Tila naghahabulang mga kabayo ang tibok ng aking puso—mabilis, marahas, at halos bumibigay. Pakiramdam ko'y anumang oras ay maaari itong matanggal dahil sa sobrang bilis ng kabog.
Katatapos ko lamang kumain at alam kong anumang sandali ay maaaring pumasok na si Arro rito. At natatakot ako. Dahil kahit baligtarin pa ang mundo, hindi pa rin ako handa sa kung anuman ang mangyayari.
Isang pangyayaring alam kong hinding-hindi ko kailanman malilimutan sa buong buhay ko. Isang pangyayaring alam kong pagsisisihan ko sa bandang huli. Ngunit mas mabigat ang pagmamahal ko sa aking pamilya kaysa sa sarili ko. Sila ang aking buhay at lakas. Kaya't kung sila ang mapapahamak, mas nanaisin ko na lamang na hindi na mabuhay pa.
Mas maayos na sigurong ako na lang ang masaktan... at mababoy. Mas tatanggapin pa iyon ng aking puso kaysa makita ko ang aking pamilya na nagdurusa dahil sa kamalian ko.
Paano kaya kung hindi ko nakita si Sir Aston sa simbahan? Nandito pa rin kaya ako sa kinalalagyan ko ngayon? Mararanasan ko pa kaya ang hirap at sakit na ito? Magtatagpo pa kaya ang landas namin ni Arro?
Kung sana... kung sana'y hindi ako pumayag na pumasok sa buhay ng mga Azano. Kung hindi lang kami nagkita ni Arro, tiyak kong hindi mangyayari ang nararanasan ko ngayon. Hindi sana naging ganito kahirap ang aking sitwasyon. Kung naiba lamang ang pagkakataon—mas maayos sana ang lahat.
Narinig ko ang kalansing ng susi.
Si Arro iyon.
Alam kong siya iyon.
Biglang bumaha ng iba't ibang sensasyon sa aking katawan—takot, galit, inis, at matinding pangamba.
Agad kong itinaas ang kumot na nagtatakip sa itaas na bahagi ng aking katawan at binalot iyon hanggang sa aking ulo. Mata ko na lamang ang nakasilip, at nanginginig na rin ang aking mga labi sa kung ano mang mangyayari.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng takot sa buong buhay ko—maliban sa aksidenteng sinapit ni Itay. Alam kong anumang oras ay may mawawala sa aking pagkatao. Hindi ako bobita upang hindi maunawaan ang nais na gawin ni Arro sa akin. Kaya't lubos akong natatakot, dahil labag ito sa aking kalooban.
Sumungaw ang pinto at muling sumalubong sa akin ang amoy ng panlalaking pabango ni Arro. Nagkasalubong ang aming mga mata. Ang kanyang itim na itim na mga mata ay punô ng pagnanasa—nag-aalab at tila nag-aapoy.
Lumapit siya sa aking paanan at kinalas ang kadena sa aking paa.
Ano nga ba ang plano ko?
Ang plano ko ay tumakas. At iyon ang gagawin ko.
Kapag nakahanap ako ng tiyempo habang inaalis niya ang kadena, bubuwelo ako at itutusok sa kanya ang bakal na tinidor na hawak-hawak ko, nakatago sa ilalim ng kumot.
Habang minamasdan ko ang bawat galaw niya—ang pag-igting ng kanyang mga muscle, ang pagtulo ng butil-butil na tubig mula sa kanyang leeg pababa sa likod, ang panga niyang tila perpektong inukit—bigla siyang tumingin sa akin.
Seryoso. Walang ngiti.
"Try to escape, Cecilia. And you know what I'll do."
Unti-unting lumuwag ang kapit ko sa tinidor sa ilalim ng kumot. Alam kong ang pamilya ko ang tinutukoy niya. Napayuko na lamang ako habang unti-unting tumutulo ang aking mga luha.
Wala na.
Wala na talaga akong kawala.
Nakalimutan kong pumayag pala akong gawin ang lahat ng gusto niya. At kung nais kong manatiling ligtas ang pamilya ko, kailangan kong sundin siya.
Ngumiti ako nang mapait.
Para sa pamilya ko—kailangan kong tatagan.
Matapos niyang kalagin ang kadena, lumapit siya sa aking harapan at unti-unting hinila pababa ang kumot na nagsisilbing panangga sa aking katawan. Kita ko ang malaswang pagtitig niya sa aking dibdib.
BINABASA MO ANG
AZANO: Abductus
Ficción GeneralI am Arro Azano. And no one can stop me from doing anything.. especially.. Abducting her The first series of AZANO
