Masasabi ko na nitong huling araw eh mas naging strong ang bond ng barkada namin. Hindi nila ako iniwan kahit kelan. Siguro nga mas okay narin yun kasi at least kahit papaano, nakayanan kong tumayo ulit at tanggapin ang mga nangyayari ngayon. Yun nalang siguro ang best, for now.
“Yo, Andy.”
“Ikaw pala. bakit?”
Umupo siya dun sa tapat ko. Nasa may gym kami ngayon, practice kasi ng volleyball. Next week na kasi championship.
“Wala lang, nangangamusta lang.”
Nginitian ko naman siya habang nag-aayos ng knee pads.
“Wala na kayong laban?”
Bihira ko nalang kasi talaga makitang nagpapractice yung varsity ng boys eh.
“Wala na. Sad to say, nasa 3rd place lang tayo. Sa boys division.”
“Ahh, ayos lang yan.” inayos ko naman yung suot ko nun tapos tumayo na. “Ah, sige pala. Practice na kami eh.”
“Andy saglit.” nilingon ko naman siya. “Bukas, kelangan kitang kausapin.”
“For what?”
“Basta..”
O-K. Ang weird niya. Tumango lang ako sa kanya tapos nun eh nakijoin na sa practice namin.
Todo training talaga kami hanggang gabi nun. Paguran kung paguran talaga. Gusto kasi namin maging champion eh. for 3 years kasi eh 2nd lang kami. This year, gusto naming baguhin.
Pagtapos ng practice naligo naman ako kaagad. Grabe, feeling ko masyadong nabugbog ang katawan ko. Sino ba namang hindi mabubugbog, eh magrecieve ka ba namang ng 5 spikes sunud sunod tapos kapag hindi mo nasalo eh magpupush ups ka o kaya maglalaps ka. Wow, pamatay talaga.
Pagkaayos ko ng gamit eh lumabas na ako ng court. Medyo natakot pa nga ako nun kasi gabi na. magpapasundo pa pala ako kay manong.
Kinuha ko naman phone ko nun tapos nagtext na.
“AHHHHH!!!” napatalon talaga ako nun kasi may bigla ba namang lumabas mula sa may madilim na part! Pagkatingin ko…anak ng tipaklong naman oh! Si Kit lang pala!
Wait, si Kit?! Anong ginagawa niya dito?
“Ang lakas mo tumili.”
“Bwisit ka! Tinakot mo ko!” pinalo ko siya nun tapos siya eh ngumiti lang. Napahinga lang ako ng malalim nun tapos naglakad na ulit.
“Saan ka?”
“Malamang uuwi na!”
“Bakit ang sungit mo?”
“Kasi nanggugulat ka!”
“Ganoon ba?”
Bwisit na ito ah! Ang kulit! “Ano ba kelangan mo?”
“Ihahatid kita”
Nilagay ko naman yung kamay ko sa harap niya para patigilin siya sa paglalakad. “No thanks. May sundo ako.” nagulat nga ako kasi bigla lang siyang napatingin sa kamay ko. Tinignan ko rin naman yung tinitignan niya tapos saka ko lang narealize, yung ring. Hindi ko pala suot.
Tinago ko kaagad naman yung kamay ko sa likod ko tapos naglakad na. Hindi na niya ako sinundan pa pagkatapos nun. Mabuti narin yun. I think.
*****
The next day maaga ako nagising. Ewan ko ba, excited rin siguro ako dun sa sinasabi ni Omar na may kelangan siyang sabihin. Weird nga eh.
Maaga naman akong nakapasok ng school at pinuntahan kaagad siya sa room niya. Hindi rin halatang atat no?
BINABASA MO ANG
100 DAYS?!?
RomanceWe’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we are still against the idea, hindi na daw itutuloy yung engagement, which I’m sure, ganun na nga ang mangyayari.