chapter 64

2.9K 22 2
                                    

“You’ve got to be kidding me.”

Ilang beses ko narin sigurong nasabi yan pero hanggang ngayon eh hindi parin ako makarecover sa state of shock na kinalalagyan ko. Sino ba namang hindi mashoshock? Eh ang nag-iisang mr. cuteboi at si Omar lang naman!

Diba? Shocker talaga.

“Ang kulit mo rin no??”

“Eh kasi naman eh!”

Tawa lang sila ng tawa nun. Nagkuwento naman si Omar kung paano niya nakuha yung ym id ko. At gaya nga ng sabi niya eh nag guess lang daw talaga siya. Sobrang bored daw kasi niya tapos yung pinapanood pa niya noon eh yung ‘My Sassy Girl’ na film. Oh diba? Nice naman.

Pagkauwi ko ng bahay nun eh diretso lang ako sa kwarto. Gawa assignemts, tapos tulog. Yan ang usual na routine ko ngayon eh. ewan ko ba, para bang nawalan nalang ako ng mood na gumawa ng anything fun lately.

The next day, Saturday, plano ko lang sa bahay buong araw. Wala lang, tinatamad kasi ako nun lumabas eh.

Nung Sunday naman eh cram sa paggawa ng mga homework at project and ang only time lang na lumabas kami eh nung nagsimba. Laking pasalamat ko nga eh kasi hindi na nagyaya yung parents ni Kit na kumain sa labas. Mahirap narin diba?

Nung Monday maaga akong pumasok. Wala pa nga masyadong tao nun sa school eh. feeling ko nga ako lang saka mga guards yung nandoon. Ano pa bang magagawa ko? Since medyo matapang ako eh nagexplore nalang muna ako sa mga classrooms. 

*BAM!*

Ouch! Sapul ah! 

Napatingin ako dun sa nakabangga ko tapos si…si Kit pala.

Halata mo naman sa mukha niya na nagulat rin siya. Ang tagal naming nagkatitigan nun. Feeling ko mga lampas 1 minute pa. ang weird pa dun eh nung natauhan siya…

Bigla nalang siyang umalis. Hindi man lang niya ako tinulungan tumayo, o kinausap. 

Bakit ka pa ba umaasa Andy? Yan naman ang gusto mo diba?

Napabuntong hininga lang ako tapos bumalik nalang sa room namin. At least dun, safe ako. Walang Kit na makakasalubong.

Buong araw eh naapektuhan yung mood ko. Ewan ko ba, ang weird ko ring tao eh. gusto ko na iwasan siya pero kapag iniiwasan na niya ako eh nalulungkot ako. Weird no?

“May problema ka ano?”

Tumingin lang ako sa kanya. Ayokong magsinungaling kaya tumango lang ako. 

“Siya na naman ba?”

“Oo…”

“Alam mo Andy…kung nasasaktan ka na sa ginagawa mo, itigil mo na…”

“Pero---”

“Walang pero pero…”

Hindi naman kasi ganoon kadali yun eh. 



*****



Habang tumatagal, mas lalo akong nahihirapan na umiwas. Para bang nananadya ang tadhana at kung saan sulok man ako magtago eh andoon parin sila. Minsan nga gusto ko nalang magabsent eh. o di naman kaya eh lumipat nalang sa ibang school. Pero hindi pwede eh.

“Kamusta ang buhay ng parating tumatakas?”

Tumingin lang ako kay Omar nun. “Mahirap.”

“Mahirap pala eh, bakit mo ginagawa?”

Yan ang isa sa mga tanong na kahit kelan eh hindi ko masagot. 

“Kung alam ko lang sana yung sagot eh...”

“Alam mo yung sagot..”

“Ngek, eh kung ala---”

“Hindi mo lang iniintindi.” sabi niya sa akin tapos iniwan na niya ako kasi nagbell na. 

Hindi ako makaconcentrate buong araw. Punung puno ng kung anu ano yung nasa isip ko. Feeling ko tuloy sasabog nalang yun bigla dahil sa sobrang bumabagabag dito. Hay, bakit ba naging kumplikado masyado ng buhay ko?

Hindi siya kumplikado. Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo. 

Ay nako, pati ba naman konsensya ko?! Naman!

Ilang weeks ko rin inendure na parating ganoon. Iiwas ako, tatakbo o di naman kaya eh magkukunwaring hindi naapektuhan. Alam ko sa loob loob ko nun, nasasaktan na ako. Pero may pagkatanga rin ako eh. oo, inaamin ko, tanga na ako. 

Dahan dahan akong naglakad papunta sa katabi ng kwarto ko. Bihira lang talaga ako pumunta dito. Kung baga, once in a blue moon. Hindi naman, exagge naman. Kapag may pinapahanap ko kaya pinapatawag na siya eh saka lang ako pupunta. Saka, bakit naman ako pupunta diba? Eh di nagkaroon ng world war III sa bahay namin. Pero exception itong araw na ito.

“Ate?”

“Ano? Ano na namang problema mo?” kita niyo na? lalapit palang ako eh para na siyang tigre na naka attack position.

lumapit ako sa kanya at umupo dun sa paanan ng kama niya.“May itatanong sana ako eh…”

Napansin siguro ni Ate Cass yung pagkalungkot ko kaya nawala yung pagkainis sa boses niya. “Ano yun?” 

“Ate, anong gagawin mo, kapag may kaibigan ka na pinagpromisan mo na tutulungan mo sa mahal niya, tapos nun eh na-inlove---hindi, narealize mo na matagal mo na palang gusto yung mahal niya?”

“Wag mong sabihin may pinag-aagawan kayo ni Marla?”

Umiling lang ako nun. “Hindi si Marla ate…”

“Ah, yung new friend mo.” Nagulat ako. Paano niyang nalaman? “Ako yung tipo ng tao Andy na hindi basta bastang nagpaparaya kaya syempre, papaglaban ko yung nararamdaman ko.”

“Ganoon ba?”

“Pero magkaiba tayo Andy.” Tinaasan ko naman siya ng kilay. Sasabat na sana ako kaso pinigilan niya ako. “Ikaw naman Andy, yung tipo ng tao na kahit sobrang nasasaktan na eh handa parin magparaya. Iniisip mo muna yung kapakanan ng iba kesa sa sarili mong kaligayahan.”

Teka, ganoon ba talaga ako? Kaya ba ako nagkakaganito eh dahil totoo yung sinasabi ni ate Cass?

“Hindi maganda yan Andy. Kelangan mong baguhin yang attitude na iyan. Kelangan mo rin namang pagbigyan yung sarili mo kahit paminsan minsan lang. Tao ka lang rin Andy, at lahat ng tao eh napapagod rin kahit sabihin mo mang malakas sila.” 

Naramdaman ko naman yung mga luha kong tumulo. Tama siya. Tama lahat ng sinabi niya. Pagod na nga ako. Pagod na pagod.

“Kelangan Andy matuto kang ipaglaban ang kasiyahan mo dahil hindi mo alam, balang araw baka maging malungkot ka nalang at parating iniisip na, ‘paano kaya kung ginawa ko iyon?’. Magkakaroon ka ng maraming regrets Andy.”

Napahinga naman ako ng malalim. Grabe na, sobrang naapektuhan ako sa sinasabi ni Ate Cass. Sobrang sakit, lalo na dito *points at her heart*. 

“Pero paano kung may masasaktan akong tao?”

“You can’t please everybody Andy. Kahit anong desisyon naman ang gawin mo eh may masasaktan ka parin.”

Ano ba talagang dapat kong gawin? Ano?

“ate…” tumingin ako kay Ate Cass. Napansin kong punung puno ng pagkaawa yung mga mata niya.

“Halika nga dito.” At agad naman akong yumakap ng mahigpit sa kanya. “Tama na Andy. Sobra ka nang nasasaktan. Isipin mo naman ang sarili mo.”

“Ate nakakapagod rin…sobrang pagod na pagod na ako.”

“Well alam mo na ang dapat mong gawin Andy….” Napatingin naman ako sa kanya at nginitian niya ako. “Pagbigyan mo naman ito. *turo sa puso ni Andy*.”

Pumikit naman ako nun tapos sumandal lang.



















Ano na ba talagang gagawin ko?

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon