Dalawamput-apat

36 0 0
                                        

"Isang order nga ng sisig, Cecilia, tapos adobo, pahingi ng sabaw iha."

Agaran naman ang kilos ko sa pagsandok ng ulam para mailagay sa plastik. Halos magkanda-paso pa ako dahil nalimutan kong mainit pala ang sabaw.

"Eto ang bayad." Inabot niya sa akin ang isang-daang piso na sinuklian ko naman.

"Maraming salamat po, Nay."

Siya si Aling Berta, suki yan ng karinderya ko at laging nabili sa akin. Isang titser ang nag-iisang anak niyang babae at siya nama'y namamasukan bilang isang caregiver.

"ako nga rin ho. Isang order dito at dito...."

Halos hindi ako magkanda-ugaga dahil mag-isa lang ako rito't walang katulong. Linggo kasi ngayon at ang tatlo kong tauhan ay nag day-off kaya't tiyaga ko mag-isa tuwing Linggo. Ngunit kahit ganito tuwing Linggo'y nahihirapan pa rin ako. Minsan kasi maraming customer, minsan nama'y wala. Kung kukuha naman ako ng iba pang katulong ay baka mabawasan lalo ang ipon para sa gastusin sa bahay.

Buong maghapon ganito ang routine ko, tapos pag punta ko sa kusina katambak na hugasan naman ang aabutan ko. Kaya't halos wala rin akong pahinga. Salamat na lang sa Diyos at hindi naman ako nagkakasakit.

Pinunasan ko ang leeg at mukha ko gamit ang tuwalyang puti na nasa aking leeg. Salamat at tapos na ang araw ko! Nais ko na talagang magpahinga at umuwi sa bahay. Ngunit bago iyon ay kinailangan ko munang ayusin at linisin ang upuan at mga mesa. Kaya't yun ang ginawa ko.

Katulad nitong mga nakaraang araw, napapansin ko na laging may puting papel sa mesa. Duon iyon sa pinakatagong parte at katulad ng dati'y laging namamawis ang aking palad at halos tumambol ang aking puso sa tuwing binabasa at binubuksan ko ang sulat.

"Run if you must—but you already know the cost.
I return not for joy, but for what you owe."

Laging ganito ang laman ng sulat. Halos hindi ako makatulog tuwing gabi dahil sa mga imaheng pumapasok sa aking isip. Mga posibilidad na alam kong ikapapahamak ko o namin. At natatakot ako, dahil ayoko ng masira uli ako. Nais ko na ang ganitong buhay, kahit hirap basta't masaya at walang pino-problema ay maayos na sa akin iyon.

Ng maayos ko ang lahat ay tiniyak kong nakapatay ang main switch ng kuryente at malinis ang lahat. Ng natiyak kong okey ang lahat ay saka naman ako nag-lock.

Tinignan ko ang orasan—8:45 na ng gabi. Buti na lang at isang sakayan lang ang bahay namin at hindi ako mahihirapan pa.

Paalis na sana ako ng maisip ko na hawak ko parin pala ang sulat. Tumingin muna ako sa paligid, kaliwa't kanan, baka mamaya'y totoo ito at may nagmamasid na pala sa akin. Ng masigurado kong normal naman ang lahat ay nilamukos ko ang papel at basta ko na lang tinapon ito sa kung saan bago pumara ng jeep.

Wala naman akong dapat na ipangamba, baka natatakot lang ako sa wala. Malay ko bang isang trip lang pala ang sulat na iyon. Halos mag-iisang buwan ng ganun ngunit wala naman akong nararamdamang masama o di kanais nais sa paligid.

Pagkababa ko ng jeep, sumakay ako ng pedicab papunta sa street ng bahay namin. Hawak ko ang isang malaking supot na aking pasalubong.

Tanaw ko pa lang sa malayo ang bahay namin todo ngiti na agad ako. Dahil kahit papaano'y nakauwi ako ng ligtas at walang namang nangyaring masama sa akin.

Nag-abot ako ng sampung piso kay Manong at umalis na siya. Bubuksan ko pa lang ang munting gate ng bahay namin naririnig ko na ang magkasabay na sigaw nila.

"Mama!"

Dali-dali ang takbo ng mga ito sa akin. Ang isa'y kinuha ang supot ng donut na hawak ko, ang isa nama'y humawak agad sa kamay ko.

AZANO: AbductusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon