Prologue

12.8K 179 33
                                    

“Mine!”

Takbo rito…Takbo roon…

“Mine! Mine! Mine!”

*PRRRRRRRRRRRRRRRT*

Napatingin kaming lahat kay coach Vicedo, ang naghahandle ng varsity volleyball.

“Sir bakit?”

“Practice is over. Pwede na kayong makauwi. May emergency meeting ang teachers.” 

Aw, pagkasinusuwerte ka nga naman oh. Ayos! Lahat kami tuwang tuwa at dumiretso na sa locker room at naligo na. 

“Oh Andy, uuwi ka na agad? Daan ka muna kina Che, may party eh.”

“Party? Eh araw araw na yatang may party kina Che eh. Saka, marami pa akong gagawin. Saka nalang.”

“Oh sige. Ingat sa pag-uwi.”

Lumabas na ako sa locker room, at syempre, mabango na ulit. Pagkababa ko eh dumiretso ako sa classroom kasi doon ko pa imemeet yung barkada ko. Sabay sabay kasi kaming umuuwi. Pagdating ko sa classroom eh laking gulat ko na nakikipagtalo na naman si Cheeky kay Kit, ang aming sc president.

“HOY! Mr. Kit! Hindi porket SC president ka eh pwede ka nang manlait ng mga baklang katulad ko. I may be gay! But I’m a proud gay!”

Hay, naku, si Cheeky talaga. Oo nga pala, Chester ang tunay na pangalan ni Cheeky. Nakilala ko yan nung 1st year high school pa lang ako. Aba, kakaiba pa yung approach niya sa akin, biruin niyo, makikipagkilala nalang yan eh bibigyan ka pa ng pasa. Sabi niya, remembrance daw. Hmf. Yan nga rin pala ang may kasalanan kung bakit ako natuto ng gay language tulad ng mga ang chaka chaka o kaya mga kung ano pang kaekekan. Basta, nakakatuwa nga eh.

“Oh Cheeky, tama na. Nag-uusok na naman yang ilong mo oh.”

Yan naman si Cheska. Ang kakambal ni Cheeky. Magkabaliktad sila ng ugali ni cheeky, dahil siya sobrang tahimik saka ayaw sa gulo. May pagkawar-freak din kasi ang kambal niyan eh.

“Oo nga naman Cheeky, tama na.”

Ayan si Marla. Mabait yan, elegante. Kaya nga yan nagustuhan ni Stephen eh, yung isa ko pang kabarkada. 

“Huy Cheeky ano ba…”

At syempre, ang kukumpleto ng barkada namin, si Vince. Sa mga kabarkada ko, siya na ang pinakaclose ko. Kilala ko kasi yan mula pa nung bata ako eh. Pareho kaming laking France at pareho ding lumipat dito nung magsimula kaming mag-aral. Magkaibigan kasi yung pamilya namin eh. As in close talaga.

“Oi Kayo, tara na nga…”

Lumingon naman sila sa akin at parang gulat pero ngumiti rin.

“Cheeky ah…tama na yan.”

“Hmf! Pasalamat ka Mr. Kit at dumating ang friend ko kung di, hmf!”

Yung Kit naman na sinasabi ni Cheeky eh yung student council president-slash-habulin-slash-soon-to-be-valedictorian (obvious kasi) na kabatch namin. Okay sana siya eh, kaso parang ang laki ng grudge niya sa mga bakla. Ewan ko ba diyan, wala naman ginagawa si Cheeky diyan.

Gaya nga ng sabi ko kanina, sabay sabay na kaming umuwi. Pinakamalapit sa school namin si Stephen kaya siya pinakaunang nadaanan. Naglalakad lang kami kasi hindi rin naman ganoon kalayuan ang mga bahay namin. Walking distance lang talaga.

Sumunod kay Stephen si Cheeky at si Cheska at syempre pagtapos nun si Marla na. Usually talaga kami lang ni Vince ang natitira kapag umuuwi. Paano, magkatapat ang bahay namin eh kaya nga swerte ko at naging kaibigan ko yan eh, kasi parati akong may kasama umuwi hanggang bahay.

Pagdating ko naman sa bahay kumiss lang ako sa mama ko at syempre umakyat na sa kwarto. Grabe, nakakapagod din kasi tong araw na ito eh. Buti nga at tapos na yung exams namin. Oo nga pala, 3rd week of August ngayon at next week na yung foundation week namin, tiyak busy na naman kaming lahat niyan.

“Cass! Andy! Bumaba na kayo diyan at andito na ang tita Edna niyo!”

Hay, si mama talaga, ang taas taas ng energy. Grabe, tinatamad akong bumaba, bakit? Kasi ang gagawin lang naman ni tita Edna pag nakita ako eh makikipagbeso beso at papupulahin ang pisngi ko sa kakakurot. Ewan ko ba, biniyayaan ako ng Diyos ng ka-cute-an kaya ayan, minsan nagdudusa ako.

“CASSIOPEIA QUELLISHA! ANDROMEDA YZOBBELLE!”

Hala patay na, buo na yung pangalan. Tumayo na ako at bumaba. Ayoko ngang mahabol ng walis no. Pagkababa ko naman, nakasalubon ko ang aking evil sister at ayun, inerapan niya ako. Hmf, ang arte niya.

Pagpunta ko sa sala namin eh may biglang balyena---este mataba---este babaeng yumakap sa akin. Napausog pa nga ako eh, akala ko katapusan ko na. Joke lang.

“Andy! Ang laki laki mo na oh! Nung dati kong punta dito eh ang liit liit mo pa at wala ka pang dibdib!”

Tama bang ipagkalantaran ang pagiging flat chested ko dati?! Hmf, sabagay, bata pa ako nun eh. Ano bang magagawa ko?!

“Edna…wag mong hiyain yung bata…”

“Hanggang ngayon naman eh wala parin.”

Aba, mukhang naghahanap ng away to ah. Hmf, bahala nga siya. Teka nga…aray…hindi ako makahinga.

“Tita…hi-hi-hindi ako maka-hi-hi-hinga…”

Humiwalay naman siya kaagad at tumawa. Umupo ako dun sa kabilang sofa sa tabi ni Mama at si tita Edna naman sa tabi ni Ate. Ayoko ngang makatabi si ate no mamaya kung anong pinaplano niyan at umikli ang buhay ko.

“Asan na ba si Herc at bakit ang tagal ng inumin natin?”

Napangisi ako dun sa pangalan ng kapatid ko. Herc. Short for Hercules. I know, ang weweird ng pangalan namin. Ewan ko, may pagkaaddict kasi nanay ko sa mga constellation eh. Ang hilig niya dun sobra kaya ayan tuloy, kaming magkakapatid ay may napakaweird na mga pangalan. Isipin niyo ba naman, sinong matinong nanay ang magpapangalan sa mga anak niya ng Cassiopeia Quellisha, Andromeda Yzobbelle at Hercules Rexidor?! Diba? Ang nakakainis pa dun, halatang sariling imbento lang nila yung mga second name namin. At ang sisisihin naman para diyan eh ang daddy ko na napakawide ng imagination. Writer-slash-Psychologist kasi kaya magaling mag-isip ng kakaibang pangalan.

“Andy, puntahan mo na nga yung kapatid mo at baka hirap na hirap na yung sa pagdadala.”

“Huh? Bakit ako? Bakit hindi nalang si ate?”

Tumingin sa akin ng masama yung ate ko at yun, inerapan na naman ako. Aba, nakakadalawa na siya ah.

“Bakit mo pinapasa sa akin yan eh sa iyo inutos??”

“EH bakit ang arte arte mo?”

Totoo naman eh, ganyan naman parati yan. Sobra kung mag-inarte lalo na kung inuutusan siya nina mama. Akala mo kung sino magsalita eh siya rin naman pinapasa sa akin o kaya kay Herc yung trabaho niya. Hay, kelan kaya kaming 3 magkakasundo?

“Tama na nga yan. Andy hindi ka ba susunod? Baka naman gusto mong walang cellphone at bawal lumabas next week?”

Gulp. 

“Susunod na po…”

At yun tumayo na ako at yung ate ko naman nagbelat sa akin. Hmf, nakakapangulo ng dugo talaga. Pagdating ko naman dun sa kusina namin eh andoon nga si Herc pero naglalaro siya ng gameboy niya. Kaya ayun, binatukan ko nga.

“Aray ate! Ano na naman ginawa ko sayo??”

“Hoy Herc, kanina ka pa hinihintay ni mama, asan na yung inumin?”

Nagkamot siya ng ulo tapos tinuro dun sa may lababo. Hay, hindi parin siya nagtitimpla?! Ano ba yan. Nagmagandang loob nalang ako at nagtimpla ng juice tapos nagpatulong na dalhin yun sa sala. Nagkukuwentuhan sina mama at si Ate Cass naman eh nagtetext na naman sa kung sino sino at syempre si Herc eh nag gagameboy. Teka, ano pa bang ginagawa ko dito eh wala naman may kelangan sa akin dito eh.

Nagpaalam na ako kay mama na umakyat at yun, pumayag naman. Pagdating ko sa taas eh ginawa ko na yung mga homework para next next week. Ayoko kasi maghabol kapag foundation week na namin eh. Panigurado naman na hindi ako makakaisip ng matino.

Tinapos ko yun lahat kaya medyo 11 narin ako nakatulog. 


100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon