"You know when I'm playing, right? I always keep the lust alive."
Tila nanginig ang bawat himaymay ng aking katawan. Kusang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata, at ang basong hawak ko ay nadulas mula sa nanginginig kong mga kamay.
Pilit mang tanggihan ng aking isip na magagawa ni Arro ang ganoong bagay, at kahit ipilit ng puso kong mahal niya ako at imposibleng saktan niya ako, hindi ako tanga. Hindi ako manhid para hindi maintindihan ang mga narinig ko.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig upang magising sa katotohanan. Kahit masakit at hindi katanggap-tanggap, unti-unti itong pumapasok sa aking sistema—ang kamalian na aking ginawa.
Bakit nga ba ako umibig sa kanya?
Bakit ko hinayaan ang puso kong magdesisyon at magpaubaya? Kahit alam kong mali, kahit alam kong masasaktan ako sa bandang huli, sinubukan ko pa rin. At eto ako ngayon—luhaan, durog-durog, sa maling akala na mahal niya ako at hindi niya ako sasaktan.
Kung iisipin, mula pa lang sa simula ay sinaktan na niya ako. Siguro bulag lang ako, hindi ko nakita na kaya niya akong saktan nang higit pa. Kailanman, hindi niya ako minahal. Isa lang akong laruan na pinagkakainteresan niya ngayon, at kapag nagsawa, itatapon na lang kung saan.
Pinilit kong pulutin ang mga bubog sa sahig mula sa basong nahulog. Halos hindi ko na maramdaman ang matutulis na pagdaplis sa aking kamay. Basta't pinulot ko ito, para malinisan.
Katulad ng kamay kong nababahiran ng dugo, ganoon din ang puso kong sugatan—parang libong bubog ang sabay-sabay na bumabaon dito.
Nasaktan ako. Umasa ako na mahal niya ako. Dahil ako? Mahal na mahal ko siya. Sinaktan man niya ako, nilayo man niya ako sa aking pamilya, mahal ko pa rin siya. Tinanggap ko siya ng buong puso, pinatawad sa lahat ng kanyang nagawa. Kahit pinaramdam niya sa akin kung gaano ako kababa at kawalang kwenta, pinatawad ko pa rin siya. Minahal ko siya kahit ano pa siya.
Pero ngayon, unti-unting naglalaho ang mga pag-asa ko para sa kanya. Pag-asang mamahalin niya ako. Pag-asang hindi niya ako sasaktan. Pag-asang magiging maligaya ako sa piling niya. Ngayon ko lang napagtanto—mali ako. Umibig ako sa isang taong ang alam lang ay saktan ako.
Tumayo ako, bitbit ang mga bubog sa aking kamay. Wala na akong maramdaman kahit tumutusok at humihiwa na ito sa aking palad. Mas masakit pa ang nangyayari sa puso't isipan ko.
"Fuck! She's bleeding, Arro." Narinig ko ang kaibigan niyang nagsalita nang mapadaan ako. Ngunit wala ni anino man si Arro na sumunod, kahit man lang sana tignan ang kalagayan ko.
Dumiretso ako sa basurahan, saka pumunta sa lababo upang linisin ang sugat sa aking kamay.
Ako lang pala ang umiibig sa aming dalawa. Parte lang pala ng laro niya ang magsabi ng "mahal kita, Cecilia." Pinaniwalaan ko iyon, akala ko totoo. Hindi ko napansin na niloloko lang pala niya ako. Ako ang napiling biktima. Ako ang nagpauto. Ako ang nahulog sa pain niya.
Kita ko ang pagdaloy ng dugo na nahahalo sa tubig. Kailan ko ito kakayanin? Kailan matatapos? Masaya ba siya sa nangyayari sa akin? O kulang pa? Ano na ang mangyayari sa akin?
Walang tigil ang pagpatid ng aking mga luha—parang ilang araw itong naipon at ngayon ko lang naibuhos.
Narinig ko ang pagsara ng pinto. Akala ko umalis na si Arro, kaya nagtungo ako sa dati kong kwarto—kwarto ng pasakit.
Ngunit ilang hakbang pa lang, naabutan ko siya sa sala. Pinigilan ko ang aking paghikbi. Lumukob sa akin ang takot. Alam kong narinig niya na narinig ko ang lahat. Baka saktan niya ako. Baka pilitin niya akong muli. Ayoko na.
