Note: This story contains intense violence and explicit sexual content. Young readers, please be aware of your limits. If you are uncomfortable with the genre, consider removing this story from your library.
"Makalaya?" Tumingin si Arro sa akin ng sarkastiko, parang ang salita ko'y isang biro, isang kahibangan sa kanyang paningin.
Punong-puno ng luha ang aking mga mata, patuloy ang agos nito.
"Oo, Arro! Gusto kong makalaya mula sa'yo! Kaya, parang awa mo na... Ayoko na... Itigil mo na ito!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya, ibinuhos ko lahat ng galit at hinanakit ko rito.
"Pakawalan mo na ako..." Tinignan ko ang itim na itim niyang mga mata—mata na lagi kong kinatatakutan, mata na puno ng takot at bagsik. Ngayon, ang mata niyang dati'y puno ng sakit at lungkot... ay punong-puno ng galit.
"Yun ang gusto mo?" Tinitigan niya ang aking mga mata, punong-puno ng luha.
"But I don't want to, Cecilia."
Ang galit ko ay sumabog. Isang malakas na sampal ang aking ginawad kay Arro. Gulat siyang napatingin sa akin, ang aking palad nagbakat sa kanyang makinis na pisngi. Ang dati'y lungkot at sakit na mata niya, ngayo'y napalitan ng bagsik at galit.
"Remember, Cecilia. This is your choice, not mine." Lumapit siya at sinabunutan ang buhok ko. Napaaray ako; tila mababali ang leeg ko sa pwersa niya.
Humigpit ang kapit ko sa kanyang braso, sinusubukang pigilan ang kanyang pag-uusig.
Napahagulgol ako ng mapait. "Pagkakataon, Arro? Anong pagkakataon ang binigay mo sa akin?! Na papiliin ako? Na kung kapakanan ba ng pamilya ko o ang sarili ko?!" Tumawa ako habang tulo-tuloy ang aking mga luha. "Yun ba ang pagkakataon na binigay mo?!!"
Walang ibang maririnig kundi ang alingawngaw ng aking pag-iyak.
Pinunasan ko ang mga luha gamit ang palad ko, pinapanood ni Arro ang bawat kilos ko. Nakakuyom ang kanyang mga kamao, nagtatagis ang kanyang mga panga.
"Arro, lahat ng sakit at hirap ay tiniis ko! Lahat ng pambababoy ay kinaya ko! At alam mo ang masakit? Na hindi ko alam kung bakit mo ako ginaganito!"
Oo, ilang linggo pa lang ako sakanya, pero ang mga pagdurusa at sakit na naranasan ko ay parang ilang taon ng paghihirap. Pinagkait niya ang aking karapatan at kalayaan bilang babae—at bilang tao man lang.
"You're right, Cecilia. That's the choice I've given you. You know why?" Nilapit niya ang palad sa aking mukha upang punasan ang mga luhang patuloy na umaagos. "Dahil yun lang ang paraan ko para manatili ka sa akin." Lumamlam ang mata niya—parang isang anghel na nagmamakaawa na manatili ang babaeng mahal niya.
Umiwas ako sa tingin niya, piniksi ang palad niyang nakadikit sa pisngi ko. Hindi ako maaawa sa isang taong tulad niya.
Nasa realidad tayo. Ako ang api at inabuso. Ako ang nasaktan at nagdusa, samantalang siya ang umabuso at nanakit. Isa siyang makasariling tao!
"Manatili, Arro? Yan ba ang paraan mo para mapanatili ako sayo? Ang saktan at pahirapan ako? Ang ikulong at ilayo sa pamilya ko?!" Kinuyom ko ang mga kamao ko, ang galit at pagkamuhi ko'y sumabog.
Inisip ko ang lahat ng nangyari—ang bawat oras na pinahirapan niya ako, hindi para alamin ang kalagayan ko kundi bilang pantawid ng sariling laman at poot.
"Because that's your choice! Kaya't simula nang pumili ka, wala ka nang gagawin kundi sundin ako. And don't try to defy me. Dahil hindi mo magugustuhan ang mangyayari."
Bawat bigkas niya ay may diin, nag-uutos ng pagsunod, na alam mo sa sarili mo kung ano ang masamang maaaring mangyari.
Pagod na ako—pagod na ako kay Arro at sa lahat. Ang utak ko'y iisa lang: makatakas. Dahil isa siyang halimaw, walang kwentang tao, sakim at makasarili.
Ano na lang ang mararanasan ko kung mananatili pa ako sakanya? Alam ko.
Gamit ang gunting na hawak ko, itinusok ko sa kanya.
Napasigaw siya. Ito ang kinuha kong pagkakataon para makatakbo. Nakita ko ang dugo sa kanyang braso, kaya mas pinabilis ko ang aking pagtakbo.
"You'll pay for this, Cecilia!" Narinig ko ang dagundong ng kanyang sapatos. Tumakbo rin siya, hinahabol ako. Kaya't mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo.
Nanlamig ang aking pakiramdam habang hubo't hubad, nakasalampak sa malamig na sahig. Nakatali sa bakal, hindi makasigaw dahil sa duct tape sa bibig.
Halos nakaiyak lang ako, nanghihina sa sahig, tila wala nang pag-asa. Ang bawat minuto'y naghihintay lang kung kailan ako mapaparusahan.
Pumasok si Arro sa silid, hawak ang lubid at latigo. Napadako ako, halos mailigaw sa sakit.
"You forget my first and last rule, Cecilia. So it's time for your punishment."
Hinataw niya ang latigo sa aking likod. "Aghhh!!" Napasigaw ako, halos mapunit at magdugo ang aking mga labi.
"Just say you'll never leave me, Cecilia. Then I'll stop your agony."
Bawat hampas ng latigo ay parang walang katapusan. Ang init at sakit sa bawat kalamnan, bawat hibla ng balat. Ngunit sa kabila ng lahat... nanatili akong matibay.
Hindi ako papayag sa kanyang pagmamakaawa. Hindi ako tanga o martir para makasama siya sa impyernong nilikha niya.
Mananatili ang aking pag-asa. Maubusan man ako ng dugo, hindi mawawala ang pagnanais kong makalaya.
Isang hampas pa at halos mawalan ako ng ulirat. Ngunit kahit paulit-ulit ang latigo, kahit paulit-ulit ang pahirap, nanatili akong matibay.
"Just say it, Cecilia."
Mahapdi, masakit, walang salita ang makapagsasalarawan ng aking nararamdaman. Tagos sa bawat balat, halos pula na ang sahig sa sariwang dugo.
"I'll stop this... just say it, Cecilia... Please... say that you'll never leave me again..."
Ang boses niya ay mapang-akit, ngunit ang puso ko ay nakatuon sa isang bagay lang—makalaya.
BINABASA MO ANG
AZANO: Abductus
General FictionI am Arro Azano. And no one can stop me from doing anything.. especially.. Abducting her The first series of AZANO
