Sunod na lang na napansin ni Cecilia, nakahiga na siya sa isang puting kama sa ospital. Ang amoy ng antiseptic ang pumuno sa kanyang ilong, at ang lamig ng kumot at kirot sa kanyang tiyan ang nagpagising sa kanya. Napadako ang tingin niya sa lalaking nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Sapo-sapo nito ang kaniyang buhok na tila malalim ang iniisip.
"T-tubig..." mahinang anas ko. Wari ko'y naubos ang lakas na natitira sa katawan ko na di ko naman mawari kung bakit at paano. Dahil ba ito sa labis na puyat at stress na pinagdaanan ko nitong mga nakaraang buwan?
Napalingon si Arro sa gilid ko na tila nawala ang pokus sa malalim na iniisip nito kanina pa. Blanko ang itim na itim na mga mata nito at walang emosyong nakatingin sa akin. Bigla naman akong nanlamig sa titig nito. May ginawa ba akong ikinagalit na naman niya? Tumayo ito kaagad at kumuha ng bottled water sa plastik na nasa lamesa, kasabay noon ang pagpasok ng doktor.
Iniabot ni Arro ang tubig. Sumimsim ako rito bago hinarap ang doktor na nag-aayos ng aking swero.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin.
"Ano po ang nangyari? Kanina po ay dinugo ako. M-may nangyari ho bang masama sa akin?" mahinang tugon ko rito.
"Tatlong linggo ka nang buntis..." ani ng doktor, tinitingnan ako nang may lungkot sa mga mata.
"Ngunit... Cecilia... hindi natin nailigtas ang sanggol," dagdag niya.
"Dok... paano po nangyari ito?" pabulong kong tanong, ngunit walang maibigay na malinaw na sagot.
"Ma'am Cecilia... I'm so sorry... nagkaroon ng komplikasyon," mahina ngunit matindi ang boses ng doktor. "Hindi natin nai-save ang bata..."
Biglang napaiyak si Cecilia. Bumagsak ang mundo sa kanyang dibdib. "Hindi... hindi... hindi puwede... hindi puwede ito!" halinghing niya, habang sinusubukang huminga. Ramdam niya ang init ng luha na bumabagsak sa kanyang pisngi.
Hinawakan siya ni Arro at pilit na pinapakalma, ngunit ramdam ni Cecilia na parang wala siyang karapatan, parang wala siyang hawak sa kahit anong nangyayari. "Arro... hindi ko... hindi ko matanggap... hindi puwede..."
"Hush... Cecilia, nandito lang ako," mahina niyang bulong habang hawak ang kanyang kamay. "Hindi mo kasalanan... hindi mo kontrolado ito..."
May bata na pala sa tiyan ko na hindi ko alam? Paano nangyari iyon? Bakit hindi ko nalaman? Bakit hindi ko ito naalagaan? Sa dami ng nangyari sa akin at sa mga desisyon ko sa buhay, pati ang walang muwang na sanggol ay nadamay pa.
Nang makalabas kami ng ospital, halos walang imik kang maririnig sa loob ng kotse. Ramdam ko pa rin ang malalim na iniisip ni Arro at ang panaka-nakang tingin nito sa akin.
Hindi ko pa ito nakakausap nang masinsinan dahil ayokong pagmulan ito ng aming away. Kilala ko siya, hahantong na naman ito sa pagtatalo at mapipilitan na naman akong sumunod dito.
Si Arro lang ang naging lalaki sa buhay ko, wala nang iba pa. Noong tumakas ako mula sa kaniya, gusto ko itong kalimutan at alisin ang mga madilim na alaala ko rito. Ngunit dumating naman ang aking mga anak, hindi ko rin maiwasan na maisip siya dahil dala-dala ko naman ang mga anak nito. Hindi rin maitatanggi na kamukha nito ang kambal. Kaya't gusto ko man siyang kalimutan ay hindi ko magawa.
Hindi ko lang naisip na muli pang magtatagpo ang aming landas. Ano pa ba ang aasahan ko? Isa itong Azano. Hindi ko ito matatakasan kahit ano pang gawin ko. Pero masaya ako na nakilala ko siya, kung hindi dahil sa kaniya wala sana si Cupid at Angel. Silang dalawa ang buhay ko, pati na ang anghel na sana ay makakasama ko.
"How are you feeling?" binasag nito ang katahimikan sa loob ng kotse. Nakatingin ito sa akin ngunit wala pa ring emosyon ang mga mata nito. Naiiyak na naman ako. Wala ba itong pakialam sa nangyari? Hindi ba nito naisip na nawala ang bata sa tiyan ko at siya ang ama? Ganito na ba siya kamakasarili, sarili na lang ang iniisip? Muli na namang nangilid ang aking mga luha sa isiping iyon. Ang tanga ko talaga kung bakit umaasa pa akong may mabubuo kaming maayos na pamilya. Kung ang tadhana na mismo ang gumagawa ng senyales na hindi talaga kami para sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
AZANO: Abductus
General FictionI am Arro Azano. And no one can stop me from doing anything.. especially.. Abducting her The first series of AZANO