Nagmadali ako sa paglakad patungo sa kwarto ng kapaitan. Dali-dali kong ni-lock ang pinto bago niya ako maabutan. Pinunasan ko ang luha, kinalma ang sarili. Huminga nang malalim, pinasadahan ng tingin ang malawak na kwarto. Dumiretso ako sa kama at umupo sa dulo nito.
Hindi na ako maaaring matulog sa kwarto ni Arro. Bumalik ako rito, sa kamang may kadena sa bawat dulo. Pangamba ang bumalot sa akin—baka ikadena na niya ako nang tuluyan.
Narinig ko ang malakas na kalampag sa pinto, kasabay ng sigaw mula sa labas.
"Open this door, Cecilia!" Patuloy ang kalabog. Ngunit hindi ako gumalaw. Nanatili akong nakaupo. Wala na akong pakialam kung magalit siya. Dapat pa nga'y ako ang magalit dahil sa panloloko niya.
Hindi na ako nagtaka nang biglang bumukas ang pinto. Galit na Arro ang bumungad. Nilabanan ko ang kanyang tingin. Gusto ko siyang murahin, saktan, ngunit pinigilan ko ang sarili.
"You heard us, right?" Hindi ako nagsalita. Nanatili ang matalim kong titig.
"Answer me, Cecilia!" Ngunit hindi ako nagpatinag. Wala siyang karapatan na sigawan ako. Siya ang may kasalanan.
Napahilot siya ng sintido. Kita ko ang pag-uugat ng kanyang mga braso, tanda ng pagpipigil sa galit. Ngunit malakas ang loob ko ngayon. Ako ang inagrabyado. Ako ang nasasaktan.
"You won't answer me, fucking bitch?!" Lumapit siya, agad akong tinulak sa kama. Dinaganan niya ako, ramdam ko ang bigat niya. Pinilit ko siyang itulak, ngunit malakas siya.
Galit ang bumalot sa akin. "Tangina mo, Arro! Bitawan mo ako!!" Pumalag ako, ngunit hindi niya ako hinayaan. Tumawa pa siya bago nagsalita.
"So, narinig mo pala kami?" Nakakairita ang klase ng tawa niya. Parang natuwa pa siya na nalaman kong niloloko niya ako.
Nag-umapaw ang galit ko. Hindi biro ang pinagdaanan ko, at pagtatawanan lang niya? Lahat ng lakas ko'y inipon ko upang itulak siya.
Napahandusay siya sa sahig. Gulat na tumingin, saka ngumisi. "You're mad." Lumapit ako, sinampal siya. Nasasalag niya, kaya paulit-ulit ko itong ginawa hanggang mapagod ako.
"Are you done?" Tumayo siya na parang walang nangyari.
"Napakawalang hiya mo! Pinaglaruan mo lang pala ako! Ano bang kasalanan ko sa'yo?!" Dinuro-duro ko siya, luha'y muling bumuhos. "Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa akin? Kulang pa ba? Ano pang gusto mo, Arro?! Ang mawasak ang buong pagkatao ko dahil sa'yo?!
Naniwala ako sa'yo! Naniwala akong mahal mo ako! Binigay ko ang lahat! Pinatawad kita! Umasa ako dahil pinaniwala mo ako! Lahat pala ng pinakita mo ay kasama lang sa plano mo! Dapat pala pinatay mo na lang ako—dahil mas masakit ang ginawa mo sa puso ko! Akala ko totoo ka! Nagkamali lang pala ako!" Pinagbabayo ko ang kanyang dibdib sa galit.
"Sana wala nang magmahal sa isang kagaya mo! Wala kang kwenta! Hindi ka karapat-dapat mahalin! At nagsisisi ako na minahal ang isang tulad mo!" Lumayo ako nang hawakan niya ang pulso ko. Tumawa siya ng mapait, tumingin sa akin.
"Gusto mong malaman ang kasalanan mo, ha?!" Sa ilang buwan naming magkasama, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ang mata niya'y nagbabaga, tila handang pumatay.
"Oo! Gusto kong malaman kung bakit mo ito ginagawa sa akin! Kung bakit mo ako pinaglalaruan!"
"Because your father killed my wife!"
BINABASA MO ANG
AZANO: Abductus
General FictionI am Arro Azano. And no one can stop me from doing anything.. especially.. Abducting her The first series of AZANO
