Natulala lang ako. Sa lahat naman ng pwedeng makasalubong sa mall, bakit siya pa?
Nagkatinginan lang kami nun. Hindi ko nga alam ang gagawin ko eh, papansinin ko ba siya o hindi? Kapag pinansin ko siya, baka naman isnabin niya ako. Hay, bahala na nga.
“Excuse me...” sabi ko lang tapos dumaan na ako. Umusog naman siya nun pero hindi man lang siya nagsasalita. Siguro nga…mas okay narin yun kahit papaano. Just ignore him.
Umikot pa ako nun para maghanap ng masarap na pagkain. Ang dami ko talagang nabili after nun. Wish ko lang kaya ko tong buhatin habang naghihintay kay Manong.
Pagtapos kong bayaran yung pinamili ko eh lumabas na ako ng supermarket. Syempre, ayoko nang makasalubong pa ulit si Kit no.
Tinext ko naman kaagad si Manong nun. Kaya lang..
Sender: Manong
Message:
Sori hija, hindi kta masusundo
Nagpahatd ang mama m sa
May makati.
Great. Paano ako uuwi nito ngayon?
Lumabas na ako ng mall tapos…
“You have got to be kidding me!”
*Tunog ng Kulog*
Eeek! Waaa, bakit naman sa lahat ng araw eh ngayon pa?! wag mong sabihin masastranded ako ngayon dito?! Hindi pwede!!!!
*Tunog ng Kulog*
Darn! Naman oh, bakit ba ayaw makisama sa akin ng panahon?!
Lumakad ako tapos humanap ng place na kung saan pwede akong pumara ng jeep. Sad to say, isang place lang meron. Yun pa sa walang shade.
Hay, sana pala nagdala nalang ako ng payong. Bwisit naman oh.
Hinigpitan ko yung hawak ko dun sa plastic ng pinamili ko tapos naghanda nang tumakbo. Okay, on the count of three.
“1…2…3----!”
*Tunong ng Kulog*
“EEEK!!!”
*BEEP BEEP!!!!*
*OOMPH!*
“Ano ka ba!? May balak ka bang magpakamatay?!!”
Natulala lang ako nun kay Kit. Hinila niya ako nun kaya lahat ng dala ko eh biglang tumilapon. Ang mas malala pa noon eh nakapatong siya sa akin.
Gumalaw naman ako nun para umalis na siya pero parang ang ayaw pa niya. Ang sama nga ng tingin niya sa akin eh.
Hello?! Umuulan po Mister Tasello baka naman gusto mo nang sumiliong?!
“Tignan mo tong mga batang to oh, sa gita pa ng daan naglalambingan! Naku! Kung ako ang nanay niyang babaeng yan eh pingot ang abot niyan sa akin.”
Namula ako nun at napansin kong si Kit rin. Umalis na siya sa taas ko tapos tumulong sa pagpupulot ng mga pinamili ko. Sumilong naman kami kaagad kasi biglang lumakas yung ulan. Hay, ano nang mangyayari niyan ngayon?!
“Thanks…” sabi ko sa kanya bago ako naglakad na. nagulat naman ako kasi nung biglang pag-alis ko dun sa may silong eh walang ulan na tumatama sa akin. Tumingin ako sa may likod ko, si Kit…pinapayungan niya ako.
“Pag may nangyari sa iyo, obligasyon ko yun. Ako ang huling kasama mo kaya ako ang masisisi.” yun lang pala. Akala ko pa naman…hay naku Andy! Wag ka na nga.
Hindi na ako umimik nun. Sa loob loob ko eh medyo ilang ako and at the same time eh natutuwa. Nitong araw ko nalang ulit nakasama si Kit. Ang weird no? hayaan niyo na ako. Sa ganitong paraan ko nalang naman kasi siya pwedeng makasama eh.
“Ihahatid mo ko?”
Tumingin lang siya sa akin nun na para bang naiirita siya. Feeling ko gusto niya akong batukan sa pagtanong nun. Sabi ko nga eh, ihahatid niya ako.
Medyo matagal tagal rin kaming naghintay bago kami makapara ng jeep. Ginaw na ginaw na nga kami pareho eh pero si Kit nanginginig na talaga.
Medyo ayos naman yung papunta sa amin. Buti nalang hindi na masyadong traffic at within 15 minutes eh nakapunta na kami sa may tapat ng subdivision namin at nakasakay na ng trike.
Napansin ko naman, dahil magkadikit na kami, eh ang tahimik lang niya tapos nakayuko pa siya. Nung makarating nga kami sa bahay eh kinailangan ko pang sikuhin siya para lang magising. Aba, talagang nakatulog eh no?
Pumasok naman kami kaagad sa bahay nun. Si Manang nga eh nanermon pa, bakit daw kami nagpaulan.
“manang sina ate po?”
“Ay hija yung ate mo eh nasa bahay ng kaklase niya. Si Herc naman eh sumama sa mama mo at yung papa mo eh wala pa. mukhang natraffic yata.”
Tumango lang ako tapos nagpagawa na ng mainit na inumin. Bumalik naman ako nun sa sala tapos nakita lang si Kit, tulog na naman. May balak pa kaya itong umuwi?
Ilang sandali lang eh dala na ni Manang yung tray na may mainit na inumin. Sinundot ko naman si Kit at agad siyang nagising. Inabutan ko siya ng tasa tapos siya eh tumango lang. I think yun ang way niya nang pagsabi na thank you.
Pagkaubos naman niya nun eh tumayo na siya tapos kinuha yung gamit niya. Ako naman eh pinaayos na kay manang yung pinaginuman namin tapos nagpaalam na sa kanya. Wala na sana akong plano na samahan siya kung hindi lang siya…
*BOOOOG*
“KIT!!” nahimatay.
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
Любовные романыWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.