nang natitira pang kahit gatiting na respeto sa sarili mo, ay hindi mo kayang tumanggi. Hindi mo kayang pigilan ang ginagawa niya, kahit labag ito sa puso at sa buong pagkatao mo.
"I don't want to hear your sob!"
Dumagundong ang malalim na boses ni Arro kaya't dali-dali kong inilagay ang aking palad sa aking bibig upang mapatigil ang mumunting hikbi. Mabuti na lang at sigaw lang ang inabot ko, dahil sa tuwing naririnig niya akong umiiyak ay sinasampal niya ako—o minsan ay pilit niya akong pinupwersa upang makipagtalik sa kanya.
Nang masigurado ni Arro na maayos na ang kadena sa aking paa, tumayo siya mula sa pagkakaluhod at bumalik sa aking harapan upang titigan ang aking katawan. Wala akong kumot dahil inalis niya. Wala ring kahit isang unan o pananggalang para matakpan ang aking kahubaran.
Saad niya, mas maayos daw kung lagi akong nakahubad. Ni hindi niya ako magawang bigyan kahit damit man lang. Kaya't kahit namamaluktot na ako sa lamig ay hindi ako makapagreklamo. Dahil ang utos niya ay utos niya, at ang kailangan kong gawin ay sundin siya—wala nang iba.
Habag na habag ako sa aking kalagayan. Para akong isang ibong pinutulan ng mga pakpak. Walang kalayaan. At walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa o tuluyan nang mawawala.
Nasaan na nga ba ang buhay ko noon? Iyong simpleng buhay na uuwi ka sa tahanan kasama ang iyong pamilya?
Hanggang dito na lang ba ako? Ito ba ang plano sa akin ng Diyos? Ito ba ang itinadhanang mangyari sa akin?
Buong buhay ko'y naniniwala ako na ang lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan. Na ang bawat pagkilos at bawat hakbang ay may patutunguhan. Na wala tayong dapat pagsisihan kung anuman ang maging bunga nito—na dapat buong puso natin itong tanggapin, walang pag-aalinlangan.
Ngunit... tanggap ko nga ba ang aking kinahinatnan?
"Why can't I get enough of you, Cecilia?"
Nangilabot ako sa itim na mga mata ni Arro. Ang klase ng pagtingin niya at ang paraan ng kanyang paghinga—kilala ko iyon. At hindi ako pwedeng magkamali. Ang pagtitig niya ay puno ng pagnanasa.
Diyos ko po. Pagod at nanghihina na ako. Kung gagawin pa namin iyon, hindi ko na kakayanin.
Kaya't kahit imposible, pinilit kong baluktutin ang aking katawan upang maitago ang aking kabuuan. Nandidiri ako sa klase ng tingin niya—sa bawat hagod ng mata niya sa aking katawan. Pakiramdam ko'y isa akong napakawalang-kwentang tao, dahil mas lalo niya pang ibinababa ang tingin ko sa aking sarili.
"A-Arro... ma-maawa ka..."
Dama ko ang bigat ng kanyang katawan nang dumagan siya sa akin. Gusto ko siyang suntukin, murahin, at sumbatan—dahil wala siyang karapatang gawin ito sa akin. Kahit man lang sana'y maramdaman niyang nasasaktan na ako.
BINABASA MO ANG
AZANO: Abductus
General FictionI am Arro Azano. And no one can stop me from doing anything.. especially.. Abducting her The first series of AZANO
