chapter 61

3K 22 0
                                    

okay konting explanation lang..itong next chapter po eh parang tinatalakay yung past ng barkada nina Andy at kung kanino siya nagstart...sorry po kung medyo short lang siya

anyways..ito na..

-----------------------------------------------------------------------------------

“Anong ginagawa natin dito?” sabi ko sa kanila pero mukhang wala pa yata silang balak na pansinin ako. 

Naglakad lang sila nun hanggang sa makarating sila dun sa may parang upuan sa dulo. Ako naman eh tinignan ko lang sila. Wala ba silang balak na magexplain? 

“naaalala ko pa ito. Grabe, tagal din nating hindi nagpunta dito no?”

“Oo nga eh, akala ko pa noon eh puno lang ng bad memories itong place na ito. Hindi pala…”

Ngumiti ako sa kanila tapos lumapit at umupo narin. Ang daming memories dito ng barkada namin. Dito nagstart ang barkada namin. Sa munting playground na ito.

“Naaalala ko pa nun, kami palang talaga ni Andy nun yung magbest friend, tapos nakilala namin si Stephen…”

Oo nga, naalala ko narin…

Flashback…

Mga grade 1 siguro kami nun. Hindi pa kami sanay ni Vince sa environment dito sa Pilipinas. Kakalipat palang kasi namin eh kaya ayun, medyo hirap kaming mag-adjust. Nung mga time na yon, talagang wala kaming kinakausap na ibang kaklase namin maliban lang sa isa’t isa. And take note, french pa language namin nun.

“Vince, je n'aime pas cet endroit. C'est si sale et les odeurs de personnes comme le détritus (Vince, I don’t like this place. It's so dirty and the people smells like trash).”

Oo, pasaway na bata ako nun. Medyo may pagkamaldita kasi ako nun. 

“Ne pas dire cet Andy. C'est moyen (Don’t say that Andy. That’s mean.)” at si Vince naman yung natural na mabait. 

Tahimik lang kaming nakaupo nun sa may swing nang biglang may bola na tumalbog sa harap namin. Muntikan pa nga akong tamaan nun kaya napasigaw ako. 

“Ay sorry! Natamaan ka ba?” isang napakadungis na bata ang lumapit sa amin nun. Nung hahawakan niya ako eh lumayo ako. Feeling ko kasi punung puno siya ng germs.

“Andy!”

“Mais il est si sale !  (But he’s so dirty!).”

“Ano raw sabi nila?” sabi niya nun sa kasama niyang bata na madungis rin.

“hindi ko alam eh! hindi naman ako marunong ng alien language!”

“Bobo! Hindi alien language yan!”

“Hindi ako bobo! Saka, paano mo naman malalaman na hindi? Nakarinig ka na ba?”

Mukhang napaisip siya dun sa tanong sa kanya nung kaibigan niya tapos nagkamot ng ulo.

“Basta alam ko hindi!” humarap naman siya sa amin nun tapos inabot yung kamay niya. “Ako pala si Stephen. Sorry kanina ah, muntik ka na matamaan ng bola. Para makabawi, makikipagkaibigan ako sa iyo.” 

Tinitigan ko lang nun yung kamay niya dahil puno ng putik at kung anu ano pang dumi. Napansin nga yata niya yun tapos bigla niyang pinunas sa polo niya. “Hehe!”

…End of Flashback

Grabe, hanggang ngayon eh natatawa parin ako kapag naiisip ko yun. Simula ng araw na iyon eh naging magkaibigan na kami ni Stephen nun. May mga time pa nga na nagselos si Vince kasi akala niya na mas best friend ko raw si Stephen, pero syempre, dahil bata pa kami nun eh nagkabati rin naman.

“Ang tagal na nun no? Pero parang kelan lang nangyari..”

Oo nga. Parang kelan lang eh nagsimula yung barkada namin. 

“Sino sumunod nun?”

“Ako. Heheh, grabe, sobrang alalang alala ko pa yun. First time kong makilala nun si Stephen. Crush ko nga siya nun eh kasi ang pilyo niya. Tapos nagalit pa ako kay Andy kasi akala ko may gusto sa kanya si Stephen.”

Tignan mo nga naman. Talagang kahit nung bata pa eh meant to be na sila. “Inaway mo nga ako nun eh. Tapos nagtaka pa ako sa iyo nun kasi hindi naman kita kilala. Kelan yun? Grade 4 yata or grade 3?”

Flashback…

Naglalaro kami nina Vince at Stephen nun sa playground. Weird ko rin nung bata no? imbis na barbie doll ang nilalaro ko eh nakikipaglaro ako sa mga lalaki at sa may putikan pa. 

“Taya!”

“Andy ang daya mo! Bawal yan! Bawal mo tayain gamit tsinelas yung kalaban mo!”

“Bleh! Inggit ka lang kasi hindi mo kaagad naisip yun!”

At syempre, dahil mga bata kami nun eh nagkakapaluan pa kami. Si Vince naman yung taga awat sa amin nun.

“Hoy tama na yan. Wag kayo mag-away!!” sabi niya tapos pumagitan sa amin. Tumigil rin naman kami nun tapos nagtawanan lang. “Kanina ko pa napapansin yung babaeng yun ah. Tingin siya ng tingin sa atin…”

Tumingin naman kami sa tinuro ni Vince tapos may nakitang babaeng nakadress na pink, slippers na pink, may bag na pink,  headband na pink at manika na hawak hawak.. Para siya yung barbie doll na hindi ko nakuha nung bata ako, except for the part na siya eh humihinga. 

Nilapitan ko siya tapos ningitian. Siya naman eh tinignan lang ako na para bang baliw ako.

“Hi! Gusto mo sumali sa amin?”

Tinignan niya lang ako tapos parang tumayo siya at hinimas himas yung buhok ng manika niya.

“Ayokong makipaglaro sa inyo! Madudungis kayo!”

Syempre naoffend ako nun. Ikaw ba namang masabihan na madungis eh diba?

“Bahala ka. Ikaw rin, masaya pa naman itong nilalaro namin.”

“Masaya? Eh panglalaking laro yan eh. siguro lalaki ka ano? Sabi ng mommy ko, ang mga lalaki lang ang naglalaro sa may putikan at ang mga babae eh barbie ang nilalaro.”

Nainis naman ako pero hindi nalang ako nagsalita. Iniwan ko nalang siya dun tapos maluha luha pa akong bumalik sa mga kaibigan ko. Yun ang first time na may umaway sa akin talaga ng wala akong ginagawa. 

…End of Flashback 

“Kami pala talagang last na sumali no?”

“Anong kayo? Ikaw lang. si Cheska eh matagal na namin nakilala. Mas matagal pa kesa sa iyo.”

Natawa lang naman sila nun. Grabe, iba rin pala talaga kami nun no? sobrang carefree pa talaga. 

“Narerealize mo ba Andy kung bakit namin ito ginagawa?”

Tumingin lang ako sa kanila tapos umiling. Yun nga rin pinagtataka ko eh. “Marami nang pinagdaanan ang barkada natin Andy. Corny man ito sa pandinig niyo pero totoo. Sa lungkot at ligaya, tayo na yung magkakasama. Diba nga, promise pa natin noon, walang iwanan?”

Tumango lang ako nun. “gusto lang namin iparating sa iyo Andy na kahit ano man yang problema mo, pwede mo naman siyang i-share sa amin eh.”

Napatingin lang ako. “Andy alam naming masakit ang pinagdadaanan mo ngayon. Pero wag mo naman kalimutan na andito parin kami parati para sa iyo. Hinding hindi ka namin iiwan sa ere.”

Naiyak naman ako nun tapos niyakap ko sila. “Saka ano ka ba Andy! SA dami ba naman nating problemang naovercome, sa tingin mo ito hindi? Asus!” sabi ni Cheeky sabay batok sa akin. Natawa lang ako nun.

Naggroup hug kami nun tapos next ko ng nalaman eh umiiyak na rin sina Marla at Cheska.

Siguro nga sa sobrang problema ko rin na nakalimutan kong may mga tao pa pala na hinding hindi ako iiwan kahit na anong mangyari. Mga taong kahit iwanan na ako ng buong mundo eh sila parin ang matitira diyan sa tabi ko. Mga kaibigan ko.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon