chapter 25

3.4K 23 0
                                    

Nung mga natirang araw eh nagli-lo muna ako at hindi muna ako masyadong gumawa ng mga paraan para magkalapit lalo si Myka. Ewan ko rin sa sarili ko. Perfect opportunity yun pero hindi ko kinuha. Ano na bang problema sa akin?

Bumalik narin naman na ako sa bahay namin (ni Kit). Totoo nga yung sabi ni Kit nag-alala sa akin si manang. Paano eh nung pagkauwi ko eh biglang nagtatatalak ng kung anu-ano tapos ayaw pa akong bitawan. Grabe, isipin niyo ah, overnight lang ako nawala ganyan na kaagad siya. Paano pa kaya kung more than 1 week no?

“Andy…”

“Oh Myka, ikaw pala. Musta pala?”

“Ayos naman. Ikaw?”

“Heto, ayos rin naman.”

“Umm Andy, pwede akong humingi ng favor?”

“Sure, ano yun?” parang nagdalawang isip pa yata si Myka nung mga oras na iyon.

“Pwedeng kausapin mo na si Kit?”

Eh? Bakit ko naman gagawin yun? “HA? Ah eh, bakit naman?”

“Kahit naman hindi niya ipahalata eh, alam kong nalulungkot siya.”

“Ehh…”

“Kung inaalala mo yung ginawa niya sa akin, wala na yun. Nagsorry na siya sa akin. Nagulat nga ako kasi normally hindi niya yun ginagawa.”

Oh ayan naman pala Andy eh, anong problema? Di ba kaya mo naman siya hindi pinapansin eh para lang mag-sorry siya kay Myka. Since nagsorry na siya, bakit hindi ka pa magkipagbati? Anong problema?

“Umm…o sige. Pero----”

“Talaga?! Sorang thank you Andy!”

“Pero Myka----”

“Sige ha! Puntahan ko lang sina Kit at Omar. Hinihintay nila ako eh. Promise mo yun ha Andy!”

At pagtapos nun eh umalis na siya. “Pero…paano?”


*****



“Okay…para sa Student Body’s Choice ang nanalo ay…”

Yep, last day na ngayon at awarding narin para sa mga nangyari na activities. Ang galing nga eh, yung pinakamalaking kinita na group eh yung Play. Paano, sobrang mahal talaga nung entrance fee tapos maganda rin yung play na pinresent nila. 

“Walang iba kung di ang…Alice in Wonderland Maze!”

Hindi narin nakakagulat yun. Kasi kahit ako naman eh, yun rin yung binoto ko. Tuwang tuwa yung nag-organize nung maze. Syempre diba, mapili ba naman kayong favorite ng halos lahat ng studyante ng MPU hindi ka pa ba matuwa nun?

“Andy, tignan mo naman kung sino yung kasama nung nag-organize.”

Tumingin naman ako dun sa tinuro ni Cheeky. Si Kit. “So?”

“Aba! Anong so ka diyan? Loka! Akala ko ba makikipagbati ka na?!”

“Oo nga.”

“Hay naku Andy, hindi kita maintindihan. Bahala ka nga.”

Sa totoo lang kasi niyan, hindi ako makatiyempo ng oras. Kung meron man, hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nag-eend up ako na parang tumatakbo o kaya naman umiiwas. Hay, ano kayang mangyayari sa akin nito?

Natapos naman na yung awarding. Swerte nga ng group namin kasi kami yung 2nd dun sa Studen’t body’s choice. Hindi nila masyadong pinili yung Haunted House kasi mukhang nasobrahan yata sila sa pananakot kaya imbis na maenjoy nila eh natakot sila.

“Andy! Makikigulo kami sa bahay niyo ngayon ah?”

“Eh? Wag na! Ano ba naman kayo, mahihirapan lang si manang niyan maglinis.”

“Sus, hindi yan! Saka, mukhang hindi lang naman kami ang may planong makigulo eh…tignan mo yun oh…” sinundan ko naman yung pagkakaturo ni Marla tapos nakita ko na naglalakad sina Kit, Omar at Myka na magkakasama. 

“Oh sige na nga. Pero wag kayong masyado magulo ha?”

Tumango naman sila at ano pa nga bang magagawa ko? 

Pag-uwi namin sa bahay eh nagpakilala muna sila Cheeky kay Myka. Si Omar pa lang kasi yung kilala nila eh kaya ayun. Si Kit naman…well, yung normal parin na Kit na masungit kay Cheeky saka tahimik. 

“EHEM! EHEM! EHEM!” 

“Mukhang may ubo ka Cheeky ah, gusto mo ng strepsils?”

“*smacks her forehead* Alam mo Andy, hindi ko alam kung tanga, nagpapakatanga o nagtatanga tangahan ka.”

Nyay. Ano na naman nagawa ko?

“Makipagbati na kasi! Pinapatagal pa eh.” 

Ow, yun pala gusto nila. Asus, hindi naman kasi nila ako diretsuhin. Tumingin naman ako kay Kit tapos nakita kong nakatingin rin siya. Napangiti naman ako. Actually, napa-grin ako. “Hindi ako magsosorry sa iyo kung yun ang iniisip mo.”

Nagulat pa nga sa akin sina Cheeky kasi nga diba, ang alam nila eh makikipagbati ako. Pero hey, hindi nila alam ang way ko ng pakikipagbati diyan kay Kit. 

“Bakit, may sinabi ba ako na magsorry ka?” at yep, bati na nga kami.

Akala namna nung mga kasama namin eh nag-aaway parin kami pero syempre, sabi ko eh wag nalang nilang isipin yun. 

Nung mga 7 na eh biglang dumating yung mom ni Kit. Nagulat nga kami eh pero syempre, binati naman namin. Natuwa pa nga siya kay Cheeky eh, ewan ko ba, baliktad talaga si Kit at ang nanay niya.

“Ma, bakit po ba kayo nagpunta rito?” walang hiyang lalaki yan, pati sa nanay niya eh masungit parin.

“Well isa lang naman ang pinunta ko rito eh. Plano ko kasi na sabihin sa inyo ni Andy na yung daddy mo eh binigyan ng offer na magstay for 4 days sa Subic. Since wala naman kaming gagawin dun eh naisip nalang namin na ibigay sa inyo.”

Wow naman! Sosyal nun ah! Sa Subic? Eh diba lahat ng bahay dun eh centralized? Astig!

“Kung gusto niyo since medyo marami rin naman yung room doon, isama niyo na yung mga kabarkada niyo..”

“You know Tita? Savior ka! Kasi matagal na kaming nagmumukmok nitong lovable twin sister ko na baka sa bahay lang kami buong sem break!” aba! At close na kaagad nito si tita Kris. Bigla ba namang yumakap eh. sosyal talaga to, iba ang hatak ah.

“Eh di mas magaling! Oh siya, mukhang kelangan ko na umalis. Have fun nalang ha? Bye!” at pagtapos nun eh umalis na siya. Tumaas naman energy nina Cheeky at excited na raw sila. Syempre, sina Myka rin eh tuwang tuwa. Wait…kasama si Myka so that means…YES!! Tuloy na ulit ang match making ko! Ayos!

Mga 8 na siguro nung umuwi silang lahat. Gusto ko pa ngang pilitin si Kit na ihatid si Myka eh kaso nga lang si Omar eh nagprisinta na maghatid. Akala ko ba kampi ko siya? Naku naman, minsan hindi siya nag-iisip.

“Hay! Sem break na!” grabe, ang saya ng feeling. Sem break namin tapos pupunta kaming Subic! YES! Ang saya nito! 

“Oh eh ano?” hindi pa pala siya umaakyat.

“Hindi naman ikaw kausap ko eh!”

And to my surprise, tumawa siya. Wow, ang weird niya ngayon ah. “Alam ko.”  

“HAyy! Kelan daw ba ang alis natin?”

“Sa Monday.”  

“Ganoon? Waa…2 days pa ang kelangan palipasin…”

“Mabilis lang yun. Mamimili pa tayo ng pagkain at ng gamit no.”  

Ay oo nga pala no? Hmm, ano kaya? Tama, bibili ako ng bagong bathing suit. Hay, wish ko lang sana na kasama dun si Sasha…pero…ayos narin yun! Kung kasama naman siya eh baka manigas lang ako at hindi ko maenjoy.

“Bukas tayo mamimili kaya gumising ka ng maaga. Wag mong isipin na ako pang manggigising sa iyo.”  At pagtapos nun eh umalis na siya. Hmf! At sino naman nagsabi na gisingin niya ako aber?! Wala naman akong sinasabi ah! 























Hayy…ano kayang mangyayari sa amin niyan?

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon